Sam and Jef

1917 Words
"Baby, can you answer my phone?" Malambing na pakiusap ni Jef sa kanya. Napataas ang kilay niya dito. "Please..." pakiusap uli nito. Naiiling siyang kinuha ang cellphone nito. Pano naman kasi nito makukuha ang cellphone kung ang isang kamay nito ay nasa manobela tapos ang isa naman ay abala sa isang kamay nya at ayaw nitong tanggalin sa pagkakahawak. "It's Jhon." Sabi nya dito ng makita kung sino ang tumatawag. "Answer it." Sabi uli nito na mabilis naman niyang sinunod. Ni loud speaker pa nya iyon inilapit nya dito. "Yes tol. Napatawag ka?" Tanong ni Jef. "F**k tol. Where's Sam. Sabi ko kitain mo hindi itanan." Bira agad ni Jhon kay Jef. "Hey relax. Im going to marry her, don't worry." Kinindatan pa siya nito. Napamura si Jhon sa kabilang linya. "Im warning you Jef. Bring her home now." Galit na sabi ni Jhon sa kaibigan. Hinalikan nito ang kamay niya. Halos matunaw siya sa kilig dahil sa mga paglalambing nito. "I told you before na the next time that I see her ay itatanan ko na siya." Pang iinis pa lalo nito. "I'll kill you I swear." Banta ni Jhon. Jef chuckled "Kawawa naman si Sam. Mababalo agad." Sabi nito pero papasok na sila sa gate ng mansion nila. "Ok we're here na." Sabi nito ng makarating na sila. Pinagbuksan sila ng pinto ng guard. "Salamat manong." Sabi niya dito. Mabilis na lumapit sa kanya si Jef at saka siya inalalayan. "Tol." Masayang bati ni Jef kay Jhon ng makitang palapit na ito sa kanila. "You asshole." Mura uli nito pero nagyakapan naman ang mga ito. Napatawa ng malakas si Jef. "Easy" sabi pa nito at inakbayan ang kaibigan. Nagpatioan siyang lumakad sa mga ito. Nagtataka siguro si Jhon kung bakit hindi man lang niya binati ito dahil naririnig niyang nagbubulungan ang mga ito sa likuran nya. "Sweetie, gusto mo ng kape?" Tanong ni Jhon sa kanya. Alam nyang nagpapapansin lang ito sa kanya. Tinignan nya ito pero inirapan lang niya. "Hey.. wala akong kasalanan. Kasalanan lahat ng mokong na 'to." Depensa nito sa sarili kahit wala pa siyang sinasabi. "At sinunod mo naman." Taas kilay niyang sumbat dito. Parang naaaliw namang pinapanuod ni Jef ang kaibigan. "E nakikiusap e. Nakakaawa naman." Paliwanag naman nito. Pinamaywangan nya ito. "So, naaawa ka sa kanya. Sa akin hindi?" Tinaasan pa niya ng kilay ito. "Tang*na mo tol. Kasalanan mo 'to e." Paninisi nito sa kaibigan. Napakamot naman sa batok si Jef. "Hayaan mo. Pag ikaw naman ang nangailangan pagtatakpan din kita." Sabi naman ni Jef sa kaibigan na lalong ikinainis nya. "A ganon. Sige magsama kayo." Inis nyang sabi sa mga ito saka uli sya tumalikod sa mga ito. "Hey. Joke lang." habol naman ni Jef sa kanya para naman itong maamong tupa. "Patawarin mo na kasi kami." Inakbayan pa nito si Jhon. Binaling nya ang tingin kay Jhon na ganon din ang itsura. "Hayaan mo. Sa susunod hindi na ako makikinig sa taong ito." Sabi naman ni Jhon. Parang mga bata ang mga itsura nito na nakagawa ng kasalanan. "Ayaw ko ng maulit ito." Nakasimangot nyang sabi sa mga ito. Halos sabay namang napa yes ang dalawa. "Nasaan si Daddy?" Tanong nya kay Jhon. "Nasa kwarto na." Sabi naman ni Jhon. "Puntahan ko lang saglit." Paalam nya sa dalawa. "Ayen. Napansin mo bang gumawa ng kape si Nanay Seling?" Tanong nya kay Ayen. Sakto kasing napadaan ito sa kanila. "Ay Oo. Ipagdadala ba kita?" Tanong nito sa kanya. "Hindi na. Baba din ako. Tignan ko lang saglit si Daddy." Sabi niya at mabilis ng umakyat sa hagdan. Sinilip nya ang ama pero tulog na ito. Hinalikan nya ito sa noo at saka lumabas at nagdiretso na kwarto niya. Mabilis siyang naghalfbath at nagbihis saka uli siya lumabas. Halos sabay pang napatingin ang dalawa sa kanya habang pababa siya sa hagdan Hindi tuloy nya maiwasang mailang sa paraan ng tingin ng mga ito. Hindi nalang niya pinansin ang mga ito at nagtuloy tuloy siya sa kusina para kumuha ng kape. Kinuha nya ang malaki nyang mug at saka nagtimpla ng kanyang kape. Napatampal siya sa kanyang noo dahil nakalimutan nyang tanongin yong dalawa. "Ayen. Paki tanong naman yong dalawa kung gusto nila ng kape. Nakalimutan ko e." Pakiusap nya kay Ayen. "Hindi daw ate. Tinanong ko na sila kanina." Sabi naman ni Ayen. Natatawa siya dito. Mas matanda ito sa kanya pero dahil sa ayaw nyang patawag ng ma'am, ate ang tinawag nito sa kanya. Ayaw naman nitong patawag ng ate sa kanya kasi ilang taon lang naman daw ang tanda nito sa kanya. "A ganon ba. Sige salamat. Ikaw magkakape ka din?" Tanong nya dito. "Hindi na. Hindi ako makakatulog e." Tanggi naman nito. Kinuha nya ang tasa ng kape saka niya pinuntahan ang dalawa. Nadatnan niyang seryosong nag-uusap ang mga ito. Umupo siya sa mahabang upuan. "Ayaw nyo daw ng kape kaya hindi ko na kayo pinagtimpla." Sabi nya sa mga ito. Tumayo si Jef and he follows her and sat beside her. She raised her eyebrows and give him a look as if she was asking 'bat ka lumipat?' He smile "Gusto ko ng kape. Pero share nalang tayo sa kape mo." Sabi nito na bahagyan pang pinagdikit ang balikat nila. Napatingin siya kay Jhon na nakataas din ang kilay na nakatingin sa kanila. "Kala ko ba ayaw mo?" Takang tanong nya dito. "Gusto ko nga pero yong kape mo ang gusto ko." Giit nito. "Ipagtimpla nalang kita" sabi naman nya. "Share nalang tayo. Diba nagshare naman na tayo dati, remember?" Sabi nito kaya pinanlakihan nya ito ng mata. "F**k you tol. Nandito lang ako sa harap baka nakakalimutan mo." Mura ni Jhon sa kaibigan. Natawa naman si Jef at namula naman ang kanyang mukha. Natatawa namang napakamot sa batok si Jef. "Namiss ko e." "Tsk! Samantalang sabi mo dating 'what? Hindi ko type ang unano. Bat ko siya liligawan'" parang panggagaya pa nito kay Jef. "Wag kang ganyan tol. Wala akong sinasabing ganyan." Parang bigla itong nagpanic. Ipinakita naman nyang affected siya. "Unano pala ha." Sabi nya at bahagyang lumayo dito. "Oo. Sabi nya unano ka daw. Ang dami nyang panlalait sayo." Sabi ni Jhon pero kinidindatan siya nito pag hindi nakatingin ang kaibigan na parang sinasabi nitong joke lang. napatayo tuloy ng hindi oras si Jef. "Bawiin mo yan tol. Wala akong sinasabing ganyan." Seryoso nitong sabi sa kaibigan. "Baby. Wala akong sinasabing ganon." Umupo uli ito sa tabi niya at saka hinalikan ang kanya mga kamay. "kung hindi pala bumalik ang alaala mo puro panlalait pala ang inabot ko sayo." Binabawi ang kamay dito. Kunyari ay nagtatampo siya. Tinignan nito ng masama ang kaibigan. "Damn you asshole. You'll pay for these." Para lang itong bata na nang-aaway ng kaibigan. Natawa naman si Jhon sa itsura ni Jef. Hinapit nito ang baywang niya palapit sito at sinandal ang baba nito sa balikat nya. Napamura naman si Jhon. "I'll go ahead.. nakakasuya kayong tignan." Reklamo ni Jhon na tinigilan ang pagbibiro sa kaibigan. "And Santiago. Baka pwede dumistansya ng konti. Masyado kang malapit." Puna nito sa kaibigan. "Tol. Pangit naman kung isang dipa ang pagitan namin ng girlfriend ko." Sabi ni Jef sa kaibigan. Napalunot tuloy siya. Nagtatakang tumingin siya kay jef. 'Sinabi mo na?' Pipi nyang tanong dito. Napungol naman si Jhon at hinilot pa nito ang noo. "Tol... I trust you." Seryoso nitong sabi kay Jef. Natawa naman si Jef. "I know tol and thank you for that. Don't worry pakakasalan ko agad si Sam bago---" parang nakahanap agad ito ng pangbawi sa kaibigan. "Jef. Magtigil ka nga." Saway nya dito. "Dapat lang Santiago. At away kong ikasal siya ng may laman na ang tyan." Halos naibuga nya ang kapeng kanyang hinigop. "My God. Anong klaseng utak mayroon kayong dalawa. Bat ang dumi ng utak nyo." Inis nyang sabi sa mga ito. "Nagpapaalala lang ako." Giit naman ni Jhon. "Then bukas na bukas din pakakasalan ko na siya. What do you think baby?" Baling nito sa kanya. Napanganga naman si Jhon. "Magtigil ka kung ayaw mong iwan din kita dito." Banta nya para pagtakpan ang kilig sa kanyang dibdib. Napangiwing iniwan sila ni Jhon. "Pwede ba Jef. Bitawan mo ako. Pano ako makakapag kape nya." Reklamo sya dito ng sila nalang. Nakakulong kasi pati ang mga braso nya sa yakap nito. Umiling naman ito at mas lalo pang isinubsob ang mukha sa balikat nya. "Sabihin mo munang hindi ka galit at hindi ka naniniwala kay Jhon." Sabi nito. Bumuntong hininga naman siya. "Wag kang mag-alala. Tanggap ko naman na hindi ako ang dream girl mo, kaya bitawan mo na ako." "Tsk! Hindi ko nga sinabi iyon." Giit naman nito. "Di hindi kung hindi" "Hindi ka naniniwala e." Hindi parin siya binibitawan nito. "Lumalamig na yong kape ko Jef." Paalala nya dito. "Sabihin mo munang hindi ka galit." Lambing nito sa kanya. "Hindi nga. Hindi naman ako nagalit a." Depensa nya. "Totoo?" Paninigurado nito. "Tssk. Para tayong bata. Umayos kana nga." Palo nya sa tuhod nito. Binitawan naman sya at agad nitong dinampot ang tasa ng kape nya at saka humigop. Kagaya ng dati ay kung saan sya humigop ay doon din ito. Parang uminit tuloy ang mukha nya. "You look more beautiful when you blush baby." Puna ni Jef na nakatingin na pala sa kanya. Nag iwas sya ng tingin dito. Because there's something on his smile na hindi nya mapangalanan. "Hey. Look at me." Hinuli nito ang baba nya at pinagtama ang kanilang mata. Pinagsalubong nya ang kanyang kilay. They stared at each other for a while. She sighed "Naiilang ako." She said. "Saan?" He asked but she didn't answer. "Dito ba? Sa ganito ba?" Sunod sunod na tanong nito he pulled her more closer at bahagyang inilapit pa nito ang mukha sa kanya. "Yes" nahihiya nyang sabi dito. "I didn't see anything wrong with these baby.It is normal for both of us to show an affection, ang maglambingan ng ganito. because I am your boyfriend and you are my girlfriend. And you need to get used to it." Kindat pa nito sa kanya. She pouted.. "Do you have a schedule for tomorrow?"Pang iiba nito sa usapan nila. "Wala naman, dito lang ako." "Do you want to go with me?" Inipit nito ang buhok nya sa taynga. "Saan?" Tanong niya at humigop sa kape nila. "Sa supermarket. But don't think it's a date ha. Baka sabihin mo. First date sa supermarket." Natatawang sabi nito. "It doesn't matter naman kung saan. I find it unique nga e." Sabi naman nya dito. "But it's matter to me baby. Syempre gusto ko naman yong maayos ang first date natin." Sabi nito. Panakanakang hinahaplos nito ang buhok nya. "Kahit naman saan pwedeng maging maayos, nasa sa atin naman yon." Giit nya dito. "Mas maeenjoy ko siguro ang date natin pag sa mga street food lang tayo kakain kaysa sa mamahaling restaurant. Parang hindi ako matutunawan dahil iniisip ko ang presyo ng kakainin ko." Natatawa niyang sabi dito. Natawa naman ito sa kanya. "Parang hindi ka naman magiging chef nyan." Nang matapos nila ang kape nila ay nagpaalam na din ito. At kagaya ng kanyang inaasahan ay halos malunod siya sa mga lambing nito bago ito nakauwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD