“Sir?” untag ni Ikay sa kanyang pag-iisip. Hinagod ni Leandro ang batok ng isang kamay, bago ito sinulyupan. “Sorry about that. I was just thinking of what should I do with my children,” sabi niya dito. “Siguro, Sir, kailangan unti-untiin n’yo muna. Sabi nga nila, take it slow. Kagaya na lang po ng ipinapakipag-usap sa inyo ni Jacob, why don’t you start with that?” anito. Napakunot-noo si Leandro sa narinig. Parang ibang Ikay ang kaharap niya ngayon. Hindi naman nakakapagtaka na nakakapag-english ito dah nag-aaral ito, pero kakapansin-pansin kasi ang accent nito. Para bang sanay na sanay ito na nagsasalita ng ganoon. Lumikot naman ang mga mata ni Chesca. Nawala na naman sa isip niya kung sino ang kaharap niya at kung ano siya sa pamamahay na ito. Mukhang dahil sa kapabayaan niya mai

