Nang sumapit ang hapon, sinundo ni Leandro ang kanyang mga anak. Pagkasakay ng mga ito sa kotse ay agad niyang iniabot kina Jacob at Alejandro ang bagong biling cellphone. Tuwang-tuwa namang nagpasalamat sa kanya ang dalawa. Mabilis na nagpaturo si Jacob sa kanyang Kuya Alejandro sa paggamit noon. At hindi rin naman nagtagal ay nagamay din agad nito iyon. Napailing na lang si Leandro habang pinagmamasdan ang dalawa sa likuran. Maya-maya nakita niya sa rear view mirror na may hinugot si Jacob sa bag nito. Isa iyong papel. Masusi nitong isinulat sa telepono nito ang nakalagay doon pagkatapos ay nakita niyang nag-dial ito. Nakangiti pa ito habang hinihintay na sumagot ang tinatawagan. “Ate Ikay!” malakas na sabi nito na ikinalingon nina Enrico at Alejandro dito. Siya man ay biglang napatuw

