"Iniiwasan mo ba ako Sam?" Seryosong tanong ni Jef sa kanya kaya napatingin naman siya dito. Nagdradrive ito pabalik na sila sa manila at tama ito dahil medyo dumedistansya siya dito. Kung may iba lang sanang paraan para hindi siya makisabay dito ngayon pauwi... pero no choice siya e.
Parang awkward lang kasi ng pakiramdam niya. Mula pa kasi kahapon ay dikit na ng dikit ito sa kanya lalo na kaninang umaga. Halos subuan na siya nito habang kumakain sila at aminin man niya o hindi ay parang kinikilig siya pero naiilang siya at the same time dahil panay ang tukso ng mga kasama nila.
"Yooohuuu.. may kausap ba ako d'yan. Baka naman." Pagpaparinig uli ni Jef kaya sinimangotan niya ito.
Kinaway kaway pa nito ang kamay sa kanyang harapan para pansinin lang niya. "Tigilan mo nga yan." Saway niya. "Naiilang ako e." Mahina niyang sambit.
Tumingin naman ito sa kanya. "Bat ka naiilang?" Parang nagulat namang tanong nito sa kanya.
"Sino ba naman kasi ang hindi maiilang sayo." Reklamo niya. "Hindi ko alam kung anong larong tumatakbo d'yan sa isip mo at nasabi mo kay Jhon iyon." Inis niyang sabi dito.
Kumunot ang noo nito. "Who's playing and with whom?" Parang hindi ito makapaniwala sa kanyang sinabi. "I'm not just playing around Sam. Mahalaga ang pagkakaibigan namin ni Jhon at hinding hindi ko yon sisirain and Why it's so difficult for you to believe that I'm deadly serious about you." Seryoso nitong tanong sa kanya.
Tumingin ito sa gawi niya at nagkatitigan uli sila. Seryoso ang mukha nito. Huminga siya ng malalim at saka siya nagbawi ng tingin. "Bakit kasi ako? Marami namang iba d'yan. Siguradong marami ang nagkakandarapa sa iyo na mas magagandang 'di hamak sa akin."
Bahagyang natawa naman ito sa kanya sinabi. "Hindi ko itatanggi yan baby. But I don't want any woman's attention now. It's only you that I want." Sabi nito, nagulat pa siya ng bahagyan nitong inabot ang kanyang pisngi at hinaplos iyon kaya napatingin siya dito parang kinilabotan siya ng maramdaman ang mainit nitong palad sa kanyang mukaha. May nabasa siyang emosyon sa mga mata nito na hindi niya mapangalanan.
Kunyari ay pinanlakihan naman nya ito ng mata. "Mabangga tayo." Iniwas niya ang mukha dito. Natatawang binitiwan naman nito ang mukha niya at tumingin uli sa kalsada pero naglalaro ang mga ngiti nito sa labi hindi niya alam pero hindi niya maiwasang pag-initan ng pisngi kaya alam niyang namumula ang kanyang mukha.
Bago sa kanya ang pakiramdam na kanyang nararamdaman ngayon. May nanliligaw naman siya kanya sa Isla pero hindi pero hindi pa niya raramdaman sa mga ito ang naramdaman niya kay Jef.
Tumingin uli ito sa gawi niya. "Wag ka ng sumimangot. At saka dapat ka mg masanay na palagi akong nakikita dahil aaraw arawin ko ang pagdalaw ko sayo." Nakangiting kinindatan pa siya nito.
Salubong naman ang kilay niyang tumingin uli dito. "Araw araw talaga?" Hindi makapaniwalang tanong niya dito.
"Yup. Araw araw. Everyday. Kung pwede nga lang every hour every minute e." Hindi parin naaalis ang ngiti nito sa mga labi. "Pero baka mabad shot ako kay Don Manuel." Dagdag pa nito.
Napanguso naman siya.
Tinutoo nga ni Jef ang sinabi nitong aaraw arawin nito ang pagdalaw sa kanya at hindi niya ito mapigilan. Magugulat nalang siya na pagbaba niya sa hagdan ay nandoon na ito nag-aabang sa kanya o kaya bigla nalang itong susulpot sa bahay nila.
Nakausap na din nito ang kanyang ama at parang botong boto naman ito sa binata at siya naman ay lihim na kinikilig pero syempre hindi nya pinapahalata.
Kinausap na din siya ni Jhon, na ang akala niya dati ay hindi ito sang-ayon sa panliligaw ng kaibigan pero nasabi nito na kung magkakagusto siya ay sana ay yong kaibigan nalang nito dahil alam niyang hindi siya nito pababayaan pero kahit na ano man ang maging pasya niya ay maluwag nitong tatanggapin.
Dumating ang araw na ipapakilala na siya ng kanyang ama bilang anak nito. Hindi nya maiwasang kabahan dahil alam niyang mga kilalang tao ang kanilang mga bisita.
Sa mahigit isang buwan na pamamalagi nya sa poder ng kanyang ama ay hinayaan lang siya ng mga ito kung ano ang gusto nyang gawin kung saan siya kuportable. Pero dahil nga naiilang sya sa setwasyon nya ay halos magkulong lang siya sa mansion at hindi naggagala. Ang alis lang talaga niya ay noong sumama siyang pumunta sa kaibigan nila Jhon at hindi na uli sya lumabas sa mansion. Kahit ba anong yaya ni Jhon sa kanya. Pero palagi naman niyang kasama ang kanyang ama. pero alam niya sooner or later ay kailangan na niyang harapin o paghandaan ang mundo ng kanyang ama.
Napapilag siya ng makarinig siya ng marahang katok sa may pintoan ng kanyang kwarto.
"Bukas yan." Sabi niya, habang pinag-aaralan ang ayos niya sa harap ng salamin. Parang hindi parin siya makapaniwalang siya ang nakikita niya ngayon sa salamin. Ngayon palang kasi siya nakapag-ayos ng ganito. Ang makapagsuot ng magandang gown at makapag make up ng maayos. Sabi nga ni Jhon kilalang make up artist pa ang nag-ayos sa kanya. Pakiramdam niya ay isa siyang prensesa sa suot niya ngayon.
Lumingon siya sa may pintuan dahil hindi agad pumasok at nagsalita ang taong nag bukas niyon. At hindi niya inaasahang na si Jef pala ang taong iyo. Gwapong gwapo ito sa suot at hindi niya maiwasang humanga ng lubusan sa binata. Nakita niyang nakatulala itong nakatingin sa kanya at medyo nakaawang pa ang mga labi nito. Dinagsa tuloy ng kaba ang kanyang dibdib dahil sa reaction nito.
"P-pangit ba?" Mahina niyang tanong dito. Kahit papaano ay nasanay na siya sa presensya nito.
Marahan naman ito pumasok pero hindi parin nito tinatanggal ang pagkatitig sa kanya.
"Wow" anas nito. Inikotan pa siya at masusing tinignan ang kanyang porma. Lalong kumabog ang kanyang dibdib.
Tumigil uli ito sa kanyang harap at tumikhim muna bago nagsalita. "'Are you ready?" Tanong nito sa kanya at bahagyan pa nitong tinaas ang kanyang baba para pagtamain ang kanilang mga mata. Kung hindi siya dinadaya ng kanyang pakiramdama ay masasabi niyang Kitang kita niya ang paghanga sa mga mata nito.
"Kinakabahan ako." Sabi niya at nilagay pa niya ang mga palad sa kanyang dibdib para damhin ang kanyang t***k ng kanyang puso.
"Shhh.. normal lang yan. Pero pasasaan bat masasanay karin. Nandito lang kaming aalalay sayo ok." Pagpapalakas nito sa kanyang loob. "And look at you." Pumunta ito sa likod niya at pinihit sya nito paharap uli sa salamin. "You look so beautiful ang lovely. At sigurado akong marami akong magiging karibal pagkatapos ng gabing ito." Halos pabulong lang na sabi nito pero dinig na dinig nya dahil malapit lang ang mukha nito sa kanyang taynga. At ang lapit ng katawan nito sa likod niya kaya ramdam na ramdam niya ito.
Nagtama ang kanilang mga mata sa salamin at kagaya nya ay titig na titig din ito sa kanya. Sa bawat titig nito sa kanya ay hindi niya maiwasang makaramdam ng init sa kanyang katawan dahil parang may kung ano sa titig nito na hindi nya matukoy. Parang naiilang siya pero kinikilig naman siya.
Siya ang unang nagbawi ng tingin at naramdaman naman nyang bahagyang lumayo ito sa kanya likuran.
Naramdaman niyang may malamig na bagay na dumapo sa kanyang dibdib kaya napatingin uli sya sa salamin at nakita nyang may sinusuot itong gold na kwentas sa kanya.
"For the most beautiful lady in my life." Sabi nito habang nakatitig uli sa kanya sa may salamin habang kinakabit ang lock ng kwentas. Wala sa loob na napahawak sya sa pendant nito. Isa iyong heart na may mga maliliit na bato."
"It's perfectly suit for you baby." Parang kumikislap ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
"Para saan to?" Tanong naman niya.
"Para saan to?" Tanong niya.
"Para sayo. Hindi mo ba nagustohan?" Bahagyang naging seryoso ang mukha nito.
Bumuntong hininga siya. "Hindi naman sa hindi ko nagustohan pero parang hindi ko kayang tanggapin. At itsura palang nito parang ang mahal na e. Baka mahold up lang ako pag sinuot ko itong lumabas." Totoo ang kanyang sinabi. Wala siyang idea sa mga presyo ng alahas pero sa unang tingin palang niya sa suot niya ay alam nyang hindi biro ang halaga nyon.
Natawa naman ito sa kanyang sinabi. "Sam. Maliit na bagay lang yan kaya wag ka ng mag alala."
Niyuko niya ang ulo. "hindi pa naman tayo para bigyan mo ako ng ganito." Nahihiya nyang sabi dito. Napatawa naman ito sa kanya napatingin uli sya dito. Pinihit sya nito paharap.
"Problema ba yon. Di sagotin mo na ako." Bakas ang pagkaaliw nitong sabi sa kanya. Alam nyang nagbibiro lang ito pero namula parin ang kanyang mukha.
"Ate baba na daw po kayo" sabi ng isa sa mga kasambahay nila na nakadungaw sa pintuan ng kanyang kwarto.
"Ok baba na kami." Sabi ni Jef dito. Agad namang umalis ang kasambahay.
"Ok goodluck baby." Sabi nito at saka siya pinatakan ng halik sa gilid ng kanyang labi na labis nyang kinabigla. Medyo inabot ng ilang sigundo ang labi nito doon kaya imbis na pumanatag ang kanyang loob ay lalong kumabog iyon at parang lalo siyang nawala sa sarili. Hindi pa iyon sa lips a. Pano pa kaya pag sa lips na siya hinalikan nito.
"Baby ok ka lang." ang tawag nito na syang nagpabalik sa kanya sa kanyang sarili.
Nakita nyang nakangiti ito at parang naaliw sa kanya kaya wala sa sarili na inirapan nya ito at sumimangot. 'Walang yang lalaking to.' Inis nyang kastigo sa kanyang isip.
Natawa naman ito sa kanyang inasal. "Sa susunod sa lips na kita hahalikan." Sabi nito kaya nakurot niya ito sa kagiliran. Napuno ng halakhak nito ang kanyang kwarto.