Nanlaki ang mga matang napatitig si Francesca dito. “Are you insane!?” may kataasan ang boses na wika niya. Napalingon pa sa kanila ang mga nasa katabing table. Pero bago pa makasagot si Renz dumating na ang waiter dala ang in-order nitong pagkain nila. Maingat naman iyong inilipag ng waiter sa table. Nagpasalamat naman dito si Renz bago sila iniwan. “I am not insane,” sagot nito habang hinihiwa ang steak sa plato niya. Kung sa iba sigurong pagkakataon baka sakaling magustuhan niya ito. Nakikita niya kasing may mabuting puso din ito. He was also gentle and kind. Pero hindi naman natuturuan ang puso, because her heart was already beating for someone. Tumitibok lang ito para kay Leandro. But, seeing him today with another woman really breaks her heart. Alam niyang wala naman siyang a

