Sam and Jef

1746 Words
"Kaylan mo ako naalala?" Tanong niya kay Jef habang nakayakap parin ito sa likod nya. "Yesterday" maiksi nitong sagot. Nakapatong ang baba nito sa balikat niya. "Seryoso?" Gulat nyang tanong dito. "Tsk! There you go again. How many times I told you na hindi ako marunong magbiro pagdating sayo." Kunwari'y inis nitong sabi sa kanya. "As in wala ka talagang naalala sa akin?" Paninigurado nya. Umayos ito ng tayo at pinatakan sya ng halik sa ulo. Kilig na kilig siya. Kanina pa nagwawala ang t***k ng puso nya. Wala sa sariling napahawak sya doon. He took a deep breath. "When I woke up from that accident, It feel's so normal to me. I've never though that I have a partial amnesia back then until I saw your picture in my cellphone gallary. Then I wondered... I ask my parents about it, ang sabi nila may nililigawan daw ako. I'd laugh. Because, Ako manliligaw? it's a big no to me. For me, panliligaw is wasting of time. Then when the boy's visit me again. I showed your picture to them at tinawanan nila ako. Sabi ko. Who's this girl? Then sabi nila 'your everything.' Pinagmumura nga ako ni Jhon e. Then tinanong nila ako kung hanggang saan ang naaalala ko. Iyon nga lumabas na hanggang lang noong bago tayo magkita. Then I asked my doctor about my condition then I learned from her that may amnesia nga daw ako at babalik din daw ang memorya ko pero syempre hindi niya alam kung kailan. "Araw araw akong tumatawag kay Jhon para kumustahin ka at araw araw din ako nakakarinig ng mura sa kanya. He wanted to tell you kung ano ang nangyari sa akin pero pinigil ko siya. Dahil kung mahalaga ka nga sa kin siguradong mag-aalala ka." "Bakit hinintay mo pang bumalik ang alaala mo bago ka nagpakita sa akin?" May halong panunumbat ang kanyang tinig. "Baby ayaw ko namang nangangapa ako pag humarap ako sayo. Baka masira lang ang diskarte ng totoong ako." Paliwanag naman nito. "Pero pinag-alala mo parin ako. Hindi mo ba alam na halos mabaliw baliw ako kakaisip sayo?" Gusto nyang batokan ang sarili dahil sa kanyang nasabi. Alam nyang natawa ito pero nagpipigil lang. "Sabi nga din ni Jhon. Palagi ka daw tulala at malungkot, tapos may gusto ka daw itanong pero hindi mo naman daw itinutuloy which is alam nyang tungkol sa akin." Parang nanunukso ang boses nito. Napasimangot naman siya. "Kala mo naman ikaw ang dahilan." Pabulong nyang sabi. "Yes baby. Hindi lang akala. In fact, Im 101 percent sure to that." Proud nitong sabi sa kanya. "Ang yabang ha." "Because I feel it baby." Hinalikan uli nito ang kanyang ulo. "Am I forgiven?" He asked with a sweet voice. "Nah... that's not simple. You need to pay the consequence of your action." Mataray nyang sagot dito. Napaungol ito. "But baby. You already know what happen to me back then." Reklamo naman nito. "Still... hindi mo parin sinabi sa akin. Pinigilan mo yong mga friends na sabihin sa akin." Sumbat nya at pilit na kumakawala sa yakap nito. "And Mr Santiago. I want to remind you dahil baka hindi pa tuluyang bumabalik ang lahat ng memorya mo. Hindi pa tayo that's why you have no right to hug me na parang mababali na ang katawan ko sa higpit ng yakap mo. Kaya kong pwede bitawan mo na ako." Reklamo nya dito. He laughed. "Hindi paba tayo baby. I though you are already my girlfriend when that night you responsed my kisses. And as I remember back then... you kiss me back with all your heart and soul." Tukso nito. She blushed. "Tigilan mo ako Jef. Assuming kalang." Tanggi niya. Binitawan naman siya at pinagpantay ang kanilang mga paningin. He stared at her with a playful smile on his lip's "Don't try to deny it baby. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang isip ko ngayon. All we need to do is to make it official." He winked at her. Inilayo nya ang tingin dito baka kasi mahalata nitong kinikilig siya. Hinila sya nito at umupo ito sa isang bench pero inipit siya sa mga hita nito and He put his arms around her waist and pulled her closer. Her arms automatically landed to his shoulder. "What do you think? Can we make it official now?" He winked again habang nakatingala ito sa kanya. She felt a little bit nervous but at the same time ay kinikilig siya pero tinabunan nya ng simangot ang kilig na nararamdaman pero alam nyang namumula ang pisngi niya. "Tsk! Tigilan mo itong mga sweet move's mo Jef. Namumuro kana." Kunyari ay banta nya dito and tried to act normal: "Come on baby, I know you like it too." Mas hinatak pa nito ang baywang niya at halos tumama ang mukha nito sa dibdib nya kaya tudo tulak nya ito. "Jef" saway nya dito. "Let me go." He chuckled. "Ok. I will let you go if you answer my question." Kumindat kindat pa ito sa kanya. Pinaikot nya ang kanyang mata "ok what is it?" "Can you be my girl now?" Medyo niluwagan nito ang hawak sa baywang niya. Her lip's parted but lost of words to say. "Come on. Alam kong pareho tayo ng nararamdaman." Matiim ang titig nito sa kanya. She heaved a deep sighed "Ayaw mo na bang maniligaw?" She asked. "Baby. Kahit naman tayo na manliligaw parin naman ako. But atlest pag tayo na Pwede na kitang yakapin ng ganito." Sabi nito saka siya niyakap. Tumama tuloy ang ulo nito sa dibdib niya. "Pero kahit naman hindi tayo kung makayakap ka, wagas." Reklamo nya. "Kaya nga sagotin mo na ako." Giit naman nito. Ramdam niyang dinadama pa siya nito. "Sam, ramdam ko ang t***k ng puso mo." Sabi nito na mas diniin pa nito ang ulo sa dibdib nya. Tumayo yata lahat ng buhok nya sa katawan dahil nakasayad ang pisngi nito sa bundok nya. "Jef ha." Saway niya dito. Hi giggled "Im a clingy person Sam and possessive too. Kaya wag kana ng magulat kung ganito ako. Kung pwede lang sana kitang ilagay dito sa bulsa ko, ginawa ko na. At ayaw kong magulat ka sa akin pag bigla nalang akong nagiging dragon pag may nakita akong ibang aaligid sayo." "Di mas lalo ko dapat pag-isipan kung sasagotin ba kita o hindi." Taas kilay niyang sabi dito. "No. You have no choice but to say yes to me baby." Sabi nito na parang pinahinga na ang ulo sa dibdib nya. "Then bakit mo pa ako tinatanong kung wala na pala akong ibang choice." "Diba nga para maging formal na tayo na nga, you need to say yes." Giit naman nito. "So mas mahalaga ang yes ko kaysa sa nararamdaman ko sayo?" Ramdam nyang ngumiti ito. "I know that you love me already baby." Siguradong pahayag nito. "Talaga lang ha." Parang patuya ang boses nyang sabi dito. Tiningala siya nito at nakita nya ang pilyong ngiti nito sa labi. "Gusto mong malaman kung bakit ko nalaman ang laman nyan." Sabi nito at bahagyang sumulyap pa sa dibdib nya saka uli siya tinignan sa mata. At sa klase ng tingin nito ay alam na niya ang tumatakbo sa isip nito. Nag-iwas siya ng tingin. "Gusto ko ng umuwi." Out of the blue nyang sabi dito. Narinig nyang tumawa ito saka uli sya nito hinila at binalik ang ulo sa dibdib nya. "Bat ang bilis ng t***k ng puso mo baby?" Tukso nito sa kanya. Mariin siyang napapikit. "Tigilan mo nga yan. Bitiwan mo na nga kasi ako." Pakiusap nya. "But you didn't give your answer yet." Sabi nito at mas siniksik pa ang ulo sa dibdib niya. "Natatakot ako." Mahina nyang sabi dito na ikinatingala naman nito. Nagsalubong ang kilay nito. "Saan?" "Sayo." Maiksi nyang sagot. Napaungol ito. "Oh please Sam. Enlighten me." "Sabi mo nga. Hindi ako ang type. Maraming mas mamagaganda na nakapaligid sayo. Ang kailangan mo lang ay pumili." marami siyang insecurity at hindi niya alam kung pano nya iyon mababago. "Yes marami nga. But they are not you." Seryoso nitong sabi sa kanya. "I love you. Iyon ang alam ko, ikaw ang nandito" turo nito sa puso. "Kahit pa hainan mo ako ng pinakamagada sa harap ko. Ikaw at ikaw ang pipiliin ko." Madamdaming pahayag nito. "Please. Trust me. Hinding hindi ko sasayangin ang pagtitiwala mo." Nagsusumamo nitong sabi sa kanya. Tinitigan nya ito sa mata. Nakita nya ang pagsusumamo nito. She bit her lower lip's as if she's thingking kung sasagotin nya ba ito o hindi. He groaned "My God. Don't look at me like that. It's killing me. Im so nervous right now if you only knew." Halatang ngang kinakabahan ito. A sweet smile form on her lip's and she raised her hand to his head and let her fingers gently touch his hair. "Ok." She whispered. Tumaas ang mga kilay nito na para bang naghihitay pa ng kasunod ng sasabihin niya pero hindi niya iyon sinundan. "Ok?" Patanong sa sabi nito. Natatawa sya sa itsura nito. "Wag mo akong pagtawanan Sam." Lukot ang mukha nito ng makita nitong natatawa siya. Kaya hindi na niya mapigilang tumawa. Bumitaw ang kamay nito sa kanya baywang. 'Hala nainis na.' Sabi niya sa isip. "Oy. Galit kana nyan?" Biro nyang tanong dito pero hindi ito umimik. Seryoso ang mukha nito. Itininaas nya ang mukha nito para magkatitigan sila. At nakapagdecide na siya na hindi na nya ito pahihirapan pa. At isusugal nya ang kanyang puso dito dahil mahal na niya ito. Dalangin lang niya ay hindi sya matulo at uuwing luhaan. Pinagdikit nya ang kanilang noo. "I love you." Bulong niya at mabilis na hinalikan ito sa labi. Awang ang mga labi nito ng tignan nya uli ang mukha nito na parang natulala at hindi makapaniwala. Mabilis nya itong tinalikoran at naglakad palayo dito pero may ngiti sa kanyang mga labi. Gulat siyang napalingon dito ng nagsisigaw ito ng malakas at pati mga aso ay nagkahulan. "Yessss... girlfriend ko na si Sam. Yohooo.... sinagot na ako ni Sam...." nakatingalang sigaw nito. Mabilis niya itong nilapitan at tinakpan ang bibig nito pero dahil sa matangkad ito ay hindi nya agad ito napatigil. "Magtigil ka nakakahiya." Pigil nya dito dahil nagsisigaw parin ito. Inilibot nya ang tingin baka may nabulabog ito at hindi nga siya nagkamali dahil nakatingin sa kanila ang mga kasambahay ng mga ito at ang apat na mga guard na nakalabas ang mga b***l. Napapakamot ng batok ang mga ito. Ang mga kasambahay naman nila ay parang kilig na kilig. Nagulat siya ng yakapin siya nito at inikot ikot pa. "I love you" sigaw uli nito. Hindi nya iniexpect na ganon ang magiging reaction nito. At aminin man nya o hindi ay kilig na kilig sya at subrang saya din nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD