Makatapos maghapunan, pinaderetso ni Leandro ang mga bata sa kanyang opisina. Doon niya gustong kausapin ang mga ito. Gusto sana niyang naroroon din si Nanay Mercy para may kasama siya sa pagpapaliwanag sa mga ito, ngunit mas pinili niyang harapin sila ng nag-iisa. Mas maigi sigurong sila-sila lang mag-aama para mas maunawaan niya ang magiging reaksyon ng mga ito. Baka rin mahiyang magsalita ang mga ito kapag naroroon si Nanay Mercy. Kanya-kanyang upo ang mga ito sa upuang nasa harapan ng mesa niya. Tumikhim muna siya bago tiningnan ang mga ito isa-isa. “I wanted to talk to you guys, because there’s someone who wanted to see you,” umpisa niya. Nagkatinginan ang tatlo, pagkakuwa’y unang nagtanong si Enrico. “Sino Dad?” Sunod-sunod na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago ito sina

