Chapter 41

1775 Words

Kinabukasan maagang gumising si Leandro. Sinadya niya talaga iyon para makasabay sa agahan ang mga anak. May pasok na rin ang mga ito kaya maaga rin silang gumigising. May bago na ring yaya si Jacob at wala pa naman siyang naririnig na reklamo mula dito. So far so good. Behave na behave na si Jacob. Hindi talaga niya alam kung paanong diskarte ang ginawa dito ni Chesca at kahit sa pagpasok ay ganadong-ganado ito. Nasa kalagitnaan na sila ng pag-aagahan ng magsalita si Jacob. “Daddy…” tawag nito sa kanya. Ngumiti siya dito. “Yes?” tanong niya dito. Isa-isa muna nitong tiningnan ang mga kapatid bago nagsalita. “Can you buy me a phone? ‘Yong may sim card, ‘yong pwede ipantawag,” sunod-sunod na sabi nito. Nagsalubong naman ang mga kilay niya sa sinabi nito. “Why? Saan mo naman gagamitin?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD