Wala pang isang oras ang ipinaghintay niya ay dumating na rin ang isang lalaking halos kasing-edad ng kanyang ama. Nakasuot ito ng ternong gray na suit at nakasuot ng itim na salamin. Sa kanang kamay nito ay hawak-hawak ang isang attache case. Hindi pa niya ito nakikilala kahit kailan dahil hindi naman siya noon interesado sa mga nagiging bisita ng kanyang ama sa kanila. “Good morning, Atty. Jacinto.” Bati niya dito at pinatuloy ito sa loob. Dumeretso sila sa library ng ama upang doon mag-usap. Nagpahanda na rin siya ng maiinom doon kay Elsa. “Good Morning din, Miss Quijano. Alam kong hindi mo pa ako nakikilala, but I knew you because of your Dad. By the way, matagal na kaming magkaibigan ng tatay mo,”nakangiting sabi nito sa kanya. Nginitian naman niya ito kasabay ng pagtango. “Please

