Panuluyan(Part 2)

1220 Words
PANULUYAN [Part 2] --- Pagkatapos kong maghugas ng pinagkainan, maliligo na ako. Nagsipag-akyatan na lahat, at si tita Florina ay nasa kwarto nya. Mag-isa nalang ako sa baba. Narinig ko na may bumaba, si Jackie. Mukhang maliligo rin ata. Nakatshirt lang at short. Bakat ang kanyang u***g ng kanyang hindi kalakihang dibdib. Nakita nyang may towel na akong dala. "Jackie, ligo ka rin?" Tanong ko sa kanya Tumango sya at sinabi kong "ah sige mauna ka na" Sabay ngiti ko "Ikaw?" Tanong ni Jackie "Sige okay lang. Papahinga muna ako" Sa isip ko, kung pwede lang, magkasabay tayo. Gusto ko ang dating nya ngayon. Napakasimple lang ng kanyang pananamit sa loob ng bahay. At heto't papalapit na sya sa akin patungo na sa banyo. "Saglit lang ako hehe" Dagdag pa nya Tinitigan ko sya, at ganoon din sya hanggang magkasalubong na kami. Gusto ko syang halikan ulit. Sa pagbaba nya palang, pinakiramdaman ko na ang paligid kung may makakahuli ba. "Jackie" sambit ko sa pangalan nya Tiningnan ko sya sa mata Ilang saglit lang ay hinawakan ko ang kamay nya. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at hinawi ang buhok nya na nasa mukha. Ngumiti sya sa akin "Danny" Sa ngayon kinakabahan ako. Hindi sya nakainom kaya iba syang mag-isip ngayon Pero, inilapit ko sa kanya ang aking mukha. Nanatili lang ang distansya nya at maslumapit pa ako. Pumikit ako, at mabilis na idinilat muli ang aking mata. At nakita kong nakapikit na si Jackie. Tuloyan ko nang idinampi ang labi ko sa labi nya. Dahan dahan sa pagdiin. Humawak ang dalawa kong palad sa magkabila nyang pisngi at nag-gantihan na kami ng halik. Mabilis ang t***k sa aking dibdib. Gusto ko itong mangyari. Minsan ko palang itong pinananaginipan nang gising, at ngayo'y nagkatotoo na. Ang buong diwa syang makahalikan. Hindi gumalaw ang katawan ni Jackie, at lalo ko pang linapit ang sarili ko sa kanya. Hanggang dumikit ang dibdib nya sa akin. At naramdaman ko ang kanyang u***g. Napatulak ang kamay nya sa akin nang bahagya. Ilang halik pa, at naghiwalay na ang aming labi. Dahan dahan kaming dumilat. Pagkatapos ay hindi tumingin sakin si Jackie. Napansin kong tinakpan nya ng towel ang dibdib nya. "Ligo na ako" bulong nya At nagtungo na sya sa banyo. Hinintay ko lamang syang matapos. Pagkalabas nya ay di sya makatingin sa aking ng deretso. Sumunod na akong naligo. Ngayon hindi nanaman ako mapakali. Bakit ganoon ang reaksyon nya? Eh pero, mukhang bumigay naman. Naging pangkaraniwan nanaman ang aming interaksyon sa mga dumaan na araw. Sabado ulit, at may pinayo sakin si tita Florina. "Danny, mauubos na laman ng ref hehe. Bili ka mamayang hapon" Kapag kaganun ay pinapagamit sa akin ni tita ang kotse nila para magtungo sa supermarket. Ginawa ko muna ang nararapat sa buong araw. At sumapit na nga ang hapon. Malapit na nga na magkagat ng dilim. Napaidlip ako. "Danny" Tinawag ako ni tita Bumaba na ako Hawak na nya ang susi. "Pasensya na tita, nakatulog ako" Paumanhin ko "Ano ka ba haha.. Sige na, heto" "Hilamos lang po ako" Nasa sala si Jackie at narinig kong "Sama ako kay Danny" "Oh sya, mabuti pa nga para. . . may makatulong si Danny na mamimili" Unang beses yata to. Malamig ang gabi kaya't nakasuot ng hoodie jacket si Jackie. Pero nakashort lang. Naakit nanaman ako sa kanya. Hindi ako ginawin kaya tshirt lang. Sumakay na kami at lumakad. "Bat sa likod ka?" Biro ko kay Jackie "Kakahiya sayo. Baka madistorbo ko pagmamaneho mo" "Di. Masnaka-focus kaya ako pag dito ka" Natawa si Jackie "Mamaya nalang okay" Nagsimulang pumatak ang ulan. Madilim na kaming makakauwi nito. "Naiwan mo si Rina" Pambulabog ko sa katahimikan "Nag-aaral yun. Di dapat madistract hehe" Sagot ni Jackie "Eh ikaw, tapos ka na mag-aral?" "Mamaya na yan. Ano ka ba? Its weekend. Pahinga muna eh hahah" Di ko akalain na ganito pala sya. Nakakatuwang kausap. "Ibig sabihin, walang weekend kay Rina" Dagdag ko pa "Weekend nya ngayon" Napatawa ako Maya maya't nakarating na kami sa supermarket. Nagpark ako "May payong ba rito?" Tanong nya "Naku bat di ako nagdala haha" "Okay lang, tara" Nakangiti syang hinikayat akong lumabas kahit umuulan Kusa nya binuksan ang pinto at lumabas. Ganoon din ako. Pumasok na kami para bumili. Sa ngayon ay masmabilis kami nakapamili. Dahil nga sa di ako mag-isa. Pinagmamasdan ko lang si Jackie. "Di yata kasama sa listahan yang paper plates na yan ah" Puna ko sa mga dinampot ni Jackie "Di nga?" Tumingin sya sa akin. "Ibalik mo nga doon" Binigay nya sakin, isang pakete na paper plates at meron pang foil trey. Napakamot ako pero wala akong nagawa kundi sundin sya. At isinauli ko ang mga items na yun sa kinunan. Sa pagbalik ko doon, napansin kong sinusundan lang pala ako ni Jackie. Natawa sya. At ganoon nalang din naging reaksyon ko. Buti't walang tao dito banda. "Pambihira naman oh" Natatawa rin ako sa ginawa nya Lumapit sya sa akin habang tumatawa. "Ngayon mo palang napansin yun? Kung kailan lalabas na tayo hahaha" "Ayos din trip mo noh?" Sabi ko sa kanya. "Ikaw? Ano trip mo?" Tanong sa akin ni Jackie Di ko alam kung ano ibig sabihin nya pero ang sagot ko "ikaw" "Naks!" Sabay hagikhik Hinawakan ko pisngi nya at hinalikan ko sya bigla. Sandali kaming natigil, pero yumakap sa akin batok si Jackie. Nagpalitan nanaman kami ng halik. Isinandal ko sya at hinawakan sya sa kanyang katawan. Patuloy kaming naglaplapan ni Jackie. Naramdaman ko na hinihimas nya rin ang aking balikat. Yumakap ako sa kanya at nagdikit ang aming katawan. Gumanti lamang si Jackie sa sunod sunod na pagpisil ng labi ko sa kanya. Napakasarap. Narinig naming may nahulog na bagay, kaya't napatigil kami. May paparating yata. Napatakip si Jackie sa bibig nya. "Tagal nun ah" Sambit nya Nag-ngitian kami. Itinulak ko na ang pushcart "Tara, gagabihin tayo masyado" Nagbayad kami at umalis na. Humupa na ang ulan. Gaya ng sabi ni Jackie kanina, sa unahan nya sya naupo. At magkatabi kami. Patay naman ang tingin ko sa kanyang mapuputing hita. "Ano oras na?" Tanong nya Tumingin ako. "6:57" "Si tita na magsasaing haha" Wika ni Jackie "Kakahiya nga, dapat bilisan natin oh" "Wait lang. Liko ka dyan" Anya muli ni Jackie "Saan yan papunta?" "Basta, liko mo. Saglit lang to haha" Sinunod ko naman. Ibang direksyon na ang nadaanan namin. "Pasyal pasyal naman tayo. Minsan ka nga lang makalabas diba? Hehe" Mukhang tama nga naman ang sinabi ni Jackie, pero kailangan ko parin gawin ang resposibilidad ko sa bahay ni tita Florina. Laking pasasalamat ko pa nga't binigyan ako ng pagkakataong mag-aral. Yun ang naikwento ko kay Jackie sa sandaling yun. Maya-maya may itinuro sya, sa bandang kanan. "Dyan, dyan kami nagpupunta ni Rina kapag gumigimik" "Kayo lang magkasama?" "Syempre hindi. May dalawa pa kaming kaibigan. Pwede ka rin naman makijoin sa amin paminsan minsan" "Ano naman ginagawa nyo dyan? Inuman lang?" "Nagsasayawan. Minsan, may gigs din." "Diba, sa mga ganyan, dyan nahuhuli mga nagdrodroga?" Sabi ko "Haha, walang ganoon dyan." "Kasama mo rin boyfriend mo pag nagpupunta kayo dyan?" Pasimple kong tanong nang makumpirma ko ang status ni Jackie "Hahaha, di nga kami nag-eentertain ng lalaki eh. Minsan si Rina. Pero, apat kaming magkakaibigan wala kaming boyfriend. Mag-enjoy lang purpose namin" Kwento nya. Ngayon alam ko na. -To Be Continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD