Prologue
Tinsley's P.O.V
"Teka! Saan ka pupunta?"
"Babalik ako," sagot nito bago ako talikuran.
Ngunit bago ito tuluyang makalayo, tumakbo ako papalapit sa kan'ya at niyakap ito mula sa likuran.
"Mangako ka," pahikbi kong sabi mula sa likod niya at dahang dahan namang itong humarap sakin--
"Tin!"
Okay, hindi ko man lang nakita yung mukha nang nasa panaginip ko dahil sa sigaw ni nanay.
"Tin!" sigaw ulit nito.
"Pababa na po!" sagot ko bago tumayo at nag-unat nang mga buto dahil sa pagod kahapon dahil sinamahan ko si nanay mag-tinda sa pwesto nito sa palengke.
"Kanina pa ako sigaw ng sigaw, ngayon ka lang gumising!" sermon nito ng makababa ako.
"Sorry na po, pero dahil sa sigaw niyo hindi ko ulit nakita yung mukha nung lalaking nasa panaginip ko.
"Aba kasalanan ko pa ba iyan? Buti nga ginising pa kita nang hindi ka mahuli sa klase," sunod sunod nitong sermon kala mo rapper.
"Oo na po," sagot ko bago umupo sa hapag at nag-simula nang kumain ng agahan.
Matapos kong kumain agad akong naligo baka talakan na naman ako ni nanay sa bagal kong kumilos.
"Nay, una na po ako!" paalam ko habang nag su-suklay.
"Sige, mag-iingat ka." sabi nito at ina-butan ako ng baon.
"Pag-tapos ng uwian deretsyo sa bahay maliwanag?" dugtong nito.
"Opo!" sagot ko bago humalik sa pisnge nito.
Dalawa lang kasi kami ni nanay sa bahay dahil nasa abroad si papa nag ta-trabaho at hindi rin kami gano'n kamayan kaya sa pam-publikong pa-aralan lang ako nag-aaral. Hindi na bale malapit naman na akong mag-tapos isang taon na lang.
-------
Pag dating ko school may 5 minutes pa bago mag-umpisa ang klase, 2 weeks palang ang nakakalipas bago mag-simula ang school year kaya parang bago ang lahat sa'kin wala rin akong gaanong kaibigan.
Sa limang minuto na 'yon na iguhit ko ang likuran ng lalaking nasa panaginip ko, hindi ko alam pero pakiramdam ko totoo ang panigip ko.
"Good Morning!" bati ng guro namin na ka-karating lang kaya agad kong sinara ang drawing ko.
"Good morning Ms. Santos!" bati naming lahat bago umupo.
"Let me introduce your new classmate," panimula nito. Naka-abang naman kaming lahat, sumenyas si Ms. Santos sa pinto at pumasok ang isang lalaki.
'Woah!' mukha siyang ka-bilang sa God and Goddesses ng mga roma.
"Introduce yourself," sabi ni Ms. Santos sa kanya kaya ang tingin niya ay nasa sa'ming mga classmate niya.
'Wew!' ang lakas ng dating niya yung buhok niya blonde buti pinayagan siya pumasok nang may kulay. Yung mata niya mapupungay na kulay asul, may mahahabang pilik mata, kissable lips tapos ang ganda ng kutis parang anak mayaman ang isang 'to o kaya naman may lahi like american? Blue eyes si kuya e.
Napalunok ako nang bigla 'tong dumeretsyo ang tumingin sa'kin. Eh? Tulo laway ba ako? Na- gwapuhan lang pero hindi ko pa crush.
"I'm Craed from unknown land," pakilala nito kaya nag-tawanan ang iba naming classmate pati rin si ma'am ako lang ata ang hindi, ewan ko ba.
"Joker pala ang new classmate niyo. Okay, take your sit besides to Ms. Cortez."
Dahil sa gulat ko nang banggitin ang apilyedo ko nahulog ang pencil case ko na puno ng lapis na pang-drawing, nag-mamadali akong yumuko para pulutin yun nang bigla na lang may tumulong sa'kin, yung bago naming classmate hindi ko man lang naramdaman na naka-lapit na pala siya.
"S-salamat." utal kong sabi pero ngiti lang ang isinagot nito sakin. Ay! We? Pati ngiti ang ganda sana all. Ako na mukang chanak na lola dahil sa salamin ko. Yes po, nakasalimin ako dahil malabo ang paningin ko.
Matapos kong mapulot ang gamit ko, na i-ilang akong umupo. Bakit naman kasi sakin pa 'to umupo pwede naman doon sa tabi ni Anna sa kabilang side.
"Open your book on page 26," ani ni Ms. Santos. Kaya agad kong kinuha ang libro ko sa bag at binuksan ko ito hanggang sa page 26 at nilagay ko sa gitna namin kaya tinignan niya ako pero hindi ako tumingin pa sa kanya.
"W-we can share, habang wala ka p-pang libro." nahihiyang sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.
"Thanks." bulong nito na nakapag-patayo ng balahibo ko sa batok. Ang husky ng boses niya para bang narinig ko na ang boses niya kaso hindi ko ma-alala kung saan.
Hindi na ako sumagot at iti-nuon na lang ang atensyon ko sa discussion ni Ms. Santos. Matapos ang subject ni Ms. Santos sumunod na ang second subject namin bago ang recess.
'Yes, recess na!'. Agad akong tumayo para lumabas at bumili sa canteen ng lingunin ko siya dahil siya lang ang hindi lumabas pero naka-yuko lang 'to.
Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya para tanungin kung may baon ba 'to? Or sadyang ayaw niya lang mag recess? Ahh! Bahala na.
Ang ending bumili ako ng pag-kain at binilhan ko na rin siya nang katulad sa'kin.
Ito ang unang beses na hindi ako makaka-tambay sa library dahil kailan kong bumalik sa room at ibigay sa kanya 'to.
"Here." na i-ilang na sabi ko at inabot ang biscuits at Yakult sa kanya,
"A-hhm, sorry 'yan lang kinaya ng baon kong pera." nahihiya man pero na sabi ko pa rin yun bago umupo ulit sa tabi niya para damayan siya.
"Thanks," mahina nitong tugon bago simulang buksan ang biscuit na binigay ko.
Hindi ko na siya pinansin habang kumakain at pinag-patuloy ang hindi ko na tapos na drawing, ng bigla na lang itong tumitig sa'kin na para bang pinag-mamasdan ako kong pa'no gumuhit.
Sa sobrang pagka-ilang ko yumuko na lang ako at mas piniling sa bahay ko na lang ituloy ang drawing ko. Nakaka-ilang 'yong mga tingin niya.
"Why did you stop?" biglang tanong nito pero hindi ko siya nilingon at na-natiling tahimik.
"Kasi naka-tingin ka! Na i-ilang ako at hindi ako makapag focus," sagot ko mula sa isip.
"I see." bigla nitong sabi na nag pa-angat ng tingin ko sa kanya.
Na-babasa ba niya ang isip ko? Ay we? Baka praning lang ako.
"Student, Settled down!" biglang sigaw ni Ms. Ferrer dahilan para magulat ako at matabig ang kamay niya.
----------
Natapos ang buong klase ng maayos. Na i-ilang man ako sa katabi ko na intindihan ko naman lahat ng klase namin ngayong araw.
As usual after school umuwi agad ako dahil baka magalit si ina at ma-ratrat ako ng bongga.
Imbes na mag-lakad mas pinili kong tumakbo. Nang nasa hallway na ako ay na-bungo ako sa isang bulto.
"Sorry." pag-hingi ko nang pa-umanhin bago mag-angat ng tingin kung kanino ako na bangga pero naka-talikod ito sa'kin.
'Yong likod niya... Pamilyar sa'kin. OMG! Parang siya 'yong nasa panaginip ko!
"Are you okay?" tanong nito nang makaharap sakin. Si Craed lang pala.
"Oo, sige una na ako." nanlulumong sabi ko bago ulit tumakbo.