Biglang tumalim ang mga mata niya ng makita ito. Kaagad siyang sumakay sa elevator na naghihintay sa kanya. “Francesca! Wait!” wika nito at malalaki ang mga hakbang na lumapit sa kanya. Hindi niya ito pinansin. Mariin niyang pinindot ang close button ng elevator. Kaagad naman nitong iniharang ang katawan sa papasarang pintuan noon. “Whoah! That was so closed,” saad nito ng makasakay sa loob. Hindi siya umimik, nor bothered herself to look at him. Hindi niya ito gustong makita. Kung pwede nga lang huwag niya na itong makita kahit kailan ginawa na niya. Marinig pa nga lang ang pangalan nito kumukulo na ang dugo niya, ang makita pa kaya ito? At dito pa talaga mismo sa opisina! Sino kayang nagsabi dito na naroroon siya? “You already knew everything, didn’t you?” tanong nito makalipas ang

