"How are you hijo?" Salubong ng ina ni Jef kay Jef kaya napakunot noo siya. Parang miss na miss nito ang anak sa paraan ng yakap nito.
Tama nga ang hinala niya na maganda ito. Para itong model at ang katabi nitong lalaki na hula siya ay ama ni Jef dahil kamukhang kamukha ito ni Jef.
Nang maghiwalay ang dalawa ay ang ama naman nito ang sumunod na bumati at yumakap sa binata. "Thank God your ok now." Wika nito at tinapik pa ito sa balikat.
Bumaling si Jef sa kanya at bahagyan pa siya nitong hinapit sa baywang. Hindi siya makapalag dahil kaharap lang nila ang mga magulang nito.
Tumikhim muna si Jef. "Mom. Dad. I would like you to meet Sam. Samanthan Arguelo." Naseseance niya sa boses nito ang saya.
Ngumiti siya sa mga ito pero alam niyang bakas sa mukha niya ang nerbyos.
"Sam. Meet my mother Eliza Santiago. And my Father Andrew Santiago."
"H-Hello po Ma'am, Sir."hindi niya alam kung yuyuko ba ang ulo nya o iaabot ba nya ang kanyang kamay sa mga ito. Pero nagulat nalang siya lapitan siya ng ina nito at niyakap.
"I finally met you Sam." Madamdamin nito bulong sa kanya. Parang may humaplos sa kanyang puso. "Mas cute ka pala sa personal ano." Masayang puri nito sa kanya at pinasadahan pa siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa na parang tuwang tuwa.
"Mommy." Saway naman ni Jef.
Natawa naman ito. "Don't get me wrong hija. Natutuwa lang ako. Puro kasi stolen shot yong mga nakita kong pictures mo--"
"Ma.." pigil uli ni Jhon sa ina.
Napatawa naman ang ina nito. "And hija. Call me Mommy. Daddy to Drew." Napadilat ang mata nyang tumingin kay Jef.
"Please hija. Pagbigyan mo na ako, Wala kasi akong anak na babae." Pakiusap nito sa kanya. Nakita siguro niton nag-aalangan siya.
Alanganin siyang ngumiti dito. "Ok po M-mommy" ramdam niyang bahagyang humaplos ang kamay ni Jef sa likod niya kaya napatingin siya dito. Nakita nya ang emosyon sa mga mata nito.
"Hello hija." Bati din ng ama nito sa kanya at niyakap din siya. "Hindi ba tayo makakasuhan nito anak? Parang kinidnap mo lang si Sam sa school nya e." Biro ng ama nito dahil nga naka uniform pa siya.
Gusto tuloy nyang sumimangot pero syempre pinigilan niya.
"Ayaw sumama e." Natawang sagot naman ni Jef sa ama.
"Ilang taon kana Sam?" Tanong ng ama ni Jef.
"23 na po." Magalang naman nyang sagot.
"Buti naman. Kala ko minor di edad kapa e." Nakangiting biro nito.
"Nakakainggit nga kasi napaka baby face nya. And what happen to your clothes anak?" Takang tanong ng ina nito sa damit ng anak ng mapansin iyon. Pinamulahan tuloy siya ng pisngi.
Natawa si Jef at nagkibit balikat.
"Ok, let's go to the dining area na." Yaya ng ina nito. Naseseance niya na mababait ang mga ito. 'Kaya pala ang gwapo niya dahil ang ganda palang ng nanay niya at ang gwapo ng tatay niya. Parang may lahing kastila ang mga ito.' Puri niya pero sa isip lang.
Nakahawak parin ang kamay ni Jef sa kanyang baywang habang naglalakad silang pasunod sa mga magulang nito. Hindi niya maiwasang igala ang tingin sa paligid. Ang gara ng mansion ng mga ito. Kumikintab lahat ng mga muebles at gamit nito sa loob.
Bumungad sa kanila ang masaganang haponan. Ipinahila siya ng upuan ni Jef. At nagulat siya ng may kapeng inilapag sa harap niya.
"Alam kung hindi ka kumakain ng wala ang kape mo." Sagot ni Jef ng mapatingin siya dito. Nakaramdam siya ng hiya dahil sinadya pa yata nitong magpahanda ng kapeng bigas.
Unti unting napalagay ang loob niya sa mga magulang ni Jef. Hindi marahirap pakiharapan ang mga ito. Panay ang biruan ng mag-asawa na parang magbarkada lang. naikwento nga ng mga ito na bago sila naging mag-asawa ay magbestfriend pala ang mga ito.
Napuhugot ng malalim na hininga si Sam. Kasalukuyang nasa gilid siya ng pool habang hinihintay si Jef. Ginugulo siya ng sinabi ng Ina nito kanina na pinigilan ni Jef. Na para bang may nangyari dito nitong mga nakaraan pero ayaw nitong malaman niya.
"Kumusta ang memory mo anak. Bumalik naba lahat?" Tanong ng ina nito. Nagtatakang tumingin siya kay Jef. "Ok kana ba---"
Pero pigil ni Jef ang sasabihin ng ina.
"Gusto mo bang magkape ulit?" Tanong ni Jef mula sa likuran nya. Hindi niya namalayang nakalapit na pala ito sa kanya.
Hindi niya ito nilingon, nanatiling sa tubig siya nakatingin. "Hindi na. Subrang busog ko e." Tangi niya dito.
Narinig nyang tumikhim ito. "Em. Sam. Sorry kung umalis ako ng walang paalam--"
"Anong nangyari sayo ng nawala ka?" Putol niya sa sasabihin nito.
Hindi agad ito umimik.
"Ah. Sorry ha. wala pala akong karapatang magtanong." Mahina niyang sabi. Napakagat sya sa kanyang labi.
"Sam. Hindi sa ganon." Halata ang frustration sa boses nito.
Hindi siya kumibo.
"Nagkaroon ng emergency problema sa company namin sa Singapore kaya kinailangan kong umalis para ayosin iyo." paliwanag nito pero nakukulangan siya.
Hindi siya kumibo.
"Sam." Pinihit siya nito paharap sa kanya.
Nagkatitigan sila. Bakas ang pagmamakaawa nito sa mukha.
hindi din niya itinago ang sakit na kanyang nararamdaman.
"Jef. Alam kong wala akong karapatang magdemand ng kahit ano mang mula sayo dahil wala namang tayo. Pero Jef naman e. Aso ngang nawawala hinahanap e. Sana inisip mo man lang na kahit isang text lang nasabi mo sa akin na 'Sam aalis ako' hindi naman siguro kalabisan yon sayo." Sumbat niya dito.
Hindi agad ito umimik at parang nahihirapang maghabi ng paliwanag sa kanya.
"Sorry" sabi nito. mahina iyon pero naghatid sa kanyang ng libo libong sakit. Mas nangangailangan siya ng mas malalim na paliwanag dito pero sorry lang ang nasabi nito.
Mapait siyang tumawa. "Sorry" mahina nyang bigkas. "Sorry" ulit nya uli saka uli siya tumawa.
Huminga siya ng malalim. "Ang sakit pala." Naiyuko nya ang kanyang ulo at mariing pinikit ang kanyang mata. "Ang sakit palang malaman na hindi ka ganoong kahalaga sa taong alam mo pinapahalagahan ka. Sorry din kung masyado akong nag assume sayo." Bakas ang hinanakit sa boses niya.
"Sam. Mahalaga ka sa akin. May mga bagay lang kasi na hindi ko controlado."
Tinitigan nya ito at malungkot na nginitian. "Sorry din. Pero sana ito na ang huli nating pag-uusap ng may kinalaman sa atin."
"What? Anong ibig mong sabihin?" Gulat nitong tanong sa kanya.
"Tao lang ako Jef. May pakiramdam din ako. Ayaw ko namang itrato ako na parang basahan lang. na pagkailangan dadampotin, pag hindi na kailangan itatapon. Kailangan ko yong taong kaya akong pahalagahan." Lumakad siya palayo dito.
"Oh please Sam, No. Sorry kung ganon ang naramdaman mo baby." Niyakap siya nito mula sa likod.
Kumawala siya sa yakap nito pero hindi siya nito binitawan.
"Jef. Wag mo naman akong paglaruan o. Nasasaktan na ako." Kumawala na ang luhang kanina pa niya pinipigil.
"Sabi ng hindi kita pinaglalaruan lang" sabi naman nito.
"E anong tawag mo doon? Pinaibig mo ako. Tapos iniwan ng walang sabi sabi, kahit na isang text wala akong natanggap sayo. Nagkacellphone kapa. Tapos ngayon bigla kang lilitaw. Ang sasabihin mo lang sorry." Punong puno ng hinanakit niyang sabi dito.
"Pero--"
Pinutol nya ang sasabihin nito. "Oo, nandoon na ako. Nagkaproblema ang company nyo. Wala namang problema kung umalis ka e. Ang pipoint ko lang dito, hindi mo inisip ang nararamdaman ko." Sumbat niya dito.
Natahimik ito pero nanatiling nakayap sa kanya.
Huminga ito ng malalim. "Naaksidente ako." Malungkot na sabi nito.
Nagulat siya sa narinig kaya pilit syang kumakawala dito pero hindi parin siya nito binitawan bagkos ay isinandal pa nito ang baba sa kanyang balikat.
"Isang linggo lang ako dapat doon. Pero ng papunta ako sa airport ay naaksidente ang sinasakyan ko at napurohan ang ulo ko. Nagkaroon ako ng partial amnesia at ikaw lang ang hindi ko maalala." Kwento nito. Nagulat siya sa narinig. Kumawala uli siya sa yakap nito para sana makita ang mukha nito pero ayaw siya nitong bitawan kaya pinilit niyang pumihit paharap dito.
Hindi niya maiwasang mapalunok dahil sa higpit ng yakap nito. Tinungkod nya ang braso sa dibdib nito at medyo niliyad ang kanyang katawan para makitang maigi ang mukha nito.
"Anong ibig mong sabihin?" Nanginginig nyang tanong dito.
"Nahihiya ako sayo. Kasi ikaw lang ang hindi ko agad naalala. Nong makita ko yong mga stolen shot na picture mo sa cellphone ko ay nagtanong tanong ako sa mga magulang ko at doon sa lima. Sinabi nga nila na ikaw daw yong My everything ko. Pero hindi talaga kita maalala." Malungot nitong kwento sa kanya.
"Ok kana ba?" Nag-aalala nyang tanong dito na parang nakalimutan may tampo siya dito.
Tumango tango naman ito pero nandoon parin ang lungkot sa mga mata nito.
"Alam din ba ito ni kuya Jhon?" Seryoso nyang tanong dito.
"Oo. Dumalaw sila apat na beses sa akin sa Singapore." Sagot naman nito.
Hindi niya maiwasang magtampo sa mga ito. "So, ako lang talaga ang hindi nakakaalam?" Nabasag ang kanyang tinig at tuluyang nalaglag ang kanyang mga luha.
"Hushh baby.. wag kang magalit sa kanila. Dahil ako ang nakiusap sa kanila na wag sabihin sayo. Dahil ayaw kong mag-alala ka sa akin kaya sabi ko kay Jhon habang hindi muna ako makaalala ay siya muna ang bahalang gumawa ng paraan para pagtakpan ako dahil ayaw kong humarap sayo na nangangapa ako."
Mahina nyang pinagbabayo ang dibdib nito. "Ang sama mo. Hindi mo ba alam kung gaano ako mabaliw baliw kaiisip kung kumusta kana. 'Bakit kaya ni hindi man lang niya ako kinocontact? May badbreath kaya ako noong hinalikan nya ako kaya pinagtaguan na nya ako?' Para akong tangang nakatanghod sa cellphone kahit nasa loob ako ng CR dalala ko 'baka mamaya itext nya ako o kaya tawagan nya ako.'" Umiiyak niya sumbat dito.
"Im sorry, hindi ko alam. Im sorry naramdaman mo iyon, Im sorry kung nakalimutan kita." Niyakap siya nito ng mahigpit.
"Siguro kaya mo ako nakalimutan dahil hindi ako mahalaga sa buhay mo." Nakasimangot nyang sabi dito.
"Hindi siguro." Bulong naman nito. "Sabi kasi ng doctor ko, minsan ang nakakalimutan daw ay kung sino ang importante sa buhay mo at kung sino ang palagi mong iniisip. Baka kaya ikaw daw ang nakalimutan ko kasi noong naaksidente ako e ikaw ang nasa isip ko." Bumitaw ito sa kanya at saka pinagpantay ang kanilang mukha.
"At tama siya. Mula noong pumunta ako sa Singapore ay ikaw lang ang iniisip ko. Kahit na nasa gitna ako ng meeting ko ay napapangiti ako kasi bigla nalang kitang naaalala, noong pauwi na ako. Excited akong masyado kasi magkikita na naman tayo." Madamdamin nitong sabi sa kanya.
"Totoo?" Paninigurado niya dito.
"Piks man. Mamatay man ako ngayon" sabi nito kaya nahampas nya ito.
"Ayaw ko ng ganyang biro."
"Totoo nga." Giit naman nito.
"Di totoo na kung totoo pero ayaw ko ng ganon. Halos mamatay kana nga tapos ganon pa ang sasabihin mo." Sermon nya dito.