Chapter 27

3597 Words

By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full   ---------------------------   Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nawalan ng malay. Ngunit nagising akong may narinig na dalawang babaeng nag-uusap. Pakiramdam ko ay nanaginip lang ako. Parang lumulutang ako sa ulap, lasing, o lethargic, tila hapong-hapo at napakadilim ng aking paligid. Nasa isang semi-conscious ang aking kalagayan.   Agad kong nabosesan si mama at ang kausap niyang babae na siya ring kumausap sa akin sa restaurant.   “Bakit ka ba kasi nagpakita sa kanya? ‘di ba usapan natin na huwag mo na kaming guluhin? Maawa ka naman sa amin, Martha. Maawa ka kay Enzo... Tingnan mo kung ano ang nangyari sa kanya dahil pangingialam mo! Nagugulo tuloy ang pag-iisip niya at hayan, tingnan mo ang nangyari sa kanya!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD