Pnuluyan(Part 1)

1102 Words
PANULUYAN [Part 1] --- Ako si Danny. Batang bata. Gwapo. Yun ang sabi nila. High school graduate, at dahil sa medyo kapos ang pamilya eh minabuti kong hindi muna pumasok sa kolehiyo. Nagtrabaho para makaipon ng kaunti. Ngayon, nagkaroon ng pagkakatipon ang aming pamilya. Sa tatlong taon, ngayon palang ulit kami nagkita ni tita Florina. Malapit sya sa amin, kahit, 3rd cousin na raw sya ng papa ko. Mula nung bata pa ako ay tuwang tuwa na sa akin itong si tita Florina. Dahil daw, pilyo, at wais daw akong bata. Palabiro sya kaya nahawaan nya rin ako. May anak syang si; Rina. Kahit malapit kami ni tita ay kailan man hindi ko nakahalobilo ang anak nya. Sinasabing matalino rin ito, maganda rin pero, suplada. At halos kabaliktaran ng ugali sa kanyang mama. May pinsan naman si Rina, yun na si; Jackie. Mabait, maganda at madaling makasundo. Halos magkapatid na ang turingan nila ni Rina. Kaya kahit, hindi namin kaanu-ano si Jackie ay nakilala namin sya dahil palagi syang kasama ni tita Florina kapag nagkikita-kita pamilya namin. Nung nalaman ni tita Florina na hindi ako nakapag-aral. "Aba'y sayang yung talino mo Danny. Sige, ako na bahala sayo" Wika ni tita Nagulat kaming lahat nila papa. "Talaga?" "Oo. Dun ka titira sa bahay syempre. Wala kasi kaming lalaki kaya walang gumagawa ng mabibigat na gawain haha. Okay ba sayo yun?" "Opo naman tita. Walang problema" Sagot ko. Kaya nagkasang-ayunan kami at lumuwas para mag-aral ng college. Sa pagtira ko sa bahay ni tita, marami akong paninibago. Malaki ang bahay nila. Nasa Amerika ang asawa nyang si tito Johnny, at kasama nya doon ang papa ni Jackie. Sa bahay na to ay dito rin nakatira si Jackie. Para hindi na sya mapalayo sa school nila. Pareho sila ng eskwelahan ni Rina. Paminsan-minsan pumaparito ang mama ni Jackie. Tita Ingrid na rin tawag namin dun. Ako na nga ang naging boy sa bahay. Ako lang nag-iisang lalaki rito eh. Maagang nagigising para mamili ng makakain. Sanay naman ako sa mga gawain kaya di na ako nahirapan. Masnapadali pa nga ang mga pinapalakad, dahil may kotse sila tita. Isang hatchback na Mitsubishi Mirage. Kinuhanan ako ng driver's license ni tita. Sobrang bait nya talaga. Ganoon din si Jackie. Minsan sya katulong ko sa mga gawain. Naging hobby nya rin daw ang maglinis sa bahay. Nakakaakit ang sya at ang kanyang personalidad. Sa ganda nya ay, nahihiya pa nga akong kausapin sya minsan. Dalawang buwan ang lumipas, at nagsimulang lumakadlakad sa gimik ang magpinsan. Hinihintay nilang matulog muna si tita Florina. Dahil bandang 8:30pm ay nasa kwarto na ito at may trabaho pa sya kinabukasan. Kaya ako ang naatasang magbukas sa dalawa kung uuwi sila. Isang gabi, nagpaalam sila kay tita na may pupuntahan lang. Alam ko nang mga estilo nila eh. Anong oras na ba kasi? Pagtingin ko, 2:14am s**t naman oh! Wala pa sila. Hinihintay ko pang umuwi si Rina at Jackie galing sa gimikan. Kahit antok na antok na ako'y pinipilit ko lang. Baka raw kasi mapagalitan sila ni tita Florina kung sya magbubukas ng pinto. Dahil sa alam kong hindi inuman ang paalam nila kundi, yung gasgas na palusot "groupstudy". Ilang minuto ay tumunog ang aking phone, tumatawag na si Rina "Hello," "Danny, malapit na kami. Abangan mo kami sa baba" Naninirahan lang ako sa kanila kaya sinusunod ko lahat. Bukas ng pinto Akbay akbay ni Rina si Jackie. Lasing. Pagkatapos ay umakyat na ako agad sa kwarto. Si Rina, dumeretso muna sa kusina. Pagkahiga ko, bumukas ang pinto. Pagtingin ko ay, pumasok pala si Jackie. Nakapikit na naglalakad patungo sa higaan ko. Sa pag-upo nya sa aking tabi "Ja. . . Jackie? Uhm, maling kwarto yata napasok mo" Tinapik ko sya sa balikat Dumilat sya at tumitig sa akin. Sobrang nagagandahan talaga ako sa kanya. "Luh, onga noh? Sorry" Di ko napigilan ang sarili ko. Hinawakan ko sya sa panga, at hinalikan ko sya sa labi. Sarap ng labi nya. Di sya kumibo. Ilang segundo ring nakadampi ang aming labi at saka ako humiwalay. Matatandaan nya kaya to? Inakbayan ko sya palabas at sa tabi lang ng kwarto ko ay sa kanila na ni Rina. Sakto ring kaaakyat lang ni Rina at nakita akong hawak si Jackie. "Hoy! Anong ginawa mo!?" Nagalit agad "Nagkamali lang sya ng napasukan, hinahatid ko lang sa kwarto nyo" Paliwanag ko "Ayusin mo Danny ha!" Si Rina nang umakbay kay Jackie at ako'y natulog na. Sarap nyang halikan. Kinabukasan, di ko na alam kung anong gagawin ko nung nakita ko si Jackie. Nakakailang. Bakit ko ba kasi ginawa yun? Pero, ngumiti sakin si Jackie na parang sa mga normal lang na pagkikita. Tingin ko, hindi na nya matandaan yun. Ganun pa man, di ko yun makakalimutan. Sumapit ang weekend at, muling lumabas ang magpinsan. Ngayon naman, nagpaalam sila kay tita, na may birthday na pupuntahan. Pinaghintay nanaman ako hanggang alasdose. Ngayon ay hindi na siguro ganoon ang tama nila. Maayos pang nakapaglakad si Jackie, pero inabangan ko na sya sa pinto ng kwarto ko. Pagkaraan ni Jackie, tumuro sya sa kwarto nila "Dito ako" biro nya Natatandaan nya siguro yung nangyari At naalala ko nanaman ang sarap ng labi nya. Kaya hinila ko ang kamay nya. Napatitig sya sa akin Anong gagawin ko? Maya-maya ay aakyat na si Rina kaya. . . Muli kong hinalikan si Jackie sa labi. Hindi ulit sya pumalag. Hinawakan ko sya sa balikat, at ang kaliwa kong kamay ay nasa kanyang mukha. Dinama ko ang sensasyon na yun. Humiwalay ang aking labi, at tiningnan ko si Jackie. Nakapikit pa sya. "Goodnight" Bulong ko sa kanya Ngumiti lang sya bago pa tumalikod. Pumasok na kami sa aming mga kwarto. Saktong naririnig kong umaakyat na nga si Rina. Di ko naman mapigil ang galak sa nangyari. Ngiting aabot sa tenga. Ano ibig sabihin nun? Shit! Ang sarap. Masgumaan ang loob ko ngayon kaysa sa unang halik namin. Kung ganoon, gusto nya rin? Lalo pang nahuhulog ang loob ko kay Jackie. Sa kabila nito ay ang pagkasabik, na tila nakaw na sandali ito. Dahil palihim naming ginagawa yun, kay Rina. Sa mga sumunod na araw, may pagkailang ulit ako sa tuwing magkikita kami ni Jackie sa loob ng bahay. Habang sya, parang wala lang nangyari. Ayaw ko namang itanong yun sa kanya. Baka wala rin syang matandaan? Napansin ko ring, lalong naging galit ang mga tingin sakin ni Rina. Baka sinusumbong ako ni Jackie. O siguro, sarili ko lang nagpapakaba. Para makumpirma ko ang nararamdaman ni Jackie, kailangan ko ulit gawin sa kanya, sa pangatlong beses, na hindi sya lasing o nakainom. -To Be Continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD