Akmang babarahin niya ito ng sagot ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Queenie na may dala dalang kape at nag goodmorning pa sa kanilang dalawa, kunwari itong ngayon lang nakita si Roxanne at nagpakilala naman sa kanya huli. Pagkatapos nilang magpakilala ay nagtanong naman ito kay Jude kung meron pa itong kailangan ngunit sinabihan lang niya itong iready ang boardroom dahil may meeting siyang dadaluhan mamaya maya. Habang si Roxanne naman ay umupo sa harap ng mesa ni Jude na di alintana kung maiinis o aalis na lang. Ilang saglit ang nakalipas, umalis naman si Queenie at nagpaalam na mauna na sa kanya at nag offer pa itong ituturo sa kanya ang magiging mesa nito na nasa extension lang din daw ng mesa ng huli. Pagkalipas ng ilang segundo habang nagkakape si Jude ay akmang tatayo na

