"You didn't bother to wake me up huh?" Pag kausap sa kanya ng binata.
Nahinto sa pag tipa si Veronique. Hindi niya alam kung ano sasabihin niya. Parang gusto niya nalang mag palamon sa lupa dahil sa sobrang kahihiyan.
wala na talaga siyang mukhang ihaharap pa sa lalaki.
"U-uh.. May gagawin pa k-kase ako, uhm.. M-makakaalis kana." Pag tataboy niya dito. Hindi niya manlang ito tinaponan ng tingin.
Nanginginig ang mga kamay na pinag patuloy niyang muli ang pag tipa sa laptop niya.
Ayaw niyang mag bukas ng usapan about last night, mas lalo lang kinakain ng kahihiyan ang buong pagkatao niya.
Bakit ba kase hindi nalang siya umalis?
"Veronique" Tawag nito.
Para namang may nag uunahang kabayo sa dibdib niya dahil sa sobrang lakas ng kabog nito.
Matabang niyang hinarap ang lalaki. "It's just a mistake, Lasing lang ako n'on, hindi big deal sakin 'yun. Let's just forget about what happened last night. Ibaon nalang natin 'yun sa limot.. P-pinag sisisihan ko 'yun." Halos pumiyok pa siya sa huling salitang binitawan.
big deal 'yun sa kanya. sa tagal niyang iningatan ang p********e niya tapos mapupunta lang sa taong hindi niya naman kilala at mas lalong hinde niya mahal. Wala nang natira para sa kaniya dahil lang sa isang gabing pag kakamali.
"It was your first time to having s*x, kaya imposibleng hindi big deal sayo 'yun—
"one night stand lang 'yun." Mabilis niyang pag putol sa iba pa nitong sasabihin.
Gusto na niyang taposin ang usapan. Baka kapag tumagal pa ay bumigay na ang sarili niya sa emosyong nararamdaman.
Tumango tango naman ito bago tumalikod at lumabas ng silid. Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Veronique ng mawala sa paningin niya si Harvick. Pinag patuloy niya ang dating ginagawa kahit hindi naman doon naka Focus ang buong atensyon niya.
Bakit pa ba kaylangang humantong sa ganito?
Mariin siyang napasabunot sa sariling buhok ng biglang pumasok sa isip niya lahat ng senaryong nangyari ng gabing magkasama silang dalawa.
"It's all my fault.." Mahinang bulong niya. Hinilamos niya ang sariling mga palad sa mukha papunta sa batok niya. Mariin siya pumikit.
"Why he didn't stop me from doing that thing? siya yung hindi lasing kaya dapat hindi niya hinayaan mangyari 'yun. He seems to take advantage of my situation in that time. He has a girlfriend yet so he should not let that thing happen between us." Mahinang usal niya.
Paano pag nalaman ng girlfriend niya ang nangyari sa kanilang dalawa ng binata? Hindi na niya alam pa ang gagawin. Mas makabubuti nalang na iwasan niya ang binata sa tuwing mag kikita sila, aalis na din naman siya at sinisiguro niyang hindi na siya mag papakita ulit sa lalaki.
"VERONIQUE? Ano ba? tutunganga ka nalang ba?! What's happening to you?"
Mabilis niyang binalingan ng tingin ang kaibigang nasa tabi.
Kinausap niya ito kanina na puntahan siya sa bahay nila kaya nandito sila ngayon sa kwarto niya. Kanina pa lumilipad ang isip niya at hindi manlang napansin ang kaibigang kanina pa din palang tinatawag ang atensyon niya.
siguro na iinip na ito ngayon sa kanya dahil hindi niya manlang ito makausap ng matino.
"Pasensya na.. Ano nga ulit 'yun?" kalaunay tanong niya ng bumalik sa dati ang pag iisip niya.
Napairap naman ang kaibigan. " Seriously?? Kanina pa 'ko salita ng salita dito hindi ka naman pala nakikinig." Bulyaw nito sa kanya.
Umayos ng upo si sandra tsaka pinag cross ang mga braso sa dibdib.
"Ang lalim ng iniisip mo, mind to share?" Tanong nito sa kanya. bahagya pang nakataas ang kabilang kilay nito.
Humugot naman siya nang malalim na buntong hininga bago sinalubong ang tingin ng kaibigan.
Ano nalang ang sasabihin ng kaibigan niya sa kanya kapag sinabi niya kung ano ang bumabagabag sa isip niya. Baka isipin nito na kaya siya nawala kagabi sa bar ay dahil may kinasama siyang lalaki at nakipag one night stand pa. Baka pag tawanan pa siya nito.
Hindi na niya alam pa ang gagawin, mababaliw na siya kakaisip.
"wala 'to.." sabi niya nalang tsaka nag iwas ng tingin sa kaibigan. Baka mahulaan pa nito na walang katotohanan ang sinabi niya kapag nakipag titigan pa siya sa mga titig nito.
"Kilala kita veron, once na may problema ka hindi ka talaga mapakali, na wawala ka nalang bigla sa sarili mo na parang ang lalim ng iniisip mo." Saad nito.
sa tinagal tagal na pag sasama nilang dalawa talagang kilala na nito lahat ng kilos at galaw niya. Alam na alam din nito lahat sa kanya, wala siyang tinatagong sekreto.
Pero sa ngayon, hindi niya alam kung kaya niya bang isatinig lahat ng problema niya.
"Veron.. Kung ayaw mong sabihin sakin ayos lang, na iintindihan kita. Pero kung hindi mo na kayang dibdibin, free to cry on my shoulder habang sinasabi mo lahat sakin. i won't force you to tell me about your problems.Basta nandito lang ako palagi handang makinig sa ka-dramahan mo sa buhay." Pag papagaan ng loob nito sa Kanya.
Hindi niya namalayan ang luhang kumawala sa mga mata niya.
"Wala akong ginawa ah, ba't umiiyak ka?" biro nito.
imbis na sagotin ang tanong ng kaibigan, mahigpit na yakap ang iginawad niya dito.
Napaka swerte niya at may kaibigan siyang kagaya ni sandra. Kahit minsan hindi matinong kausap dadamayan ka talaga sa lahat.
"Thank you Dra." Garalgal ang boses na pasalamat niya sa kaibigan.
Dumapo ang kamay ni sandra sa likod niya tsaka mahinang tinapik tapik.
"Don't mention it.. Aasarin pa kita." Natatawang saad nito.
Kumalas siya sa yakap saka pinalo ang kaibigan sa braso. Pinahid niya ang basang pisnge gamit ang dalawang mga kamay.
"Gàgö ka talaga."
Natawa nalang ang kaibigan sa tinuran niya. Kahit papaano gumaan ang loob niya. At pasalamat siya kay sandra na hindi umaalis sa tabi niya.
"By the way,Why you didn't tell me na may bisita pala kayong makalaglag panty ang dating? Ide sana na ka pag retouch ako kahit papa'no." Ngumuso si sandra.
Siya naman ay mas nangunot ang nuo.
wala ba silang balak umuwi?
"You mean—
"Ang gwapo, Kaso lang mukhang masungit."
Ipinilig niya ang ulo at hindi nalang nag salita pa.
Ano bang pinag uusapan nila sa baba at ilang oras ang tinagal? Siguro tungkol nanaman iyun sa kasal na pinag pla-planohan nila.
Tumahimik ang kaibigan sa gilid pero pansin naman ang pag pipigil nito ng ngiti. Siguradong na love at first sight nanaman ito sa binata, hindi na mag tataka si Veronique kung mangyari man 'yun. Aaminin niya 'rin naman na Gwapo ang binata bukod sa gwapo may dating din ito.