CHAPTER 1
Beb's Pov
"Ate magkano 'to"
Costumer!
"Dos isang piraso," sagot ko sa lalaking nanghahalungkat ng mga paninda ko. Nasa tapat ako ng paaralan ngayon nakapwesto at katulad ng kahapon na tomorrow ay nagsilabasan na ang mga estudyante sa gate, nakakaloka nga at daig pa ang nagka zombie apologize dahil sa mga mukha nila noong bumukas ang gate. Taen* talaga at naalala ko ang mga araw ng kadugyutan naming noon sa high school. Tulad nila ay ramdam na ramdam ko kung gaano nila gustong saksakin ang guard dahil sa pagiging-Feeling Principal nito.
High School life, napagandang alalaala nga naman. Sinuklian ko na 'yong lalaking kanina pa nakatingin sa akin bago inabot ang gulaman nito. Medyo gwapo siya ha, feeling ko may lahing bampira, napaka puti e.
"Kai! Tara na." Rinig kong sabi nong kasama niya na nasa kotse.
Hindi ko na lang pinansin at mas importante sa akin ngayon ang pangungustomer. MONEY!
"Eh 'yan?" Turo ng amoy letche na binata sa tempurang kahahaon ko lang sa kumukulong mantika. High school din naman kami noon, pero hindi kami ganito ka bantot. Napabuga ako ng hangin.
"Lima, dalawa piraso," tugon ko sa kaniya.
"Itong gulaman?" tanong pa ng kasama niya na amoy putok din. Jusmeo!
"Limang peso," walang gana kong sagot dito. Pinaningkitan ko sila ng mata. Plano ba nilang makipag QandA lang?
Tch! Mga batang 'to.
"Number niyo po?" sabay dukot nila sa selpon nila.
"0935149****" automatiko kong tugon sa kanila.
Luh 'nyeta! Tiningnan ko ng masama ang estudaynte na mukha namang ipis. Ipis na amoy letch* pa.
Kalma beb, costumer ang mga dep*nggol na 'yan. Pangungumbinsi ko sa sarili ko.
"Tol na save mo?" Tanong niya sa kasama niya.
"Oo tol. Hehehe" nagsihagikhikan pa ang mga gonggong.
Puny*ta number pala yun ng kaibigan kong bakla! Pang ilang bese ko na bang binenta number ng kaibigan ko? HAHAHA. Oh well, hayaan ko na nga lang ng magka lovelife yun. Mahirap na baka manlimos na naman yun sa akin ng lalake.
" Kapag ako sinagot nito who you kayo sa akin."
Ang sakit nila sa mata. Mga letch* asa kayong papatulan ko kayong mga amoy putok kayo!
"Hoy mga putangin*! Ano? Tutunganga lang ba kayo? Hindi kayo bibili!?"
Gulat na inilipat nila ang tingin nila sa akin. Oo nandito pa ko mga Buang!
Nakakaimbyerna naman kasi, Kanina pa silang tatlo dito at nakikipag Q and A sa akin. Daig pa si Boy Abunda kung makipag hot seat. Literal na hot dahil mainit ang panahon tapos dumagdag pa 'tong mga surot na ito sa paningin ko. Nakakawalang ganang magpaganda!
"Magkano 'tong kwek-kwek 'teh?" Nakangising tanong nong lalakeng may itsura. Mga bano!
"Twelve." Nakapameywang kong tugon dito.
Oo inis na ako niyan.
"Ice water?"
"Dalawang peso." Nagsimula na talagang maubos ang natitira kong pasensya sa mga 'to ha! Kapag talaga ako naubusan naku! Wala ng costumer is always right at ipapaligo ko sa kanila itong kumukulong mantika.
"Mahal naman ng paninda niyo 'te! Gaya ng pagmamahal niya. Sa sobrang mahal ay hindi ko kayang abutin. Booom keleg!" sagot nong isa nila kasama na mukhang palaging naka-gel.
Napakunot noo ako ng magyakapanan ang tatlo sa harapan ko.
"Ok lang 'yan bro, nandito naman kami lagi para sayo. I love you bro." At nagsi-iyakan na nga sila.
" I got you back boi," saad pa nong isa habang tinatapik ang likod ng kaibigan nilang broken.
Mga 'nyeta ah!
"Sige ice water nalang po, hahatiin nalang namin, total lagi na lang din naman akong may kahati! " pagmamaktol niya pa nang kumalas siya sa yakapan nila.
Padabog kong isinarado ang takip ng dinuguan at isa-isa ko silang tinapunan ng tingin. Kung nakakamatay lang sana ang tingin kanina pa sila pinaglamayan.
" 'Nyet* kayo! Dami nyong knows tapos ice water lang pala bibilhin niyo!" sigaw ko. Nagsitinginan naman ang mga tao sa akin. Pake ko?
Nagkamot lamang sila ng batok bago nag peace sign. Yung dalawa naman dahan-dahan nang naglakad. Aba'y e-exit pa!
"Eh ang mahal naman po kase ng paninda niyo buti sana kung mahal din kayo." Kamot batok nong isa.
Pinanliitan ko ng mata ang nagngangalang Lemuel sa hirit niya.
"Last mo na 'yan ha! Tigil-tigilan mo ako sa mahal mahal na iyan! Mahal pa naman ang bigas," maangas kong sabi rito.
"Wow! Ate nakiki hugot! Jowain na this!" Sigaw nong kasama ni Lemuel.
"Mamatay lahat ng marufok!" Sigaw naman ni manang Angy habang abala sa pagbabalat ng mani sa gilid ko.
Umakto naman 'tong tatlo na mga kulang sa aruga na namatay at may pahawak hawak pa sila sa dibdib nila. Buti sana kung nagkatotoo! Pwe!
"Sige na 'te babaan niyo naman kahit kunti. Lower banker. Lower." pakiusap ni Lemuel.
" Ang baba na nga ng presyo ko bababaan ko pa?! Eh kung ipamigay ko nalang kaya sayo 'tong mga paninda ko?" Puno ng irita kong sigaw sa mga bubwit. Wala na kong pakialam kung pagtinginan kami ng mga tao dito sa plasa.
Ang akin lang, mga bwesit sila!
Nagsihagikhigan naman sila manang sa gilid ko. Happy talaga sila kapag nakikitang galit na galit ako. Para raw kase akong mamantikaing letchon na galit. Letch*.
"Ito naman. Ang cute nyo pala kapag nagagalit 'no? Sayang nga lang ang lagkit na ng face niyo" hirit pa ni Lemuel na tila kasalanan ko pa ang pagiging mantika ko. Kung hindi ba naman sila isa't kalahating tanga, ito ang sign nang pagiging masipag ko sa buhay.
Kinuha ko yung mainit na pang-ipit sa kilid ko at tinutok sa mga pagmumukha nila.
"Eh kung ikaw kaya iligo ko dito sa kumukulong mantika!? Nyet* kayo! Lumayas kayo rito!" Napahilot ako sa ilong ko habang pinipigilan na ibuhos sa kanila 'tong mainit na mantika.
Nagsitakbuhan naman sila bitbit ang ice water na hindi pa binabayaran.
"Hoy! Mga Impakt* yung bayad niyo!" Halos bumakat na sa leeg ko ang mga ugat sa pagsigaw ko pero malabo nang bumalik sila oara bayaran ako.
Puny*ta ano ba namang araw to!? Ang dami ko ngang customers, hindi naman sila bumibili, nakikitambay lang sila sa kariton ko habang nakikipag picture. 'Nyet* daig ko pa ang artista, kaso 'di naman yun kayang itawid ang kumakalam naming sikmura! Buti sana kung bumabayad sila! Kada picture 1, 000 Ganun!
Hindi yung tanong lang sila ng tanong at ang ending? Ayon hindi man lang binayaran ang dalawang pesos na ice water. Na lugi pa sa ice water. Ampuch8.
Jusko! Nakakahagard talaga 'tong trabaho ko! Tapos yung iba ang lakas pang mangburaot! Kaya 'di umuunlad ang Pilipinas eh! Kapwa mahihirap laban sa mahihirap. Nasa mababang istado na nga tayo sa buhay papatong pa 'tong nga ganitong tao. Buti sana kung yung nagbabasa nito ang pumatong. Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko. Ror
Tiningnan ko ang pangpulsuhan kong relo. Mag-aalas saes na pala. Kaya pala andito na 'tong mga boyset kong friends! Sino pa nga ba? Edi yung mga lamok s***h masugid kong manliligaw na handang ibuwis ang buhay nila matikman lang ang alindok ko.'Di tulad ng isa dyan feeling famous eh marami namang bulbol.
Teka ano ba'tong mga pinagsasabi ko? Kala mo talaga may pinanghuhugutan 'no? Pwe!
Bagsak ang balikat na tiningnan ko ang paninda kong kalahati palang yung nakakaltas. Jusko lugi na naman ako! Tsaka 'yong ginataang kalabasa ko lang ang benta today. 'Yong dinuguan? Kamusta naman?Well, kung ayaw nila sa dinuguan ko, p'wes ayaw ko rin sa kanila.
Sinimulan ko nang itulak ang kariton ko papunta sa bahay ko para simulan na namang maglako ng balot.
Yeah you heard it right! Aside from paglalako ng pesbol,kwek-kwek,tempura, mga ulam and ice water under the matirik na araw malapit sa school, sideline ko rin ang paglako ng balot every night.
Kayod kalabaw tayo mga teh! Para sa ikakaunlad ng bayan.
Habang buong lakas na tinutulak ko ang kariton ay hindi nakatakas sa maganda kong ears ang mga gi-atay na chismosa! Representing the Tres Maria all the way from kanto Paasa marami ang chismusa, numero uno sa balota. PHILIPPINES!
"Alam niyo ba 'yang si bebe, napakadami na raw naikama niyan!" Bulong ni Maria 1.
Ayan nagsisimula na naman sila. Kumunot ang noo ko't natatawang nagkagat labi. Ows talaga? Wala nga kaming kama!
"Talaga? Kaya siguro lagi siyang wala sa bahay niya" suspetsiya ni Maria 2.
Gaga! Baka dahil kayod ako ng kayod para may pera? 'di tulad niyo mga walang magawa sa buhay kun'di mangtiris ng pulgas ni pulgaso at mang chismis!
"Hindi na nahiya" malakas na bulong ni Maria 3.
Hiyang-hiya naman ako sa inyo! Pwe!
Parang gusto ko ata silang bigyan ng award sa napakagaling nilang manghula ngayong gabi. Kahapon lang pinag chismisan nila ako tungkol sa mga jowa ko RAW! Hays sana all totoo 'no? Kaso wala eh! Nakadepende lang talaga jowa ko sa mga pinagsasabi ng tatlong bruhilda na'to.
Natahimik sila bigla nang nasa harapan na nila ako kapagkuwan ay ngumiti silang tatlo. Mga punyetang plastic! Pwe!
"Magandang gabi po sa inyo," magalang kong bati sa Tres Maria.
"Ay magandang gabi naman iha, kamusta ang lakad mo?" Usisa ni Chismusa uno.
Ngumiti lang ako kahit nangangati na 'tong palad kong mangalbo. Kaso ano naman kaya mapapala ko sa mga 'to?
"Ayon, lakad pa rin paminsan minsan tumatakbo." Biro ko bago kinuha ang susi ng bahay ko.
"Ikaw talaga bebe, oh siya mauna na kami ha?" Nakangiti na paalam ng tatlo habang bitbit ang walis tambo nila. Tumango nalang ako bilang tugon bago pinasok ang kariton sa garahe. Napairap nalang ako sa hangin ng marinig ko ulit ang bulong-bulongan nila.
"Kita mo na? May kinakama talaga yang babaeng yan, kita nyo yung mukha? Pagod na pagod diba? Nakailang rounds kaya sila?"
Mga walang magawa talaga sa buhay! Kaya pinapakelaman nalang nila ang mga buhay ng may buhay para sa ikakaunlad ng buhay nila. Alam ba nilang nabubuhay kaming mga may buhay para mabuhay!?
Jusko nakaka stress lang talaga buhay nila. Buti nalang talaga at may buhay akong dapat buhayin at hindi ang magulo nilang buhay. Kung nagkataon naku! Mamatay sana buhay nila. Swear!
Ikinibit-balikat ko nalang ang mga narinig ko at kunware may nakabara na yema sa tainga ko.WALA AKONG NARINIG! LALALALALALALALAH ~
Pagkadating ko sa bahay ay nagpalit agad ako ng damit. Hinanda ang mga gamit para sa susunod ko na sideline.
But before anything else, lumamon muna ako at nagpahinga. A-absent muna ako sa kanila Ate Joseline.
8:45 pm
"Baloooooooot!" Mahaba kong sigaw sa mga kabahayang nadadaanan ko. Madilim na ang kalsada pero laking pasalamat ko sa meralco at lumiwanag na ang buhay ng kalsada rito.
"Balooot kayo diyan!" masaya kong pagkanta ala Kc Tandingan sa mga kabahayan.
Ehem!Maganda naman daw kase boses ko at doon ako madalas nakakadawit ng costumers. Duh! Kapag talaga ako sumali sa PGT naku! Baka tumambling si Vice Ganda at agad na mag-Golden buzzer. Pak!
"Oi leng!" Napalingon ako sa taong tumawag sa pangalan ko. No other than ate Joseline Milo. Ang babaeng akala mo'y nasipa ng kabayo ang ngipin at nagsi usugan. Pero kahit na ganyan 'yan huwag ka, dahil 36-24-36 ang sukat ng katawan nya tapos daig nya pa ang pinaligo ng galapong sa kaputian.
"Te Joseline!" Tawag ko kay sa kaniya habang abala siya sa pagpaypay ng isaw. Taray! May lakas pa siyang mag-sleeveless sa lamig ng panahon. Power!
"Bibili kayo?" tanong ko agad sa kaniya. Tumango naman siya kaya kinuha ko na yung tatlo balot. As usual sarap na sarap kase sya sa tatlong balot. Ayaw raw nya ng dalawa lang dahil bitin. Sabagay pampatibay din kasi ng tuhod 'tong balot.
"Teh oh, 45 lang yan," kwenta ko sa order niya. I heard her chuckled before handing me the money. Magpapasalamat na sana ako ng maamoy ang putrages na nanunoot sa ilong ko.
LAKAS NG SIPA! WASAK NA WASAK! SANGSANG TALAGA NANG AMOY! AMOY LUPA!
"Pabili nga ako behbeh qhue number 51." Napaikot ako ng mata sa sinabi ni Bedok kasama ang mga barkada niyang nasa golden times na rin.
Sabi ko na nga ba.
Benedo Sanchez ang buo niyang pangalan. Ang lalakeng hindi nakapag-asawa kaya trinitripan ako,at higit sa lahat maraming pera. Oh 'di ba? Open sa mga naghahanap ng papa de asukal diyan. But who cares? Extra lang siya sa kwentong ito. Pwe!
"Sure ilan gusto mo?" Maangas kong tugon sa kaniya. Nawala na rin yung mode kong makipag ngitian, at pakipag contest sa close up.
"Mga 10 anak ok na yun," aniya habang pinagsisiko ang barkada nito na naghahagikhikan.
"Gago!" Sinipa ko ang tuhod nito dahilan para tumalon-talon ito sa sakit. Kahit kailan wala talaga siyang kwenta kausap.
"Sige 'te maiwan ko muna kayo." Paalam ko kay ate Jo at agad na naglakad sa kalsada.
Binagga ko pa si Bedok sa balikat niya at naglakad. Haharang-harang kasi. PWE!
"BALOOOOOOT, HOPIA,MANI,POPCORN!! BALLOOO-----"
"Hey Bebe." Napaikot ako ng mata nang marinig ang malanding tuno na 'yun.
Tuwing gabi talaga naglalabasan ang mga higad at mga punyeta sa buhay ko. Ay naku ewan lang talaga!
"Bibili ka?" Walang gana kong tanong kay Duwarda.
Duwardina Utugan. Ang Magdalena sa Kanto Paasa. Hindi naman na bago sa kanto na ito ang mga katulad niya. Marami nga diyan, ginawang 24/7 ang serbisyo nila. Pero wala tayong say diyan, kanya-kanyang diskate na lang tayo sa buhay. I look at her from head to her ingrown and back to her makasalanang palda a.k.a kita undies na ka-match pa ng kulay sa buhok niya. Rainbowr. Ibang klase!
Ngumuya pa ito bago tiningnan ako ng makahulugan. Kabisado ko na ang mga tingin na iyan. Yayain niya naman ako magbar. Duh! pass tayo diyan dahil mas importante ang pera sa panahon ngayon kaisa mag-aliwaliw. Maikli lang ang buhay kaya naman need nating gamitin hindi lang para pagsaya at isa pa, masaya kaya itong trabaho ko dahil kung suswertehin baka makapulot tayo ng bakal pang-benta sa junk shop. Winner! Napangiwi ako dahil halos isampal niya sa pagmumukha ko ang plastik na mainit.
"Hoy 'no ba!?" Bulyaw ko rito.
Lukot na ang noo ko dahil sa ginawa nya. Puny*ta ang init kaya, baka nag fusion sila ng mantika ko sa mukha at maging fried pa iyong pansit.
Suntukan nalang kaya? Itutupi ko na sana ang manggas ko para makabawi man lang sa kaniya. Pampapawis ba.
"Pansit oh your favorite," maarte nitong bigkas.
Hindi niya man lang pinansin ang intensyon kong makipag suntukan.
Napababa ang tingin ko sa sinampal nyang plastic. Amoy pansit nga!
Naka bingwet ata si Utugan ng malaki-laki ngayon at may papansit. Taray! Dati paksiw na kinulang sa suka lang, ngayon may papansit na! Asinsado!
Well, hindi talaga nila ako kinakalimutan kahit kailan. what can I say? They offer anything, foods, shelter kulang nalang ay ampunin nila ako. Kahit na may tatlong bruhilda sa buhay ko ay lab lab pa rin nila ang dyosa na ito. But other than that, they treat me as princess.
Prinsesa na walang titulo, walang korona, walang punyetang prince charming. Kung nasaan man yung dipunggal kong prince charming, h'wag na kamo sya magpapakita sa'kin at matagal ko na syang nilibing sa isip at kaluluwa ko. Over my dead and gorgeous, slim and oily body! Never ko na syang tatanggapin sa buhay ko. Iyon kung may darating man.
"Aanhin ko yan?" Naka awang kong tanong sa kaniya. Kunware pabebe.
"Sige i try mong itali sa pwet mo Beb. Syempre kakain diba?"
Ay 'nyeta nangbara pa!
"Ah sige i try ko, salamat sa advice ha!?" Sarkastiko kong sabi rito sabay kuha don sa pansit niya.
Tandaan:MASAMANG TUMANGGI SA GRASYA!
Hindi ko na pinansin si Utugan at baka manghingi pa ng discount sa pinakbet ko.
Patuloy ang paglalako. Medyo iilan na lang ang bahay rito. Nakalayo na rin ata ako sa kanto namin.
Bigla na lang umihip ng malakas. Nilingon ko si Ate Utugan pero nakalayo na rin pala siya. How did she get there? Ang creepy ha! May kausap na kase siya na afam malapit sa posteng patay sindi. Sana lahat mabilis makabingwit ng afam. Nagpatuloy na lang ako sa paglalako, mahaba-habang lakaran ito. I need to do this for my own sake at sa mga pangarap ko sa buhay.
"Ughh...t-tulong"
Napakapit ako ng mahigpit sa bitbit kong lalagyan ng balot, habang ang kanan kong kamay ay sapo ang nagtatambol kong dibdib ng marinig ang malamig na boses na iyon.
"W-Whos there?!" nanginginig kong sigaw. Naglakad ako papalapit sa may poste ng ilaw.
"tu-tulong" ulit nito. Halata sa boses nya ang nanghihina..
"Tulong who?" Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.
Mula sa pinakamadilim na parte ng kalsada, malapit sa bakanteng lupa ay isang lalake ang lumabas.
"Tulong!"
I rooted on my spot, lahat ng balahibo ko sa katawan ay nagsitayuan ng humakbang pa ito, papalapit sa akin. May karatulang nakasabit pa sa katawan nya at may nakasulat sa dugo!
"BeMyBride@y*******m? What are you waiting for apply now! Hastag help, Hastag Spread love, hastang wh3R na U babyqhoe, hastagsadboi here, hastagwalakangjowa..." Kamuntik ko ng i umpog si kuya sa ka gaguhan niya. Ang daming hastag. Puny*ta.
"Naka drugs po ba kayo?" hindi makapaniwang tanong ko.
Bigla namang nag-angat ng tingin si kuya. Umarko 180 degree ang kilay ko ng makita ang mata nitong pulang-pula. Pero bes, confirm may abs si chasecake,ngayon ko lang din napansin na nakatopless ito. Nakasilip pa ang u***g. Nakakaloka.
Adik pala tong Putrages na to! pero in fairness ang yummy. Pweding isama sa bangketa tapos doon ilibig. 'tragis nya pinakaba niya pa ako! Kamuntik pang lumabas ang puso ko sa kakarampot kong dibdib. Letche!
"B-blood!"
"Gag*! Mama mo blood!" Akmang lilihis ako sa tamang daan ng marinig ko ulit itong nagsalita.
"Blood!" Mas lalo pang tumingkad ang kulay sa kaniyang mata. Kaya medyo na alarma ako nang very slight ha.
Napatingin ako sa basurahan nang may naisip akong bright idea. Inilapag ko na muna ang paninda.
"Wait kuya ha?"
Nagtatakang nakatayo lang siya doon.
Blood pala ha! Patuloy ako a paghalungkat at nagbabakasakaling may makitang panglaban sa kanya.
Alas!
Kinamay ko yung medyo may amoy na napkin na buti na lang ay hindi nakalkal ng aso at sinampal sa pagmumukha nya. Sakto at nasa likod ko lang sya kaya, sapol na sapol iyong sa mukha niya.Puny*ta at may amoy pa. Pinahid ko sa katawan niya ang naiwang amoy doon. Chansing na rin 'no! Minsan lang may fafabol na lumapit sa sa atin kaya sulitin na natin.
"Sabihin mo, Salamat basura," nakangit kong sabi sa kaniya.
Tiningnan niya naman ako na puno ng pagtataka bago ngumiti. Sh*t ang creepy! Hinawakan niya nang mahigpit ang braso ko nang akmang tatakbo na ko.
"Ano ba!? Let me go!" sigaw ko, pero mas humigpit lang niya ang pagkakahawak sa akin..
"Sabing ayaw ko na nga sayo diba!? Saang parte ba doon ang hindi mo ma intendihan na WALA NA TAYO! GAME OVER AYAW KO NA SAYO! MAY IBA NA KO!I AM NOT CELEN!!" Bumuhos naman ng malakas ang 'nyeta na ulan.
Nanatili lang kaming ganoon na para bang nasa loob kami nang isang K-drama at naghihintay na palayain niya ako. Nakatalikod ako sa kaniya habang siya naman ay hawak pa rin ang kamay ko.
"Ang drama mo," dinig ko sa kaniya sapat lang para manigas ang katawan ko. Kamag-anak ba to ni James Reid? Maypa-slang pa. Iyong tunog talaga e.
"Gusto ko lang naman ng mapapangasawa." Dugtong niya pa dahilan para mapaharap ako.
I mentally bite my lips. Sheyt! Ang gwapo naman ng adik na ito! Sayang ka boi.
"Asawa!?" I look at him, from head to toe. Minsan din ay napapapikit ako dahil sa laki ng butil ng ulan. Jusko! Sayang naman nito at nalulong sa masamang bisyo.
"Ikaw? Aba otoy itigil mo na kakatira ng rugby, nawawala ka na sa landas! Mag-aral ka muna bago ka lumande! PWE!"
Binawi ko naman ang kamay ko't pinulot ang tinda ko. Akala ko ba hindi uulan ngayon? Sinungaling talaga minsan 'tong PAG-ASA. Sinadla ko pa talagang iwan ang payong ko sa bahay. Tsk PAASA!
Akala ko doon na hihinto ang paglalatenya ko. Pero mali! Porbida naka tsinilas lang ako pero kung matapilok daig pa ang naka 9 inches na heels!
Handa na kong salubungin ang lubak-lubak na kalsada. Masaktan at iiyak nang patago ang puso kong nabigo.
3
2
1
Ok bilangin ulit natin.
3
2
1-
Halos magtago ang lahat ng happy hormones ko sa Pluto ng imulat ko ang mata ko. Walang lubak na lubak na kalsada ang tumama sa 'king mukha. Hindi rin nagkasugat ang mukha ko. Pero-
Naramdaman ko ang paggalaw ng kamay niya dahilan para mas lalong manigas ako sa kinatatayuan ko.
"Flat,"kumento niya pa.
"P*TA MANYAK!"
Humarap ako sa kaniya at agad ginawaran ng mag-asawa't kabit na sampal. Plus, sipa sa bayag, hila sa patilya, tinuhod ang balunbalunan, tinirintas ang atay, ginawang punching bag ang heart, prinito ang baga-ok oa na basta binugbog ko ang gago.
Pumatong ako sa kaniya para mas lalo ko pang ipadama ang hinanakit ko sa pag-abuso niya sa Dede ko. Tae siya!
"Puny*ta ka! " inis na inis kong sigaw.
Ang lamig kong nararamdaman ay napalitan ng kulo! Kakarampot na nga lang pagsasamantalahan pa?! Asan ang hustisya? Hindi porque gwapo sya sasantuhin ko na ang kagaguhan ng isang ito? Aba! Galit ako sa manloloko -Grace Poe. Este! Peste sya!
"P-pwede n-na rin," pilyo niyang sabi dahilan para madurog ang sapatos na hawak ko at pinaghahampas ulit sa kaniya. Hindi ko alam kung saan ko nakuha 'tong sapatos na 'to, ahhh basta!
Alam kong awkward ang posisyon na ito pero 'nyeta! Alam ba nya ang salitang beware of Dyosa? Pwes ipaparanas ko sa kaniya ang hinangpis ng isang api.
Bago ko pa sya gilitan at bawian ng hininga dahil sa lakas ng paghampas ko with sound effects pa, ay umalis ako mula sa pagkakasakay sa kaniya nang makita ang maliit na puting bandera na iwinawagayway, simbolo sa pagsuko.
Umuusok na umalis ako sa lalaking bastos na ito. P*ste! P*ste! P*ste!
Pinanliitan ko ba muna siya ng mata. Huwag na huwag lang talag siya magpapakita ulit sa akin kung hindi—ay naku! Baka ano ba magawa ko sa makasalanan niyang mukha.
Napatingin ako sa dibdibko. Hinawakan ko ang isa. P*nyeta! Kakarampot ka na nga lang pinagsamantalahan ka pa. Hindi na tuloy pantay.