"Good morning May May. May naghihintay pala sayo sa labas. Kagabi kapa nila hinahanap." Sabi ni Ben sa kanya. Isa ito sa katulong nila sa Eatery. "Bakit daw?"Tanong naman nya. Nilapag nito ang kape nito sa harap nya. Sanay na ito sa kanya kaya kahit hindi nya sabihin ay automatic na siya nitong pinagtitimpla ng kape. "May May. Pwedeng lumabas ka muna dyan?" Sigaw ni Marietta na nasa cashier. "Oo saglit lang" sabi niya at mabilis na lumabas. Bumungad sa kanya ang anim na naggwagwapuhang mga lalaki. Parang mga model maliban sa isang ermitanyo na takot yata sa suklay. Tinalo pa nito ang mga palabas noong kapanahunan ni Jesus christ. Kasama ng mga ito ang lalaking nanyakap sa kanya kagabi kaya kinabahan siya. At halos hindi siya huminga ng lapitan sya ng ermitanyo. Nagkatitigan sila.

