Chapter 29

1949 Words

“Ate, Ikay! Ate, Ikay!” ang humahangos na tawag sa kanya ni Jacob. Hindi pa yata sumisikat ang araw sa silangan ng mga sandaling iyon. Nakabalik na sila sa mansyon galing sa bakasyon at dahil hindi pa tapos ang sembreak, nasa bahay lang lagi ang magkakapatid at hindi lumalabas. Kaagad na binuksan ni Chesca ang pintuan ng kwarto nila ni Nanay Mercy. “May problema ba Jacob?” tanong niya rito sa inaantok na tinig kasabay ng paghihikab. “Ate Ikay…” ang humihikbi ng sabi nito pagkakita sa kanya. Nawala naman bigla ang kanyang antok. “Bakit? Anong nangyari?” nag-aalalang tanong niya. “Ate Ikay… Finn was missing,” anito at tuluyan ng umiyak. Ang tinutukoy nito ay ang alaga nitong aso. “Ano!? Paanong nangyari iyon?” “I-I… I... don’t know… Pagdating ko sa house niya wala na siya doon…”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD