PABAGSAK kong inupo ang sarili sa gilid ng kama habang patuloy na sinusuklay ang mahaba at maitim kong buhok. Ang isa ko namang kamay ay abala sa hawak kong phone. Napapangiti ako sa tuwing makikita ang mga kuha kong larawan kanina. Buong araw kaming naggala ni Kuya Enrique. Halos lahat ng maaaring puntahan dito sa Antipolo ay pinuntahan namin kanina. At nang inabutan na kami ng gabi, napagpasyahan namin ang manatili na lang sa isang hotel. Ang napili namin ay ang isa sa mga kilalang hotel dito sa Antipolo. Nakilala ito ng mga tao dahil sa maganda nitong tanawin na talagang dinadayo pa ng karamihan. Nawala ang atensiyon ko sa ginagawa nang makarinig ng pagkatok. Inilapag ko ang phone sa ibabaw ng kama at tinigilan na ang ginagawang pagsusuklay sa buhok. Tumayo na ako mula sa gilid ng k

