Makalipas ang dalawang araw, nakakausap na ng maayos si Roxanne, at ang mga sugat nito sa ulo at sa baling kamay ay hindi na masyado iniinda nito habang naka benda pa rin ang ulo't kamay niya. Si Jake naman ay hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalabas ng ICU at kritikal pa rin ang kalagayan, at bawal pa rin itong bisitahin dahil napapalibutan pa rin ito ng mga aparatong nagbibigay buhay rito. Ang sabi naman ng doktor ay baka matagalan pa sa recovery si Jake dahil merong pamamaga ang utak nito na nagcacause ng coma. Bumisita naman sina Jude at MJ sa kanila kasama ang kambal. Makalipas ang ilang linggo ay nakakatayo na si Roxanne at tinanggal na rin ang benda sa ulo niya ngunit ang mga kamay ay nakasabit pa rin sa leeg nito at nakabenda pa rin dahil naka semento pa rin. Si Jake naman ay

