Kabanata 1; Met Harvick Pausini
Mataas na ang sikat ng araw ng mapagdesesyunan ni Veron na Lumabas ng silid pagkatapos maligo. Naabutan niya ang kanyang ama sa salas. May mga kausap itu na hinde niya naman kilala kung sino. Nang siguro mapansin ang presenya siya niya sa likuran matalim na tingin ang dumapo sa pwesto niya.
Iyun ay ang Kanyang ama.
Bumalik pansamantala ang tingin nito sa mga kausap at ibinalik ulit sa kanya. Yung kaninang mukhang nakakakilabot nung nasa kwarto siya nito ay ibang iba sa awra nito ngayun. Siguro dahil lang sa may bisita ito, pagkatapos babalik nanaman sa dati.
Pinilit niyang ngumiti sa mga bisita nang bumaling ang tingin nang mga ito sa kanya.
"Ija, come here." Tawag sa kanya ng kanyang ama.
Matalim na tingin ang ipinukol nito sa kanya ng hinde siya gumalaw sa kinatatayuan, at nang maalala ang bisita nito ay siya naman ang dahan dahan niyang pag hakbang palapit dito.
Huminga nang malalim at mag kunwaring parang walang nangyari kanina lang. "Hi dad." Pinipilit niyang palapadin ang ngiti ngunit nabibigo siya. Hinde kinakaya ng mga labi niya lalo nat pag naaalala niya ang pananakit nito sa kanya kanina. Mabuti nalang at naisipan niyang lagyan ng ointment ang pamamaga ng pisnge niya dahil sigurado siyang mag iiwan iyun ng marka ka pag hindi niya nilagyan.
"Harvey, This is my daughter Veronique." Hinde niya maiwasang ialis ang tingin sa ama ng ngumiti itu sa mga bisita niya. Ngiting ni minsan hinde ibinigay sa kanya. Minsan na isip niya anak ba talaga siya ng taong to?
"Ow. What a beautiful lady" Puri nito na ikinangiwi niya.
Mag papasalamat ba siya?
"Hello po." Bati niya. Hindi niya pinansin
ang sinabi nito.
Ngumiti si Harvey daw at bumaling ang tingin sa lalaking ngayun niya lang napansin. Presente itung nakaupo sa isahang sofa habang may mapanuring tingin sa kanya.
He's so handsome.
Ang makapal nitong kilay na bumagay sa kulay asul niyang mga mata at ang matangos nitong ilong isama na ang labi nitong ma pula-pula at parang nang aakit.
Ngayun niya lang itu napansin. Is he the one of the visitors? Of course yes! Baka kasosyuso din sa negosyu ng kanyang ama.
"He's my son" Ani ni Harvey na sumagot sa katanongan sa isip niya. "Harvick Pausini." Sa huling salitang binitawan nito ay siya namang paninigas niya sa kinauupuan.
Tinapunan niya ng tingin ang matandang nasa harap kung nag sasabi ba itu ng totoo o nag bibiro lang.
"He's gonna be your husband if you agree with the contract. " Turan pa nito.
Siya pala yung sinasabi nang tatay niya. Si Harvick Pausini. Ngayun niya lang itu nakita dahil pangalan lang ang bukang bibig ng tatay niya sa kanya. He's handsome. Peru kahit ga ano pa itu ka gwapo hindeng hinde siya papayag na matali dito. Hinde niya pepermahan yung kontrata kung patigasan lang ng ulo ang pag uusapan. Buo na ang desesyun niya. Sarili muna bago ang iba.
"Son." Pag tawag ng lalaki sa anak. " She's Veronique Lopez. Greet her" Sa halip na batiin siya ay tumayo lang itu at walang pasabing lumabas ng bahay. Bastos!
" I'm sorry.. " pag Hingi ng paumanhin Ng matanda sa harap niya. "Hinde lang iyun sanay." Dugtong pa nito na tinanguan lang ng kanyang ama.
Ang kasama namang dalawang lalaki nito ay tahimik lang na nakaupo sa tabi, sigurado din namang nakikinig sa usapan. Nasaan naman kaya ang Ina niya at bakit wala sa loob ng bahay.
Pagkatapos ng usapang hinde niya maintidihan nag paalam na ang mga itu dahil may meeting pa daw silang pupuntahan. Naiwan silang dalawa ng kanyang ama. Hinde na siya komportableng pakisamahan itu gaya ng dati.
Tumayo siya sa pagkakaupo at walang lingon na tinahak yung kusina. Nagluluto si Manang at ang iba namang katulong ay may kanya kanyang gawain.
"Magandang umaga ija." Manang greet her With a simple smile on her lips. She greet her back pagkatapos ay umupo sa hapag kung saan may nakahandang mga pagkain.
"Where's Mommy?" Tanong niya. kanina pa hinahanap ng kaniyang mga mata ang ina ngunit hindi niya ito makita.
"Ah, yung mommy mo. Kinuha ng matalik niyang kaibigan dito kanina. Yung asawa ni harvey." Paliwanag nito sa kanya.
So, ma talik na mag kaibigan pala ang mommy niya at ang mommy ni harvick. Bakit hindi niya alam?
"Nga pala, Umalis na ba sila?" Kalaunay tanong ni manang habang nagsasalin ng kape sa baso niya.
"Umalis na po, may meeting pa daw sila." Sagot niya.
"Akala ko mamaya pa, na ka pag handa na ako ng agahan baka sakaling dito na sila kumain. " Mahinang natawa ang matanda sa sariling tinuran.
"'di bale, sumabay nalang po kayong kumain para hindi masayang yung iba" Pag aya niya sa matanda while sipping her coffee. Tumango nalang si manang at hinde na nagsalita pa, siya naman ay mabilis na inubos ang pagkain sa plato niya. Saktong sakto pagkatapos niya ay siya namang pagpasok ng kanyang ama.
Nang magtagpu ang tingin nilang dalawa siya na ang unang umiwas. Tumayo siya sa pagkakaupo at lumabas ng kusina. Naisipan niyang tawagan si Sandra para malibang naman siya, total hinde siya pinapayagang lumabas ng ama niya ng walang kasamang bodyguard.
"Ow. Hi Nique." Bati sa kanya ng nasa kabilang linya. "How are you?"
" Ayus lang. " Sagot niya sa kaibigan na pawang kasinungalingan.
Walang alam ang kaibigan niya sa nangyayari sa buhay niya. Hanggat maaari hinde niya muna ikwekwento dito lahat. Total hinde naman siya magpapakasal sa lalaki.
"Mabuti naman, Pwede ka bang lumabas ngayun? bonding bonding. " Sinabayan pa nito ng munting halakhak ang huling sinabi. Pinag isipan niya muna ang isasagot sa kaibigan. Alam niya sa sarili niya na hinde siya pwedeng lumabas ng bahay ng walang pahintulot sa ama. Kung magpapaalam siya dito sigurado namang may tatawagan itung tauhan para magbantay sa kanya at kung tatakas naman siya, Saan siya dadaan? Matataas Na pader ang pumapalibot sa bahay nila siguradong hinde siya makakaakyat para lang makatakas.
Bwisit na buhay! swerte siya at nabuhay siya sa mundo peru napaka malas niya sa Ama. Na pa ka strikto.
Bago pa niya tuluyang masagot ang tanong ng kaibigan sunod sunod na katok na ang narinig niya mula sa labas ng kwarto niya. Pinatay niya ang tawag ng hinde nag papaalam sa kaibigan. Sigurado namang maiintindihan iyun ni Sandra. Alam nitong mahigpit kay Veronique ang Ama.
"Bakit po manang?" Tanong niya sa mayordoma ng itu ang mabungaran niya pag ka bukas ng pinto.
"Pinapatawag ka ni Harold, Nag aantay din sayo sa baba yung bisita mo." Sagot nito.
Bisita? Sinong bisita? Wala siyang ideyang may pupunta dito para bisitahin siya. Kung si Sandra man iyun ay siguradong sasabihin iyon sa kanya ng kaibigan at tatawagan siya para ipaalam dito na dadalaw ito.
Sino naman kaya yung bisitang tinutukoy ni manang?
Gusto niyang itanong kung sinong bisita ang tinutukoy niya ngunit ng makita ang Ama na papalit sa kinaroroonan nila ay tinikom niya nalang ang bibig.
"Go downstairs. Harvick is waiting you there." Walang emosyon ang mukha nito.
hindi hinintay ni harold ang sagot ng anak at mabilis na tinalikuran ang dalawa.
Harvick? Ano bang kaylangan sa kanya ng lalaking iyun? Hinde bat kauuwi lang nila? At seriously? Pinuntahan lang talaga siya ng tatay niya para ipaalam na nasa baba si Harvick at nag aantay sa kanya?
Gusto niyang matawa peru naisip niya si manang sa tabi niya. That old man. Kung si Harvick yung tinutukoy na bisita ni manang, natatakot siguro yung tatay niya na baka hinde siya makumbinsi ni manang kaya itu na ang nag kusang pumunta sa silid niya. Tsk.
"Susunod po ako." Pagkausap niya sa matandang walang imik sa tabi niya.
Ngumiti naman itu at hinawakan ang kamay. "Bilisan mo, kilala mo naman yang tatay mo. " Paalala nito na ikinatango niya.
kapag nagtagal siya sa loob ng kwarto niya siguradong babalik iyun at pipilitin siyang bumaba hanggang sa sumuko siya.
Nang mawala sa panigin niya si Manang ay siya naman ang pagpasok niya ulit sa loob ng kanyang silid. Inayos niya muna ang magulong buhok bago lumabas ng kwarto at bumaba.