Kinagabihan ng makatapos silang maghapunan, nagkayayaan ang mga bata na maglaro ng spin the bottle sa harap ng fire place. Inaya din ng mga ito sina Ana, Caren at Roy. Habang nagkakasiyahan doon ay masaya naman silang pinanonood nina Manong Fred, Nanay Mercy at Leandro na nagkakape. Nakailang ikot na ang bote pero hindi pa rin iyon napapatapat kay Francesca. “Ate Ikay you were the only one who haven’t picked by the bottle,” Jacob said complaining. Nakanguso ito sa kanya. Natawa naman siya. Kakatapos lang kasi nitong gumawa ng parusa at pinasayaw ito ng mga kapatid. Tawa siya ng tawa habang pinanonood ito. Para kasi itong tuod na gumegewang-gewang. “Hindi ko iyon kasalanan. Sisihin mo ang bote,” nakangiting sagot niya dito. “Alright,” anito sabay hinga ng malalim. “I’ll asked this

