Kinabukasan, nagmamadali namang nag papara ng taxi si Roxanne dahil sa malakas na ulan, nakasuot pa naman siya ng sleeveless golden peplum top na pinarneran niya ng black pencil skirt at itim din na three inches pumps, at pinatungan niya naman ito ng chanel blazer. Mabuti nalang at may taxi agad na huminto sa harapan niya at nagpahatid na siya sa Murrays's building. Alam niyang late na siya ng twenty minutes, ang tagal naman kasing umuwi ni Jake kagabi at nakipanood pa ng korean movie ni tita Maria kaya tuloy madaling araw na silang nakatulog. Mabuti nalang at umuwi pa si Jake at dumiretso na ito sa hospital at nagbantay kay Ella. Pagkatapos kasi nilang pinagsaluhan ang nakaw na sandali sa kwarto niya ay kumatok si tita Maria niya, at mabuti na lang hindi sila hubad at naisara niya agad a

