"Emm. Salamat pala ha." Basag niya sa katahimikan nilang dalawa.
"Walang ano man. Basta ikaw." Nakangiti naman nitong sabi sa kanya.
"Mauuna na din ako. Umaga na. Kailangan mo ng magpahinga. Alam kong pagod na pagod kana din." Paalam nito.
"Oo nga e. Salamat uli." Sabi niya habang ang mga kamay ay nasa likoran niya at pinag aaway ang mga daliri niya.
"Pumasok kana at aalis na din ako." Sabi nito.
"Ihahatid na kita hanggang sa sasakyan mo." Sabi naman niya dahil malapit lang naman sila kung nasaan naka park ang sasakyan nito. Tumanggi ito pero mapilit siya. Katwiran nya ay mabuti sya ay nasa loob na siya ng bahay nila, kaya wala itong nagawa.
Sabay silang naglakad papunta sa sasakyan nito.
"Good morning baby. Bye." paalam uli nito.
"Good morning too. Ingat sa pagdradrive." Sabi naman nya saka tinaas ang kamay para magbabay. "Bye"
Pero nang akmang bubuksan na nito ang pinto ng sasakyan nito ay tumingin uli ito sa kanya at mabilis na bumalik uli at sa isang iglap lang ay namalayang nalang nyang ang lapit na nito sa kanya, subrang lapit. Amoy na amoy niya ang gamit nitong pabango. Napasinghap pa siya dahil nagulat siya kaya Nagtatakang napatingin sya sa mukha nito. Nakita niyang napalunok ito.
Sinapo ng mainit na palad nito ang kanyang mukha kaya napahawak din siya sa kamay nitong nasa kanyang mukha. Parang nagwawala ang kanyang puso sa subrang lakas ng kabog nito.
Unti unting bumaba ang mukha habang titig na titig sila sa isat isa kaya automatic namang napapikit ang kanyang mga mata. Hanggang sa naramdaman niya ang malabot nitong labi sa kanyang bibig. Dampi lang noong una. Parang bang nananantya iyon. Sumunod ay ramdam niyang medyo awang na ang labi nito dahil naramdaman nya ang bahagyang pagkabasa ng kanyang mga labi. medyo nagtagal iyon. Napalunok siya pero pikit na pikit parin ang kanyang mga mata. Aminin man nya o hindi ay ninanamnam din niya ang halik nito. Inilayo uli nito ng bahagya ang labi sa kanyang mga labi.Para namang nanlalambot ang kanyang mga tuhod dahil sa subrang intense ng kanyang nararamdaman kaya naikapit niya ang mga kamay sa baywang nito. Hanggang sa tuluyan na nitong inangkin ang kanyang labi. Sakto pang nakawawang iyon kaya mabilis lang na nakapasok ang dila nito sa loob ng kanyang bibig. At agad na nanaliksik doon na parang kinakabisa ang bawat sulok.
Parang natutunaw ang kanyang mga tuhod dahil sa klase ng halik nito. Naramdaman naman ito ng binata kaya maagap nitong pinulupot ang isang braso sa kanya baywang. Sinipsip nito hindi lang ang kanyang bibig kundi pati ang kanyng dila. Para siya nitong hinihigop. Nakakawala ng katinuan. Nakakapanglambot. Nakakapang init. Ito ang kanyang unang halik kaya ngayon nya lang ito naramdam. Mas kinabig pa nito ang kanyang ulo para mas mapalalim pa sya nitong mahalikan at kulang nalang siyang mapisa sa higpit ng yakap nito sa kanya. Masuyo pero Maalab ang halik nito. Mapaghanap.
Hindi siya marunong humalik pero sa puntong iyon ay kusang gumalaw ang kanyang mga labi at sinalubong din ng kanyang dila ang dila nitong kanina pa naglulumikot sa kanyang bibig. Ang mga kamay niya ay parang may sariling isip na umakyat sa leeg na binata at doon ay nalaglambitin siya.
"Ohhh.." unggol niya sa pagitan ng kanilang halikan. Hindi siya makapaniwalang napaungol siya nito ng dahil sa halikan nila. Lunod na lunod na siya ramdam niya ang kamay ni Jef na humahaplos sa kanyang likod na lalong nagpainit sa kanya.
Nagulat nalang sila ng may nagkalansingang mga gamit kaya mabilis niya naitulak si Jef. At halos mabuwal siya dahil nanghihina ang kanyang tuhod. Buti nalang at maagap ito kaya nalalayan siya.
Pakapulupot ang braso nito sa kanyang baywang at kapwa habol nila ang kanilang hininga. Ilang sigundo din sila sa ganong ayos parang ayaw niyang maunang magsalita dahil sa subrang hiya. Kung pwede lang na lumubog siya ngayon sa kanyang kinakatayuan.
Naitakip niya ang dalawang kamay sa kanyang mukha.
Kinabig naman siya ng yakap ni Jef. Ramdam niya ang pintig ng puso nito.
"Did you feel my heart beat baby?" Tanong nito sa kanya habang yakap siya.
Tumango naman siya.
"Alam mo bang sayo lang yan nagwawala?" Bulong uli nito at pinatakan siya ng halik sa ulo. Hindi siya umimik.
"Noon hindi ako naniniwala sa love at first sight. But when I saw you ay parang nagslow motion ang paligid ko at ang lakas ng t***k ng puso ko. Sorry dahil sa mga pinagsasabi ko that time. Noon ko lang narealise na may pagkapossessive pala ako. Ayaw kong masilayan ng iba kahit na kunti lang ang cleavage mo ang mga legs mo kaya nagalit at natakot ako na baka kasi makita ni Jhon din kung gano ka kaganda ay unahan niya ako." Sabi nito at tumawa pa. Namula naman ang kanyang pisngi sa mga pinagsasabi nito.
"I love you baby. At handa akong maghintay hanggang sa maging handa kana para sa akin." Sabi nito saka siya dahan dahan binitawan. Nakayuko ang kanyang ulo dahil hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito pero itinaas nito ang kanyang baba para magtama ang kanilang paningin. Hinaplos pa nito ang kanya labi na hanggang ngayon ay pakiramdam nya ay nangangapal parin.
Matagal pa itong nakatitig sa kanya.
"Again Good morning and have a sweet dream" sabi nito at mabilis uli nitong pinatakan ng halik ang kanyang mga labi na para bang nagnakaw lang ng halik.
Matagal ng nakaalis si Jef pero nakatulala parin siyang kung saan siya iniwan nito. Nagulat nalang siya ng mamatay ang ilaw sa paligid kaya agad siyang tumakbo. Takot na takot kaya siya sa dilim. Kaya niyang matulog ng walang ilaw basta may katabi siya pero pag wala ay nakasindi ang ilaw. Lalo na sa mansion. Ang laki ng kanyang kwarto at may walk in cabinet pa sa loob. Kaya bago sya matulog ay sinisigurado nyang nakasara iyon dahil kitang kita nya sa loob pag nakahiga sya sa kama. Kung ano ano kasing kababahaghan ang pumapasok sa kanyang isip at nakasindi naman ang ilaw sa loob ng CR para kita niya agad ang loob.
Maingay siyang pumasok sa loob halos mapasigaw siya sa subrang takot.
"Anong nangyari?" Nag aalalang tanong ni Nanay Seling ng makita siyang humahangos papasok.
Huminga muna siya para makapagsalita ng maayos. "Pinatay po kasi ang ilaw sa labas kaya natakot ako."
"Bakit pinatay na e nandoon kapa pala?" Sabi naman ni Nanay Seling.
"Pasinsya na hija. Hayaan mo at kakausapin ko sila." Sabi ng matanda.
"Hindi na po Nay. Baka alam po nilang wala ng tao kaya pinatay na nila." Sabi niya sa matanda at saka nagpaalam na din.
"Matulog na din po kayo Nay at pagkagising ko po mamaya ay tutulong din po ako sa gawain."
"Hay naku batang ito. Wag mo na kaming intindihin at mayroon namang kinuha sila Jhon para makatulong namin sa mga gawain. Hala at matulog kana." Taboy nito sa kanya.
Mabilis siyang umakyat sa kanyang kwarto pero kakatwa lang dahil ni hindi siya nakaramdam ng pagod. Parang ang gaan ng kanyang pakiramdam.
Naglabas siya ng kanyang pantulog at saka hinubad ang kanyang gown. Kinapa niya ang kanyang kwentas na bigay ni Jef. Hinaplos niya iyon bago tinanggal. Ng matanggal na niya ay saka niya iyon pinakatitigan. "Maghihintay daw. Pero kung makahalik naman parang pag-aari na nya ako." Wala sa loob na nasambit niya at dahil sa kanyang nasabi ay pinamulahan siya ng mukha. Dali dali siyang tumakbo sa loob ng bathroom at doon ay pinakawalan niya ang impit na tili. Alam niyang hindi siya maririnig.
Magliliwanag na ng sa wakas ay makatulog siya dahil hindi siya pinatulog ng halikan nila ni Jef at kung pano ito nagtapat ng pag ibig habang yakap yakap siya nito. Hay.. Inlove na din siya sa binata kahit mahigit isang buwan palang niya ito nakikilala. Pero wala pa naman siyang balak sagotin ito. 'Ano siya sinuswerte. Maghirap muna siya.' Sabi ng kabila ng isip.
'Maghirap? Paanong maghihirap pa iyon e. Dalang dala ka naman sa mga halik niya.' Tudyo naman ng isa.
Hanggang sa kanyang panaginip ay si Jef ang laman non.