G'morning. Today is Saturday. Naghahanda ako ngayon dahil sasamahan ko si Nanay sa pag-lalako sa bayan.
Si Maureen naman ay pagka-gising lang ay nag-paalam na agad na umuwi dahil may emergency daw sa bahay nila. Kung ano man 'yon sana malutasan nila.
"Anak, kumain ka na muna rito." Rinig ko pag-tatawag ni Mama sa baba kaya agad akong humarap sa salamin at nag-bigay ng malaking ngiti bago bumaba. Hotdog, egg, pritong talong and fried rice ang nakahain sa baba.
"Nay, ba't andami naman po ata neto?" Nag-tataka akong tumingin kay Nanay.
"Niluto 'yan ni Maureen. Napakabait talaga ng kaibigan mong 'yon ano?" Napangiti naman ako. Yes, i'm so lucky to have her talaga perfect s'yang maging friend 'pag naging lalake lang ako tiyak na liligawan ko talaga sya, she's very girlfriend material. 'Yon lang may pag-kamabunganga lang talaga. I chuckled before i started eating my breakfast.
"Onti lang ang ititinda ko ngayon dahil matumal ang lako ng supplier ko" Ani ni Mama. Lahat kasi ng paninda namen ay binibili din ni Mama sa mas murang presyo.
Mabilis ko namang tinapos ang pag-kain at tumayo na para tumungo kami ni Mama sa bayan kong saan kami nagbebenta. Nasa kanto pa lang kami ay madidinig na ang ingay galing sa palengke. Sanayan lang 'yan laking palengke ako kaya nasanay na tenga ko sa mga ingay.
"TIN!" Tawag saken ng katabi namen sa pwesto at kinawayan ako kaya kumaway na din ako bilang pag galang. Alangan naman makipag plastikan ako, bad kaya 'yon. Hindi tulad ng mga ibang tindera dito nagpaplastikan kapag nakalikod naman na yung isa pag uusapan na at sisiraan. Gosh mga tao nga naman ngayon ang hihilig manira hindi na lang nila suportahan ang kapwa nila sa pag- angat.
Naka-yuko ako at busy sa pag-arrange ng mga paninda ng may itim na sapatos sa harapan ko ang tumigil.
"Ah sandali la— CRAED?!" nanlaki ang mga mata ko ng nakita si Craed sa harapan ko. Nakasuot sya ng itim na T-shirt at itim na Denim Pants. All black ang nais ni Koya mo.
"Ba't ka naman napadpad ka dito?" Tanong ko. Diba kasi mayaman s'ya baka 'di s'ya sanay sa mga gan'tong lugar.
"I just want to visit you" tignan mo 'tong lalakeng 'to, ineglish pa ako. Jusko!
"Sana inantay mo na lang sa Lunes mag-kikita rin naman tayo" sabi ko.
"Oh Hijo!" Napatingin kami kay Mama na kakatapos lang makipag usap sa katabing tindera din.
"Good morning, Tita" bati ni Craed.
"Jusko Hijo! Sanay ka naman ba sa gan'tong lugar?" See? Pati si Mama nag- aalala rin. Nakita ko naman ang pag-tango ni Craed na sinasabing sanay sya.
"Can i help po Tita?" Nanlaki ang mata ko na mapa-tingin kay Craed. Ano ba tinira neto ng gusto pa atang i-try ang pag- titinda.
"Ha? Ano sige d'yan ka sa tabi ni Tin" agad naman s'yang lumapit sa'kin para mag-tinda. Nakita ko mga tao na naka-tingin saamin i mean kay Craed. Gosh!
Ilang minuto pa lang ang lumipas ay halos ubos na paninda, pa'no ba naman si Craed na mala greek god ang kagwapuhan ang nag-titinda halos wala na nga kaming gawin ni Mama dahil sya na gumagawa ng lahat.
"Hoy Craed? Gutom ka na ba? Gusto mo ng makakain?" Nakakahiya naman kasi pawis na pawis si fafa!
"Nah, i'm okay." K. Edi ikaw na.
Na ubos ang paninda namin dahil din sa kan'ya kaya ito kami ngayon nag-liligpit na. Bigla namang tumingin saken si Craed na parang may gustong sabihin.
"Ano 'yon? Feeling ko may gusto kang sabihin" di ko na napigilan at ako na mismo nag- umpisa ng pag-uusap. I heard him sighed bago mag-salita.
"Can i invite you to my house? Promise wala akong gagawing masama. I just want to spend my weekends kasama ka." Napatingin naman ako sa kan'ya sa gulat. I mean yeah wala namang kaso pero nambibigla naman 'to.
"And nasabi ko na kay Tita she said say oo . I'm just waiting you to agree, ano g?" WOW! San naman neto natutunan ang salitang 'G' angas naman nito. New word!
Sa huli pumayag naman ako at isa pa andoon naman si Lolo Leo kaya no worries.
Nakarating kami sa bahay nila ay medyo nahihiya ako. Feeling ko kasi hindi ko talaga deserve pumasok sa mga gan'tong magagarang bahay.
"Feel at home" bigla naman sya nag-salita sa likod ko. Tumingin ako sa kanya at nag-tanong,
"Ano gagawin natin dito?"
"Eat, nood ng movie. Kahit ano kong anong gusto mo"
"Ano ba pag-kain n'yo dito?" Tanong ko. Nakakaramdam nadin kasi ako ng gutom.
"Madami sa ref. Tara." Sumunod naman ako papunta sa kitchen nila, tama nga siya madaming pag-kain sa ref nila.
"By the way nasaan pala si Lolo Leo?" Pansin ko kasi wala siya simula ng dumating kami.
"Baka nag-papahinga sa room n'ya" parang walang ganang sabi niya.
Buong araw kaming nanood minsan ay nag-kukulitan din kami. May makulit side din naman pala 'tong si Craed tinatago pa e. Komportable na agad ako mabait naman pala kasi siya at hindi masungit.
"May i********: kaba?" Tanong ko.
"None." Yun lang, matipid siya sumagot.
"Gumawa ka tapos follow mo ako" demanding na sabi ko. Umayos naman s'ya ng upo at ini-abot saakin ang cellphone nya.
"Gawan mo 'ko"
Napatingin naman ako sa kanya. Seryoso ba ‘to? Marunong naman siguro siyang mag-basa kayang- kaya niya diba?
Kinuha ko ang cellphone niya at sinimulang gawan siya ng ig account. Nang makagawa na ako ay sinimulan ko ng i-follow ang sarili ko hehe! Syempre dagdag likers din ‘to.
“Oh! Tapos na d'yan active mga kabataan ngayon kaya dapat simulan mo na din para hindi ka naman na huhuli” pag-liliwanag ko sa kaniya napatango naman siya at tinignan ang mga notifications. Napatirik ang mata ko ng nakitang andami agad niyang followers. Iba talaga kapag famous ‘no?
Nung medyo nag-didilim na ay dinig na din ang malakas na ulan sa labas. Hala! Paano ako neto uuwi. Napatingin ako sa cellphone ko ng umilaw ‘yon. Nag-text si Mama huhuness.
Mother earth:
‘ anak wag u muna umuwi lkas ulan bka mapanu p kau s daan ‘
Si Mama talaga jejemon typings buti na lang naiintindihan ko ng hindi nagdudugo ilong ko.
Tin:
‘ ingat ka po d’yan, Mama. Mag-iingat din po ako dito ‘
Napatingin naman ako kay Craed pagtapos kong isent ang text kay Mama.
“Nagtext si Mama ano uhm ano daw” shet parang nakakahiya naman sabihin na dito ako matutulog.
“Yeah, i know. Nagtext din saakin ang Mom mo.” Sabay pakita ng cellphone niya. Napanguso naman ako kelan pa nila nakuha ang number ng isa’t isa hmp. Samantalang ako hindi nga alam number niya makuha nga kay Mama.
Napatango nalang ako bilang sagot sa kan'ya. Awkward parang gusto ko na lang palamon sa kan'ya ror!
“Kumain na muna kayo dito” napatingin ako sa gulat ng biglang sumulpot si Lolo Leo sa gilid namin.
“Lolo!” Sa gulat ko ay napasigaw ako. Nakita ko namang nanlaki ang mga mata ni Lolo dahil sa pag-sigaw ko.
“Miss mo ba ako?” Nakangiti akong napatango tango nakita ko naman ang pag ngisi niya at tingin kay Craed. Napabaling na din tuloy ang mga tingin ko kay Craed na masama ang tingin kay Lolo.
Mag-kagalit ba sila? Hala.
Sumunod na kami kay Lolo Leo sa kusina para makakain. May adobo, sinigang, at fried chicken. Feeling ko ibibitay ako pagtapos kong kainin ang mga ‘to,
“May bagyo pala ngayon, Signal number 1 na dito” napatingin ako kay Lolo Leo habang sumusubo ng pagkain.
“May mga extra room naman dito, Tin. Dito ka na lang matulog” dagdag pa ni Lolo. Napatango naman ako dahil sinabi na rin naman ni Mama ‘yon.
“Opo Lolo, sinabi na din po ni Mama. Baka po kasi mapano daw po kami kapag uuwi pa.” Napatingin naman ako kay Craed na abala sa pagsubo ng sinigang.
Nang matapos na kami ay si Lolo na daw ang mag huhugas kaya naman itinuro na saakin ni Craed kong saan ako matutulog ngayong gabi.
“Dito, kumpleto na diyan. You can take a shower if you want may mga damit pambabae na din diyan sa closet” nanliit ang mata ko habang nakatingin sa kanya. Bakit may damit pambabae? Hmmm
Tumawa naman siya ng kaonti sabay salita, “Silly! Binili ko mga ‘yan para sayo”
Para saken?! Bakit?!
“A-ah ganun ba he-he” napakamot ako sa ulo ko habang tumatawa ng peke.
“Sige na papasok na ako” sabi ko sabay diretso pasok. Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto. Malinis siya, malawak din ang kama kahit siguro mag gulong gulong ako ay hindi ako mahuhulog. Napadako naman ang tingin ko sa labas na sobrang lakas na hangin at pag ragasa ng ulan, tama nga sila may bagyo nga.
Napa-upo ako sa kama habang kinikibit ang cellphone ko napunta naman ako sa ig account ni Craed. 10k followers na kaagad?! Ako lang ang pinafollow niya aha akala n’yo ha.
Kumunot naman ang noo ko habang napatingin sa ig story niya. Ako! Nung nakaupo ako sa living room nila habang hawak hawak mo ang malaking stuff toy niya.
Jusko! Pano na lang pag nakita ‘to ng mga schoolmates namin baka anong isipin nila.
I sighed bago tumayo at pumasok sa CR maayos din ang CR dito may bathtub may shower at may malaking salamin din. Parang hotel lang!
Naligo na ako dahil feeling ko lagkit na ng katawan ko. Pagtapos nun ay nagkalkal ako sa closet ng damit. Tama nga siya may mga damit pambabae nga kinuha ko ang pajama na may ternong damit. Kulay pink siya kaya siya ang pinili ko hihi.
Hmarap ako sa salamin at sinimulang suklayin ang buhok ko ng biglang nawala ng kuryente
“AAAAAAAAA!!” Napasigaw ako. Takot ako sa dilim. Naluluha akong sumuksok sa pinakagilid habang walang makita dahil sa dilim. Diyos ko gabayan nyo po ako.
Humihikbi na ako habang nag-dadasal sa gilid. Ayoko ng dilim natatakot ako sa dilim. Natigil ako sa pag iyak ng may biglang yumakap saakin .
“Shhh don’t cry, i’m here” si Craed habang nakayakap saakin at pinapatahan ako. Sumubsob naman ako sa dibdib niya habang naluluha pa din. I feel safe dahil sa mga yakap niya. Dinig ko din ang malalakas na t***k sa puso niya. Why?
Naramdaman kong umangat ako sa ere ‘yun pala binuhat ako ni Craed papuntang kama at inihiga. Nang tatayo na siya at hinawakan ko kamay niya, please wag ka munang umalis.
“D-dito ka muna please”
“Alright” naramdaman ko namang umupo siya sa gilid ng kama ko at ako naman ay nakahawak pa din sa mga kamay niya. Ramdam ko ang lamig ng mga kamay ko. Umulan na lang sana kahit hindi na magbrown out ayoko nun jusko po.
“Sleep. Dito lang ako” sabi ni Craed habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga kamay niya.
“A-ayoko pang matulog” bulong ko.
“Yeah? What do you want to do then?” Parang nang aasar pa mga tinig niya.
“W-wala gusto ko munang tumulala habang nag-papaantok.” Ganun kasi talaga ko bago matulog kailangan ko munang tumulala para mag-paantok siguro dati akong siraulo sa past life ko.
“Sige dito lang ako” tumayo naman siya at lumipat sa side ng kama at humiga din. Bakit hindi ako nakakaramdan ng pag kailang? Iba na ata ‘to.
“Kelan birthday mo?” Tanong ko para naman hindi masyadong tahimik.
“I don’t have a birthday” eh? May ganun ba? Siraulo din ng mga jokes neto hmpk.
“Sus, pamisteryoso ka lang kamo.” Sabi ko at tumagilid paharap sa kanya kahit wala akong nakikita ay alam kong nasa tabi ko lang siya.
Napatalon ako sa gulat ng may humawak sa pisngi ko. Si Craed pala.
“You better sleep” sabi niya sabay haplos sa pisngi ko ewan pero parang magic ang paghaplos niya dahil bigla na lang akong inaantok habang hinahaplos niya ang pisngi ko. Naririnig ko din na may mga ibinubuling siyang mga salita kaso masyado na akong inaantok para marinig ang mga ‘yon. Pero isa lang ang tumatak sa isip ko ang mga binitawan niyang salita bago makatulog,
“Sleepwell, My Tin. I will always protect you”