By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full --------------------------- Narinig ko ang mga yabag na papalapit at halatang nagmamadali. “B-bakit! Anong nangyari sa kanya!!!” ang tarantang sagot na narinig ko. “Umiiyak po si Enzo! Umiiyak siya!!!” ang sigaw ng nurse. “Oo nga! Umiiyak ang anak ko! Bakit siya umiiyak? May ginalaw ka ba? Nasaktan mo ba siya?” “Hindi po ma’am. Sinabihan ko lang siya na aalis na siya patungong Amerika upang doon na ituloy ang pagpapagamot sa kanya. At hayun, nakita kong dumaloy ang mga luha niya palabas sa bandage na nakatakip sa kanyang mata at bumagsak sa kanyang unan.” “Nurse... ibig sabihin nito, nakakarinig ang anak ko?” “Sa tingin ko po, ma’am. Nakakarinig siya sa atin.” At sumampa na si mama sa aking kama a

