Sam and Jef

1615 Words
Isang hapon paglabas nila ng gate ng university ay napansin niya ang grupo ng mga kababaihang estudyante na may pinagkakaabalahan na kunan ng picture at parang kilig na kilig ang mga ito. "Psst.. anong meron?" Rinig nyang tanong ni Marla sa mga ito. Naunang na kasi ito ng kaunti sa kanya dahil inayos nya ng lace ng kanyang rubber shoes. "Wow.. anak ni Adan." Impit nitong tili na parang kinikilig. Napailing siya. "Friend bilisan mo." Sabi pa nito sa kanya kaya napatakbo siyang umakyat sa hagdan palabas ng gate. "Tsk! Sixteen years old lang." sita nya dito. "May ipapakita ako sayo. Gwapo pati yong sasakyan gwapo din. Mahihiya yong model nang porsche." Sabi nito at hinila pa siya. Nagpatianod nalang siya. Parang namang siyang napako sa kanyang kinakatayoan ng makita kung sino ang tinitilian ng kanyang kaibigan. The man is wearing pants and a simple white t-shirt pero bakit ang gwapo gwapo parin nito sa simpleng get up nito. Nakasandal ito sa sasakyan nyang kulay puti na parang mahihiya ka pang hawakan dahil sa subrang kintab. Ngayon nya lang ito nakitang ginamit ng binata. Hindi nya alam kung anong klaseng sasakyan yon. Pero gaya ng sabi ng kanyang kaibigan ay gwapo ito pati sasakyan ay gwapo din. saktong napagawi ang tingin nito sa kanila kaya nag iwas agad siya ng tingin. Gusto niyang mainis sa kaibigan. Ang ingay kasi e. Nakuha tuloy nila ang atensyon nito. "Marla we have to go." Hinila nya ang kamay ng kaibigan. "Aba e bakit, I though Jhon would pick you up?" Tanong nito sa kanya ng lumilinga linga siya para makakita ng taxi. Halos kaladkarin nya ang kaibigan. "Wag nang maraming tanong. Dali. Mag para ka ng taxi." Hila niya sa kamay nito. "Sam" Tawag sa kanya ni Jef na nasa likuran na pala nila. Halos mapapikit sya ng narinig nya ang boses nito. Pero syempre, hindi pahahalata ang lola nyo. "Marla, tara na. Mag jeep nalang tayo." Baling niya sa kaibigan ng walang taxing dumadaan saka nya uli ito hinila sa kamay. pero parang gusto niyang kurotin ito sa singit dahil nakatulala na ito kay Jef. "Sam please." Pakiusap uli ni Jef pero ni isang tingin ay hindi niya ito tinapunan. Pinaglipat lipat ni Marla ang tingin sa kanila. Tinaasan siya nito ng kilay na parang nagtatanong kung kilala niya ang lalaki. "Sam please talk to me." Pakiusap nito at hinawakan pa ang kanyang braso. Bahagyan naman siyang niyakap ni Marla. "Em friend, I'll go ahead. I have a date pa kasi. See you on Monday. Marami kang ikwekwento sa akin." Bulong nito at mabilis ng lumayas. Agad naman niyang hinila ang braso na hawak hawak Jef ng makaalis na ang kaibigan at lalong niya itong tinalikoran. "Please let me explain" pakiusap uli nito sa kanya pero hindi parin niya ito pinansin na para bang hindi ito nag eexist. Pinara nya ang taxing parating. Pero laking gulat niya ng bigla siya nito buhatin na parang bata. Nagsisigaw siya kaya nakuha nila ang atensyon ng mga ibang estudyanteng nandoon pa. Nagpapasag siya. Nanghahampas pero parang wala lang dito. "Bitawan mo akong bakulaw ka." Sigaw niya dito pero parang lang siyang batang sinakay sa sasakyan nito. Mabilis itong umikot at sumakay. "Wear your seatbelt." Pautos nitong sabi sa kanya. Inirapan naman niya ito. 'Kala mo kakausapin kita a' Mabilis na dumukwang ito sa pwesto niya ng hindi siya gumalaw para ilagay ang kanyang seatbelt. Siniksik nya ang sarili sa may pinto at halos mabali ang kanyang leeg para makaiwas lang dito. Ipinikit nya ng mariin ang mga mata para hindi nya ito makita. Ramdam niya ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Sa lagay nila ay alam nya ang lapit lapit nito dahil amoy na amoy niya ito. Pero kagaya parin ng dati ay halos matunaw siya pag nalalapitan siya nito ang kinakatakotan nya ay makalimutan nyang galit siya dito. Nagpasalamat siya ng bumalik ito sa pwesto nya at pinaandar ang sasakyan. Tahimik lang sila at parang walang gustong magsalita. Hanggang sa pansin nyang iba ang tinatahak nitong daan at hindi iyon ang daan pauwi sa bahay nila. "Sandali lang. saan mo ako dadalhin?" Hindi nya napanindigan ang kanyang sinabing hindi siya magsasalita. "Itatanan na kita." Maiksi nitong sagot sa kanya. "Hehe.. nakakatawa" inis nyang sabi dito. Lalo siyang nainis dito dahil tahimik na naman ito habang nagdradrive. "Jef ano ba, Saan mo ako dadalhin?" Tanong uli nya ng hindi na siya makatiis. Dahil nakakalayo na sila. Malalim itong bumuntong hininga. "We have a dinner together with my family." Napanganga siya. "Seryoso ka?" "Mukha ba akong nagbibiro baby?" Balik tanong naman nito. Huminga din siya ng malalim para pakalmahin ang sarili dahil malapit na talaga siyang sumabog. "Ihatid mo na ako sa bahay." Mariin nyang sabi dito. "No. Hindi kita ibabalik hanggang hindi ka nakikinig sa akin." Matigas naman nitong sabi. "At sino ka sa tingin mo ha para pigilan ako. Ibaba mo ako kung ayaw mo akong ihatid ay uuwi akong mag-isa ko." Sigaw na niya dito. "Please baby. I just want to talk you." "Don't baby baby me! Ang kapal ng mukha mong magpakita sa akin." Galit siyang tumingin dito. Nagbuga siya ng hangin para pakalmahin ang sarili. "Sam, Alam kong galit. Pero please give me chance to explain kung bakit ako umalis." Pakiusap nito. Ramdam niya sa boses nito ang pagsusumamo at lungkot. Binawi nya ang tingin dito at hindi siya umimik. Doon nya lang napasin na tumigil na pala ito sa pagdradrive at nasa harap na sila ng malaking bahay. Halos mapanganga siya ng pagbuksan siya nito ng pinto at ng nakababa na siya tanaw na tanaw nya ang malawak na swimming pool at sa paligid ay ang daming halaman. Buhay na buhay ang paligid. Sa mansion kasi ng kanyang ama ay halatang lalaki ang nakatira. Madami ngang halaman pero hindi naman namumulaklak. "Let's go. Naghihintay na sila." Untang ni Jef sa kanya at hinawakan uli sya nito sa siko. Nagtatakang tumingin siya dito. "Sandali lang. hindi ka talaga nagbibiro na kasama ang family mo ngayon?" Tanong uli niya. Matiim syang tinitigan nito. "Sam. Palagi akong seryoso sa mga sinasabi ko sayo." Patuya siyang tumawa dito. "Alam mo. Dito na talaga ako magagalit sayo." Inis nyang sabi dito. "Seryoso Jef. Dadalhin mo ako sa family dinner ninyo with my school uniform. Wow ha!" Sabi niya na tinignan pa ang suot nya. "And whats wrong with that? Ang cute mo nga e." Lumayo ito ng kunti sa kanya at pinasadahan din ng tingin ang uniform nya. Napapikit sya ng mariin. Padabog nyang binuksan uli ang sasakyan nito. "Ihatid mo na ako. Hindi ako haharap sa mga pamilya mo ng ganito ang itsura ko." Pero maagap siya nitong hinarangan at sinara uli ang pintuan ng sasakyan. "No hindi ka uuwi." Hinawakan nito ang kamay niya. Hinila nya iyon pero hindi nito binitawan. "Tang*na naman o!" Mura nya at parang batang nagpapadyak siya. Bahala na kung anong isipin nito sa kanya. "Sana man lang sinabihan mo ako para nakapaghilamos man lang ako at nakapag ayos ng kunti." Frustrated niyang sabi dito. "Jef, ni wala pa akong suklay." Halos maiiyak iyak nya sabi dito. Halos bigwasan niya ito dahil imbis na aluin siya nito ay ang lakas pa ng tawa nito. "Inis na inis na inis na ako sayo. Kung alam mo lang." alam nyang nanlalaki na ang butas ng ilong nya ng dahil sa subrang inis. "Don't worry baby. You look fine and beautiful in your school uniform. Ako dapat ang mainis dahil nagmumukha akong matandang mayaman na naghahabol sa isang teenager girl." Biro nito pero lukot parin ang mukha niya. "Anak pasok na kayo." Sabay silang napalingon kung saan nanggaling ang tinig. Nakita nya ang magandang babae na nasa bungad ng marangyang pintuan. Matangkad ito at napakasexy sa suot na dress na humakab sa katawan nito. Hindi pa niya masyadong kita ang mukha nito. Parang lalo siyang nanliit. Gusto nyang maglupasay sa semento ay mag-iiyak doon sa subrang inis. "Ok ka lang?" Pumihit uli itong Humarap sa kanya pero imbis na sumagot siya ay hinila nya ang lalayan ng damit nito sa harap at tinakip sa kanyang mata saka niya pinakawan ang hagulgol niya. Para siyang batang ngumangawa doon. "Hey. Why you crying?" Nagpapanic ng tanong nito sa kanya pero hindi parin nya binibitawan ang laylayan ng damit nito. Alam nyang basa na iyon ng kanyang mga luha. "Hushhh... sorry na please. Wag ka ng umiyak." Alo nito sa kanya at hinaplos haplos pa nito ang kanyang buhok. "Nakakainis ka. Galit na galit ako sayo." Ngumangawa parin nyang sabi dito. "I know baby." Bulong nito saka siya niyakap. "At hindi matatapos ang gabing ito na hindi ako nakakapagpaliwanag sayo." Pangako nito sa kanya. "Stop crying na. Mabubura ang make up mo nyan." Biro nito sa kanya. Lalo syang napangawa sa sinabi nito. "Wala nga akong make up!" Halos pasigaw nyang sumbat dito. "Kung sinabi mo sana di kahit lipstick man lang nakapagpahid ako." Sumbat pa niya. Narinig niyang tumawa ito. May dinukot ito sa bulsa ay saka siya inilayo ng bagyan. Binitawan naman nya ang laylayan ng damit nito at hindi napigilang mapataws habang umuiiyak dahil halatang ginawang pamunas ang puti nitong damit. Kitang lukot ito at bakas ang luha niya doon. Natawa din ito na bahagyan pang pinampag ang damit. Itinaas nito ang kanyang mukha at pinahid nito ng panyo ang kanyang pawis at luhang naghalo na yata. Saka nito inipit ang kanyang bangs na nalaglag sa kanyang pagkakaponytail. Sinipat uli nito ang kanyang mukha. Napatitig naman siya dito at ganon din ito. "You are beautiful even if you don't put a make up baby" pabulong nitong sabi at hinaplos pa nito ang kanyang pisngi. Inirapan naman nya ito. "Binubola mo ako e. Kahit anong sabihin mo. Galit parin ako sayo." Sabi saka nilagpasan ito at nagpatiuna ng maglakad. Wala naman siyang magagawa dahil nandoon na sila at naghihintay na ang mga magulang nito. Napakamot nalang si Jef sa batok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD