Nakaupo ito sa gilid ng kama at humahagikgik pa. Talagang siyang-siya ito sa kalokohang ginawa. Nilapitan niya ito at tinitigan sa mga mata. “Akala ko ba may truce na tayo kagabi?” tanong niya rito. Pinipigilan niya ang sariling huwag kumawala ang inis na nararamdaman. Umiling si Jacob. “We haven’t been trying it, so the deal was not yet sealed,” ang napakatalinong sagot nito at binigyan siya ng nakakalokong ngiti. Ngunit hindi siya papatalo dito, “Pero kung ipagpapatuloy mo ang mga kalokohan mo sa akin, hindi talaga natin gagawin iyon,” makahulugang sabi niya. Bigla naman itong napaisip habang nakatingin sa kanya. Sinusukat nito kung totoo ang sinasabi niya. At nakipagtitigan naman siya dito. Nang masiguro nitong hindi siya nagbibiro, ito na ang unang nagbawi ng tingin. “Fine!”

