The new friend

1657 Words
"O. Baby girl tolaley ka na naman d'yan" puna sa kanya ni Mark aka Marla. Isa ito sa mga bagong friends nya ngayon sa university na kanyang pinapasukan. Classmate niya ito pareho silang kumuha ng culinary Arts. Actually pangalawang course na nito ang culinary dahil nagtapos na ito ng business management. Kilala din sa lipunan ang pamilya nito dahil sila ang nagmamay-ari ng sikat na restaurant sa iba't ibang panig ng pilipinas. Hindi niya alam kung mayroon pang ibang negosyo ang mga ito basta ang alam niya ay mayaman din ang mga ito. At nakilala na niya ang mga magulang nito noong welcome party niya. "Nagtataka ako sayo. Minsan nahahalata kitang parang palaging nakatingin sa kawalan. Is there any problem? Care to share it?" Umupo ito sa harap niya. Bantulot naman niyang nginitian ito. "Wala naman. Iniisip ko lang yong report ko bukas. Hindi ko pa kasi tapos." Pagdadahilan niya pero tinignan siya nito na parang nagdududa. "Lukohin mo na ang lahat wag lang si Marla. Hindi kita pipilitin kung ayaw mong ishare, pero kung kailangan mo ng kaibigan nandito lang ako palagi." seryosong pahayag nito. Bumuntong hininga naman siya. Ilang buwan na ng matapos ang kanyang welcome party at patapos na din ang first sem. Pero hanggang ngayon ay hindi pa niya uli nakikita si Jef. At bawat araw ay hindi niya maiwasang maapektuhan. Ang balita niya kay Jhon ay biglaang pinadala ito sa Singapore dahil nagkaroon ng problema ang branch ng company ng mga ito doon at kailangan niya iyong personal na tutokan. Naiinis siya dahil hindi man lang ito nagpaalam sa kanya at wala man lang itong ginawa para makapag-usap sila. Oo, alam naman niyang hindi siya nito girlfriend at hindi naman niya ito boyfriend para magdemand siya ng mga ganoon bagay. Pero tang*na naman. Pagkatapos nitong sipsipin ang bibig nya, pagkatapos nitong ipatikim sa kanya ang sarap ng halik nito tapos iiwan lang sya sa ere. Nagpupuyos ang kanyang loob. Dahil pakiramdam niya pinaglalaroan lang siya nito. Na hindi talaga siya naging mahalaga dito. Ayaw naman niyang magtanong kay Jhon dahil nahihiya siya. Baka may masabi ito sa kanya. Hinihintay nalang niyang magkwento ito tungkol sa kaibigan. Pero habang patagal na patagal na hindi niya ito nakikita ay mas lumalalim ang lungkot na kanyang nararamdaman. 'Humanda ka. Pag nakita uli kita hinding hindi kita papansinin baka akala mo ha.' Napasimangot sya. "Hala sya oi! May ganong peg?" Taas kilay na sabi ni Marla sa kanya. Nakatingin pala ito sa kanya. "Iba na yan girl. Baka kailangan mo ng magpatingin sa doctor." Maarte nitong sabi sa kanya saka sumipsip sa strawberry shake nito. Namula naman ang kanyang pisngi. "Hulaan ko. Lalaki ang pinagkakaganyan mo ano?" Tukso nito sa kanya. Napangiti naman siya pero yong pilit lang. "Hay naku. Wag ako. Papunta kapa lang pabalik na ako. Ganyan ganyan din ako ng iwan ako ng ex ko. Pagkatapos ko siyang bilhan ng kotse babosh na ang lola mo." Pinaikot pa ang eye balls nito na parang alam na alam na nito ang kanyang pinagdadaanan. "Hindi ko naman siya boyfriend e." Huli na ng marealise nya ang kanyang sinabi pero napatakip parin sya sa bibig nya. Tumili ito. "Ayyy. Sige sige baby. Kwento ka makikiniga ako." Excited nitong sabi sa kanya at umayos pa ng upo. Natawa naman siya dito. "Ang ingay mo napapatingin tuloy sila sa atin o." Sabi niya at nilibot pa ang mata sa paligid. Nasa canteen sila. "Bayaan mo sila. O ano na. Anong nangyari?" Balik uli nito sa topic nila. Napatingin sya sa mukha nito. Nakita niyang pinikit pikit pa nito ang mata habang hinihintay ang kanyang sasahihin. Nag-aalangan siyang magsabi dito baka pagtawanan siya. "Promise wag mo akong pagtatawanan ha." Panigurado niya. "Hindi nga. Sige na. Share ka para pag ako naman ang nagkaproblema sa mga boyfriend ko e hindi ako mangingiming magshare din sayo." Sabi nito sa kanya. "Em. Mayron kasi akong maliligaw dati." Panimula niya pero laking gulat nya ng impit itong tumili. "Hoy ano ba?" Saway naman niya. Tumawa naman ito. "O sige sige hindi na." Hindi tuloy niya alam kung itutuloy nya ang kwento niya kasi para namang nakikipagbiruan lang ito sa kanya. "Tayka lang. bakit dati?" Kunot noong tanong nito sa kanya. "Iyan kasi may patili tili ka pang nalalaman e hindi mo pa naman alam ang kwento." Reklamo niya. "E pano baby, basta ligaw ligaw parang nabubuhay ang dugo ko." Sabi nito na napapikit pa. "Dati. kasi nalawa siyang parang bula." "As in nag fade away siya. But why?" Parang naging seryoso naman ito. "Hindi ko alam. Pinaibig niya ako at ako naman si tanga na ang akala ay pag nahulog ako ay sasaluhin niya ako." Parang may humihiwa sa kanyang puso. Punong puno ng pait ang kanyang boses. Naikwento nya dito kung pano siya niligawan ni Jef at kung pano nalang ito biglang hindi nagpakita. Pero hindi niya nasabi dito na friend ito ng kanyang pamangkin. "Nagtanong kana ba sa mga kakilala nya kung nasaan siya kung bakit siya nawala?" Tanong uli nito. Bumuntong hininga siya. "Hindi nahihiya din ako e. Hindi naman naging kami kaya feeling ko wala akong karapatan magtanong kung nasaan siya kung kumusta naba siya. Siya nga ni hindi gumawa ng paraan para makausap ako. Tapos ako pa ang gagawa ng move. Diba nakakahiya yon." Frustrated niyang sagot dito. "Sabagay tama ka din. But give him the benefit of the doubt. Malay mo. Babalik siya. Hindi naman mag-aaksaya ng oras na manligaw yon kung walang something na nararamdaman sayo." Natahimik siya sa sinabi nito. "Is he your first love?" Tanong nito sa kanya. "Yes." Walang pag aalinlangan niyang sagot dahil iyon naman ang totoo. "I guess it's really true that first love can make your heartbroken. Ganyan din ako noon. But everytime That I felt the pain iniisip ko nalang na 'there's a rainbow after the rain' at makakahanap pa ako ng mas makulay sa kanya." Napakantang nakangiting sabi nito sa kanya. "Tapos pag naisip ko ngayon e tinatawanan ko nalang." Dagdag pa nito. Halatang move on na nga. "Pero sayo. Malakas ang pakiramdam ko na babalik iyon. Maghintay ka lang." "Pero natatakot ako. Pano pala kung hindi siya totoo sa mga sinabi niya sa akin" malungkot niyang sabi dito. "You know what. If you love someone. The factor that you need to fight is your fear and doubt. Dapat handa ka ding masaktan. Wala namang umibig ng hindi nasasaktan. Magkakambal na yan." "Sa tingin mo?" "Oo naman. Kung hindi bumalik e di wag. Sa ganda at sa liit mong yan. Sya ang nawalan at hindi ikaw." Nagkanda samid samid sya sa sinabi nito. Pero natawa siya sa huli. "O diba. Natawa ka." Natatawa ding sabi nito. "Bakit kasi pati height ko isinali mo?" Napanguso siya. Nagtaka siya ng biglang naging seryoso ito. "Look. Nandiyan yong mga impakta." Bulong nito sa kanya kaya napatingin naman siya sa mga paparating. Ang mga bully girl's. Lima sila at puro magaganda at mga sosyal anak ng mga business man. Ibig sabihin mga mayayaman. 'Halos naman yata lahat ng nag-aaral sa university na ito ay mamayan' sabi niya sa sarili. At sa tingin niya ay kaedad lang nya ang mga ito. Maliit lang at baby face lang talaga sya. Graduating na yata ang mga ito. Sa ilang buwan nang nag-aaral siya dito ay nakita nyang ilag ang mga ibang estudyante sa mga ito. Hindi nya maunawaan kung bakit ganon umakto ang mga ito parang mga bata. Parang mga high school girl parin. Minsan may mga pinapahiya ang mga ito, Binubuhusan ng juice at sinasampal pag nakanti lang ng kunti. Kulang sa maturity ang mga ito. Tumahimik sila at parang pinapakiramdaman ang mga bagong dating. At malas dahil sa katabing mesa pa nila ang mga ito umupo. "Look at that little girl." Mahinang sabi nong isa na itinuro siya. Kitang kita niya napatingin din ang mga kasama nito sa kanya. "She is the daughter of Don. Manuel. Kilala nyo siya diba.?" "Really?" Parang gulat naman ang mga kasama nito. "Diba tanders na yon?" Mahinang sabi naman nong isang maarte din. "Yes. From what I heard ha. her mother is a gold digger kaya inakit nito ang Don. And there she is. Kaya sya nabuo." Sabi uli nong unang nagsalita. Naikuyom nya ang kanyang mga kamay dahil sa narinig. "Ano kayang pakiramdam no? Parang lolo mo na ang tatay mo." Natatawang sabi pa ng isa. "And the saddest part is baka kung ano ang puno sya ang bunga." Sabi uli ng pasimuno. "Mayaman naman na siya kaya ok lang." sabi nong isang parang walang pakialam sa topic nila. Tumawa yong isa na parang may naisip. "Baka maghanap din ng tanders like her mother's did." "Ewww.. there's a lot of people talaga na gagawin lahat para sa pera. Ultimong matanda papatulan." Sabi uli ng isa. Hindi niya napigilang tumayo at malakas na iniatras ang upuan kaya nakuha niya ang atenyon ng ibang nandoon. Huminga siya muna sya nang malalim. "Go friend. Ipaglaban natin ang bandila ng mga api." Sabi naman ni Marla na tumayo din. "Girl parang nagalit ata." Rinig niyang sabi nong isa. Nagtawanan naman ang mga ito. "Excuse me. Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?" Nakangiti niyang tanong sa mga ito na para bang walang nakakagalit sa kanyang narinig. "Yes. May gusto kabang idagdag pa sa mga information na nakalap namin about you?" Tumawa naman siya. "Dapat nagtanong nalang kayo ng deretso sa akin para naman legit ang nakuha ninyong information. Malay nyo fake news pala." Nakangiti paring sabi niyang sa mga ito. Nang akmang magsasalita uli ang pasimuno ay nagsalita uli siya. "Hayaan mo miss. Isesend ko sayo yong story ng parents ko para naman kiligin ka at baka sabihin mong mas masarap palang magmahal ang matanda kaysa bata." Sabi nya saka tinalikoran na ang mga ito agad namang humabol si Marla sa kanya. Tawa ito ng tawa sa kanya. Dahil ang akala pala nito ay makikipagsabunotan siya sa mga ito. 'Ano siya baliw. Sa liit nyang iyon papatol siya sa mga higanting iyon. Kita palang nya ang mga kuko ng mga ito na kakalmot sa mukha nya ay parang kinikilabutan na siya.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD