"Buday! Buday, ano ba gising kana dyan malalate ka na sa trabaho mo!" Sigaw ng tita Maria niya sa labas ng pintuan na biglang nagpagising sa kanya at sa kanyang pagkakahambing. Hays! Napasarap yata ang tulog niya ah, hindi niya na narinig ang alarm ng cellphone niya kanina. Dali dali naman siyang bumangon at naligo. Kalahating oras ang nakalipas nasa hapag kainan na siya at nagmamadaling nag agahan. "Batang ito, malalate sa unang araw ng trabaho. Ano ba naman kasi ang panaginip mo't di ka nagising sa alarm ng cellphone mo? Ay naku Buday wala kang pinagkaiba kay ate MJ mo na kung matulog, tulog mantika. Alam mo bang nakailang warning na yun dati kay Jude dahil ilang beses na nalalate. Susme batang ito. Baunin mo itong sandwich na gawa ko oh at bigyan mo na din ang boss mo kung magsungit.

