Chapter 36

1684 Words

Hindi na sumama pa si Chesca pabalik ng ospital. Hindi na rin naman siya pinayagan pa ni Leandro. Pagkatapos nilang mag-usap ni Leandro, mabilis niyang tinawagan si Yaya Lomeng at ito na muna ang pinagbantay niya sa kanyang ama. Sinabi niya ditong may aasikasuhin lang siya. Hindi naman na ito nagtanong pa. Nang matapos silang mag-usap ay inayos na niya ang kanyang mga gamit. Hindi talaga siya sumama dahil gusto niyang makasama si Jacob ngayong gabi. Alam niyang ito ang unang-unang malulungkot kapag sinabi niya dito ang totoo. Nagpatulong siya kay Ana na magluto ng espesyal na hapunan. Nagtaka naman ito at si Caren. Panay ang tanong ng mga ito pero hindi niya sinagot isa man sa mga iyon. Nanatiling tikom ang kanyang bibig. Pagsapit ng gabi masaya silang naghapunan. Nagpaalam siya kay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD