"Ladies and gentlemen. It's an honor to have you in this most unforgettable moment of my life as a father. Beacause tonight I am formally introducing to you my one and only daughter. Friends, family, relatives, business associate please welcome my daughter Samantha Arguelo." Masigabong palakpakan ang pumuno sa paligid kasabay ang pagdim ng ilaw sa paligid at sumentro sa kanya ang maliwanag na ilaw kaya medyo nasilaw siya. Nakaalalay sa kanya si Jhon pero dahan dahan nitong binitawan ang kanyang kamay at iginiya siya para lumapit sa amang nasa gitna. She felt nervous but overwhelm at the same time. Ramdam niya ang mainit na pagtanggap ng mga taong nasa paligid niya.
Marahan siyang lumakad papunta sa gitna kung saan nakatayo ang kanyang ama. Hindi niya maiwasan mangilid ang kanyang luha dahil sa subrang pasasalamat niya sa pagkakataong makasama niya ito. Matanda na ang kanyang daddy.
He was at his early 80's and still looking handsome at his age. A very powerful and dignified man. She can't blame her mother kung nainlove man ito sa kanyang ama. Sa itsura nitong parang istrikto masungit na parang hindi marunong ngumiti ay nagtatago ang napakalambing, mabait at pagmahal nitong katauhan. Dahil narin siguro kailangan nitong magmukhang istrikto dahil sa marami itong pinapasunod na tao. Ikaw ba naman ang magmay-ari ng mga malalaking negosyo at magkaroon ng libo libong trabahador.
And even Jhon. Pag nakikita nya itong may kausap sa cellphone minsan at tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan ay nagugulat nalang siya dahil nagtratransform itong maging dragon na parang naglalabas ng apoy kung makasigaw sa kausap pero pag nagtatanong siya ngingitian lang siya at sasabihin na "wala lang yon."
Spoild siya sa dalawa. Kahit busy sa mga negosyo ang mga ito ay naglalaan parin ng time ang mga ito sa kanya. Ang kanyang ama ay nasa bahay nalang. Pero may opisina ito sa mansion. Pag nasa opisina niya ito ay tahimik lang nyang sinasamahan at binabantayan ito. Dinadalhan ng kape. Meryenda. Sinisigurado nyang alagang alaga niya ang mga ito. Kahit si Jhon. Dahil iyon lang ang alam niya at kaya niyang gawin para sa mga ito.
Kinausap siya ni Jhon na kumuha ng business management na course para pag kaya na niya ay bibigyan siya ng pamamahalaan niyang negosyo pero tumanggi siya. Ayaw niyang makialam sa mga negosyo ng mga ito.
"You're so beautiful anak. At parang nakikita ko ng hindi lang si Jef ang araw araw na dadalaw sa mansion nyan." Nakangiting salubong ng kanyang ama. Bakas sa mukha nito ang saya.
Niyakap niya ito. "Thank you for everything dad." Bulong niya.
"No baby. Thank you for coming into our life. Sa amin ni Jhon. Ikaw ang nagbigay ng saya sa amin."
Inilibot siya ng kanyang ama at pinakilala sa mga kaibigan ng kanilang pamilya. Mga kilalang tao sa lipunan at mayroon pang kilalang artista at mga pulitiko. Nalolola siya. Alam niyang mayaman ang kanyang ama pero hindi niya alam na ganito pala ito kayaman.
Pero dahil nga matanda na ito ay si Jhon na ang nagtuloy na ilibot siya sa paligid. Nangangalay na ang kanyang pisngi at halos dumugo ang kanyang ilong dahil halos mga englisero ang mga bisita nila kaya pabulong nyang naireklamo kay Jhon.
"Mas napagod yata ang utak ko kaysa sa paa ko. Kung bakit naman kasi nandito sila sa pilipinas pero parang nakalimutan yata nilang magtagalog." Reklamo niya na ikinatawa naman ni Jhon.
"Kunti nalang malilibot na natin lahat at pupunta na tayo sa table." Sabi nito sa kanya. Halos maglambitin siya sa braso nito. Para lang itong nag-aakay ng maliit na kapated na nagmamaktol.
Ilang tao pa ang pinakilala nito at saka sila tumuloy sa table ng mga ito kung nasaan ang mga kaibigan din nito. Halos sabay sabay na nagsitayuan ang mga ito para batiin siya.
"Use one word para ilarawan si Sam aside from beautiful dahil given na iyon." Sabi ni Macky sa kasama.
"Princess" sabi ni Ron. Saka siya nito nilapitan at niyakap. "Im happy for you Sam."
"Thank you po." Sagot naman niya.
"Angel" sabi ni Tim na parang umakto pang parang lumilipad kaya natawa siya. Para lang siyang bata. Kagaya ni Ron ay nilapitan din siya nito at binati.
"Cute" sabi ni Alex. "Parang ang sarap ilagay sa pocket." Sabi nito sabay yakap din sa kanya.
"Very lovely" sabi naman ni Macky. "Parang gusto kong karibalin si Jef." Biro nito sa kanya at saka siya nito niyakap. Narinig naman niyang minura ito ni Jef.
"Sweet" sabi naman ni Jhon saka kinurot ang kanyang pisngi. "Lolo and I are very lucky dahil binigyan Nya kami ng katulad ni Sam na palaging nagpapasaya sa amin." Madamdaming sabi ni Jhon.
"Naks.. ang sweet din ng kuya ko. I love you po" naihilig niya ang ulo sa balikat nito.
"O Jef. It's you turn." Sabi ni Macky kay Jef na nakatingin lang sa kanya.
"My everything" mahinang sabi ni Jef pero parang bombang sumabog sa harap nila kaya sabay sabay na napa "ohhh,.." ang lima. Siya naman ay napako ang tingin dito. Kitang kita niyang namula din ito. Nagkatitigan sila at nabasa niya ang sari saring emosyon sa mga mata nito.
Pagmamahal
Paghanga
Pagsuyo
Pagsusumamo
Nerbyos pero masaya.
Lumapit din ito sa kanya at saka siya niyakap. "Thank you for coming into my life baby" bulong nito. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib at alam niyang ramdam nito iyon. Hindi tuloy niya maiwasang mahiya dito. Baka isipin nitong apektadong apektado siya 'kahit totoo naman' charsss...
"Naks. Para kang ten ager lang na nagblablush tol." Tukso ni Macky kay Jef nang bumitaw ito sa pagkakayakap sa kanya. At bahagyan ngang namumula pa din ang mga pisngi nito. "Grabe. Ang daming lumalapit sayong mga babae halos magpakandong pa sayo pero ngayon lang kita nakitang umakto na ganyan."
"Tsk! Stop it Macky." Saway ni Jef kay Macky at Saka siya tinapunan ng tingin. Napahaplos pa ito sa batok.
Ang kilig na kanyang naramdaman kanina ay napalitan ng inis dahil sa sinabi ni Macky. 'So marami talagang babaeng umaaligid sa kanya.' Sabi niya sa sarili at pinilit niyang hindi sumimangot para hindi siya mahalata.
Pinaghila siya ng upuan sa tabi nito dahil iyon nalang ang bakante.
Tahimik lang siyang umupo sa tabi nito.
Nag uusap usap ang mga ito pero tungkol sa negosyo pero dahil sa wala siyang maintindihan ay tahimik lang siyang nakikinig. Nagtaka siya ng may kapeng inilapag sa kanyang harapan parang naalis tuloy ang pagod niya.
"Salamat nanay." Sabi niya dahil mismong si Nanay Seling pa ang nagdala ng kanyang kape. "Kumain na po kayo?" Mahina niyang tanong dito. Malapit siya dito dahil para itong si Lola niya.
"Wag mo na kaming alalahanin." Sagot naman nito. "Dinala ko lang yang kape mo dahil tineks ako ni sir Jef." Nakangiting sabi nito sa kanya saka nagpaalam.
Napamaang naman siyang tumingin kay Jef na nakatingin din sa kanya. Nagkibit balikat lang ito.
Binalingan niya ang kanyang kape at hinamoy iyo. Pero bumaling uli siya dito "Samalat." Nakangiti niyang sabi.
"Parang narefresh ka a." Puna nito sa kanya.
"Parang iba yong amoy ng kape mo." Puna ni Macky na suminghot singhot pa sa hangin. Pinagitnaan kasi siya ni Jef at Macky kaya malapit lang ito sa kanya kaya siguro ay amoy na amoy nito ang kape niya.
Natawa naman siya. "Hulaan mo kung anong kape ito." Sabi naman niya at bahagyan pang inusog ang tasa ng kape sa harap nito. Nakisinghot naman ang mga iba pa at parang nag-isip din.
"Pupusta ako bro pag nahulaan mo yan." Nakangiting sabi ni Jhon.
"Sinabi mo yan ha." Sabi naman ni Macky sa inamoy uli ang kanyang kape.
"Sam pwedeng patikim?" Tanong nito sa kanya. Natawa naman siya at tumango. Parang wala kasi itong idea. Napapikit pa ito habang nilalasahan ang kanyang kape. "Ang sarap. Para siyang nilaga pero hindi naman kapeng barako." Sabi nito saka humigop uli. Hindi nagtagal ay nagdala uli ng kape si Nanay Seling kaya nagtataka siyang tumingin uli kay Jef.
"Baka naubos na ni Macky ang kape mo bago niya matukoy kung anong klaseng kape yan." Sabi ni Jef na parang nahulaan nito ang kanyang tanong.
Napangiti siyang humigop. "Gusto mo din?" Kunyari ay alok niya kaya laking gulat niya ng kunin nito ang tasa niya at humigop doon at mismo kung saan siya humihop, napalunok tuloy siya ng hindi oras. Buti nalang at abala ang mga kasam nila kay Macky.
"Ibig sabihin lang nyan tol hindi kapa gaanong kayaman dahil hindi mo pa afford ang ganyang klaseng kape." Biro ni Ron sa kapatid.
"Tsk! Bakit ikaw, alam mo ba itong kape na to?" Takang tanong ni Macky sa kapatid.
"Oo. Ganyan din yong kape namin minsan e. Hindi lang namin afford pag palagi." Natatawang sabi naman ni Ron.
"San nabibili ito Sam?" Tanong uli ni Macky na humigop uli ng kape.
Natawa naman siya. Hindi niya akalain na hindi nito mahuhulaan kung anong klaseng kape iyon.
"Iwan ko. Inoorder pa yata ni Daddy sa ibang bansa yan e" sabi niya pero hindi niya napigilang tumawa kaya napatakip sya sa kanyang bibig. Napatingin tuloy ang mga iba nilang bisita sa kanila dahil natawa din ang mga ito. Bukod tanging si Macky lang ang hindi natawa.
"Pinaglololoko nyo ako e." Reklamo nito saka nito inubos ang laman ng tasa.
"Masarap?" Tanong niya.
Ngumiti ito. "Oo. Bagay na bagay yong gatas sa kape." Sabi nito. "At parang hahanap hanapin ko din."
"Punta ka lang dito pag gusto mo at ipagtitimpla ka namin." Naaliw niyang sabi dito.
"Sinabi mo yan ha."
Mabilis lang niyang naubos ang kanyang kape dahil nakatatlong higop din yata si Jef doon. At bawat higop nito ay para naman nanunukso ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
Ng matapos silang nagkape ay pinagpaalam siya nito kay Jhon at inilibot uli sya sa mga bisita. Nakakapit siya sa braso nito. Masaya silang sumali sa usapan ng mga nagkukumpulan na kaedaran lang ata nila at kilalang kilala ng mga ito si Jef. Pinakilala siya sa mga ito.
Hanggang sa sila nalang ang naiwan doon. Nagpaalam na din si Jhon na mauuna nang papasok siguro ay sinadya din nito para magkasarilinan sila ng kaibigan nito.
Nagkailangan pa sila ng sila nalang ang naiwan.