"Ate napasyal kayo?" Bati ni May May sa kay Chichi ng dumating ito sa bahay nila ng walang abiso. "Yayayain ko sana kayong mamasyal ng mga bata. Wala man lang kasi akong pa goodbye party sayo." Nakangiting sabi naman ni Chichi. Malungkot naman syang ngumiti. Ayaw nyang umalis sa Punchu Eatery pero kung guguluhin sya ng ermitanyong iyon mas nanaisin pa nyang magtanim nalang ng gulay sa bundok. Nakiusap sya sa mga nasa Eatery na kung maaari pag may nagtanong ay walang impormasyong lalabas tungkol sa kanya. Alam nyang tutulungan sya na mga ito. "Wala yon ate. Salamat pala sa lahat ng tulong nyo sa akin ate. Hindi ko na nagawang magpasalamat sayo. Bwisit kasi yong Ermitanyong yon e. Hindi ko alam kung anong nagustuhan ko don." Hindi nya maitago ang inis sa boses. "Baka naging ganon lang s

