“Don’t worry son,” aniya habang hinahaplos ito sa ulo. “I know she remembers you because she’s your mother. And a mother won’t forget their children for the rest of their life,” dagdag pa niya at inilayo ito sa sarili. Matiim siyang tinitigan nito sa kanyang mga mata. “Are you sure?” nag-aalangang tanong nito. Nakangiti naman siyang tumango. “Of course, I am.” Turan niya dito. Hindi niya pwedeng ipahalata kay Jacob ang kanyang tunay na nararamdaman. “Go on… Try…” panghihikayat niya pa dito. Tumitig muna itong muli sa kanyang mga mata, na para bang tinatantya doon kung totoo ang sinasabi niya. Pagkakuwa’y, marahan ang ginawa nitong paghakbang palapit sa kanyang mga kapatid at kay Stephanie. Manaka-naka’y sinusulyapan siya nito. Hindi naman nawawala ang ngiti sa mga labi niya, kahit ang

