"WHAT... what about him?" dahan-dahan kong tanong. May kaba na ang nananatili sa dibdib ko. Hindi agad siya nakaimik. Tila hindi malaman kung saan o paano magsisimula. "Kuya Enrique..." untag ko sa kanya. Nakita ko ang paglunok niya at tumitig na nang seryoso sa akin. "Hindi ko alam kung ako ba ang tamang tao na dapat magsabi nito sa 'yo, pero kailangan mong malaman ang totoo." He stopped for a moment to take a deep breath. "Drake and Felicia had a past." Hindi agad ako nakaimik sa narinig. Nananatiling nakatingin ako sa kanya habang naguguluhan. "They had a past? What's that mean?" "They had a relationship before," paglilinaw niya. Natulala ako hanggang sa umawang na lang ang labi dala ng gulat. May... may relasyon sila noon? Lumunok ako para mapanatili ang sarili sa katinuan. Na

