Agad na sinalubong si Leandro ng kanyang secretary na si Diane pagdating niya sa opisina ng umagang iyon. “Sir, you have guest,” agad na imporma nito. Hindi ito makatingin ng deretso sa kanya. “How many times have I told you not to let anyone in inside my office without an appointment?” ang dumadagundong na tanong niya dito. Nagyuko naman ito ng ulo. “I’m so sorry, Sir.” Hinging-paumanhin nito. “But, your ex-wife said she already have an appointment with you,” anito. Mas lalo lang dumilim ang mukha niya sa sinabi nitong iyon. Wala silang ganoong usapan ni Stephanie. At pinag-iisipan pa rin niya ang napag-usapan nila ng mga bata, dahil hindi naman ganoon kadali ang hinihiling nito. Kunot-noong napailing na lang siya. Walang imik na tumuloy siya sa loob ng kanyang opisina. Pagpasok niy

