"Woahh! Ang ganda ng lugar na 'to." na ma-manghang ani ko at inilibot ang buong paningin ko sa paligid.
"This place... is a paradise." bulong ko sa sarili ko at patuloy na pinag-masdan ang ganda nang lugar.
Malalago ang halaman at bulaklak, may ibat-ibang uri ng bulaklak at may magaganda itong kulay.
"Ahh!" iring ko nang mabungo ako sa isang bulto at mapa-upo sa damuhan.
"Are you okay?" tanong nito at inabot ang kamay sakin para alalayan akong tumayo.
"Salamat," ani ko at nag-angat ng tingin sa lalaking nabangga ko. I can't see his face clearly, tanging ang buhok niya lang na kulay abo.
"I can't see you---"
"Tin!" syempre hindi ko ulit nakita ang mukha niya.
"Andyan na po, nay!" sigaw ko at nag-mamadaling bumaba.
"Bakit ba tanghali ka na kong magising?" sermon uli ni nanay, hindi na ata 'to mawawala sa umaga ang sermon ni nanay.
"Sorry nay," walang gana kong sabi bago mag-simulang kumain.
"Nay..." pag tawag ko sa gitna ng pag kain ko.
"Problema mo?" tanong nito habang nag a-ayos ng paninda niya.
"Nay, yung panaginip ba pwedeng maging totoo?" tanong ko.
"Baliw, panaginip ay panaginip."
"Pero ma, what if yung panaginip mo parang natutuloy? I mean mag ka-karugtong po?" tanong ko at lumapit kay mama.
"I-ligo mo na yan, nak." pigil tawang sabi ni nanay.
"Tss. Totoo naman nay! Ilang araw ko nang napa-panaginipan 'yong lalaking kulay gray yung buhok." pag-mamaktol ko kay mama.
"Tapos?" nakakalokong sabi ni nanay.
"Aish! Grabe ka talaga sakin, nay." nag tatampong ani ko bago pumasok sa banyo at maligo.
Posible ba talagang ma-continue ang dream? Posible ba yung i-isang tao lang ang laman lagi ng panaginip mo?
"Tin!" sigaw ni nanay dahilan para mapatigil ako sa pag-iisip.
"Kanina ka pa dyan, tanghali na!" sigaw ulit niya kaya nag-madali akong mag-banlaw.
"Patapos na po!" sigaw ko mula sa loob.
---
Parang zombie akong nag la-lakad pa-punta sa room ko dahil sa ka-kaisip nang mga panaginip ko.
"Hi!"
"Ahhh!" sigaw ko nang dahil sa pag kaka-gulat ng may lumapit na babae sakin at bumati.
"Na gulat ba kita? Sorry." nakangiting sabi nito.
"Hi? Kilala ba kita?" na-iilang na tanong ko.
"OMG! You don't know me? Nakaka-hurt ka naman classmate." kunwaring nasasaktan na ani nito at napa-hawak pa kuno sa puso niya.
"Classmate?" pag-kumpirma ko at tumango naman siya sa'kin.
"I'm Maureen, puro ka kasi drawing kaya hindi mo'ko masyadong kilala isama mo na ang lahat ng kaklase natin." ani nito at humawak sa braso ko na para bang close na kami.
"Basta simula ngayon friends na tayo." nakangiting sabi nito at humarap sa'kin.
"O-oo." naiilang na sagot ko, sa buong buhay ko ito ang unang beses na mag kakaroon ako ng kaibigan.
"Let's go na, baka malate tayo." sabi nito bago ako hilain patakbo.
Tama siya mag ka-klase kami. Sa unahan nga lang siya nakaupo kaya hindi ko masyadong makita.
"Hala!" takip-bibig kong sabi dahil na-apakan ko 'yong paa ni Craed dahil naka tingin ako kay Maureen.
Agad akong lumuhod at pinag-pagan ang sapatos niya na na-apakan ko gamit ang panyo ko.
"S-sorry, hindi ko sinasadya." nag pa-panic na pag hingi ko ng sorry.
"Nah, it's okay." mahinahong sabi nito at hawakan ako sa braso para itayo.
"Sorry." ani ko ulit bago ayusin ang eye-glasses ko bago nag-angat ng tingin sa kanya.
"It's okay." nakangiting sabi nito.
Na-iilang ako sa ngiti niya kaya napayuko ako at deretsyong umupo sa upuan ko.
'Grabe nakakalusaw naman kasi 'yong mga tingin niya, ang ganda ng mata pero bakit parang may kakaiba sa mata niya?' ka-usap ko sa sarili ko bago maramdaman ang presensya niya sa tabi ko.
*Ring! Ring! *
Pag ring ng bell hudyat na recess na kaya agad kong niligpit ang gamit ko.
"Tinsley!" sigaw ni Maureen sa'kin.
"Sabay na tayo, tara na!" nag ma-madaling pag-tawag niya sa'kin.
Nag da-dalawang isip ako kung sa-sama ba ako kay Maureen dahil kay Craed, transfer kasi siya kaya baka na nga-ngapa pa siya sa lahat.
"Don't mind me." biglang sabi nito na nag-pagulat sa'kin.
"H-huh?" nag-tatakang tanong ko pero hindi ko na narinig ang sinabi niya nang tawagin ulit ako ni Maureen.
"Tagal mo naman." reklamo nito.
"Sorry, na a-awa kasi ako doon sa new classmate natin."
"Kung sa bagay pag new student ka as usual wala kang friends." ani ni Maureen habang naka pulupot ulit sa braso ko.
"Hindi ko siya nakikita kumain, hindi naman siya mukhang mahirap at walang pera?" takang tanong ko may Maureen.
"Oyy! Grabe ang concern mo naman ata sa kanya? Type mo?" biglang tanong nito na nag-patawa sakin.
"Baliw! Hindi sa ganon. Syempre tayo lang naman mag tu-tulungan na mag ka-klase." depensa ko pero sa totoo lang hindi ko na i-intindihan ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko nag-kita na kami at kilala ko siya.
"Arat, bilhan na rin natin siya ng pag-kain kung ano ang meron sa'tin yun na lang din ang kanya." nakangiting sabi ni Maureen bago ako hilain sa loob nang canteen.
---
"Una na ako Maureen." paalam ko kay Maureen bago lumabas sa room.
"Sige. Ingat ka Tin." sagot nito bago ayusin ang gamit niya dahil may practice pa sila nang volleyball.
Pa-kanta akong nag-lalakad sa hallway ng may marinig akong kalabog, agad akong tumakbo pa-palit dun para tignan kong ano 'yun.
"Ang yabang naman ng dating mo!" sigaw nang isang lalaki kay Craed. Mukhang binubully nila si Craed dahil transfer student siya.
"Tigan mo boss ang yabang kung makatingin." sabat pa ng isa.
"Wag!" sigaw ko nang akmang su-suntukin 'nong isang lalaki si Craed.
"Umuwi ka na nerd nang hindi ka madamay." tumatawang sabi nito.
"Hindi porket na ka eye-glasses nerd na." tapang-tapangan kong sagot.
"Aba matapang rin ang isang 'to." sabat nang isa bago ako hatakin sa braso pero agad ko naman nabawi ang braso ko sa kanya.
"Ang sama niyo pati mga taong walang ginagawa sa inyo binubully niyo!" sigaw ko at humarang sa harap ni Craed na para bang kaya ko siyang protektahan.
Pero ang totoo natatakot na ako baka anong gawin nila samin, bakit ba kasi ako feeling superhero ko?
"Go home." biglang singit ni Craed at pinag-palit niya ang pwesto namin, ako naman ang nasa likod niya.
"Aba ang sweet naman." nakangising sabi ng isa bago ako sapilitang kunin ako mula sa kilod ni Craed nang agad akong ma-iiwas ni Craed.
"Don't you dare, touch her." may diing sabi ni Craed.
"Don't you dare, touch her." pang-gagaya nang isa. Sa inis ko inihagis ko 'yong sketchbook ko sa kanya.
"Ang lakas ng loob mo, nerd!" sigaw nito at sumenyas sa dalawa niyang kasama na kunin ako mula kay Craed.
Hindi ako na-iiwas ni Craed nang paluin siya ng bat sa binti nang lalaking binato ko ng sketchbook ko.
Napa-upo si Craed dahilan para mahawakan ako nang dalawang lalaki sa braso at i-lapit dun sa nabato ko ng sketchbook ko, na pakiramdam ko ay siya ang leader sa kanilang tatlo.
Nilapitan ako nito at sinampal ng malakas dahilan para tumalsik ang salamin ko at maging malabo ang pangin ko.
Pabagsak nila akong hinagis sa sahig kaya agad kong kinapa ang salamin ko pero hindi ko makita nang biglang may mag suot sa'kin no'n.
Si Craed lang pala. Agad kong iginala ang paningin ko pero wala na 'yong mga nang bu-bully. Ano yun magic?
"Asan na sila?" nag ta-takang tanong ko bago hawakan ang pisngi ko na bahagyang masakit.
"Don't mind them." walang emosyong sabi nito bago ako tuluyang alalayan tumayo. Agad ko namang pinag-papagan ang sarili ko nang bigla niyang hipan ang pisngi ko.
Ilang segundo akong nahinto bago tuluyang naka-kilos.
"My mom do that when I'm hurt. " paliwanag niya kaya napatango na lang ako, ganun din naman si papa sa'kin kapag may masakit sa'kin hihipan niya para raw mawala.
Ito ata ang unang beses na totoong nawala ang masakit sakin ng hipan ito ni Craed. Yung kay papa kasi hindi naman nawawala kaya bi-bilhan niya na lang ako ng pag-kain para tumahan ako.
I think may kaka-iba kay Craed or I'm just being paranoid?
"Sige una na ako baka kasi hinahanap na ako ni mama." paalam ko sa kan'ya bago pulutin ang sketchbook ko.
"Let me give you a ride?" alok niya mula sa likuran ko.
"Hindi na kaya ko naman." sagot ko sa kanya bago tuluyan siyang iwan.
---------
"Nay!" sigaw ko nang makarating ako sa bahay.
"Jusko ka, Tin! Bakit ngayon ka lang? Pinag alala mo 'ko!" walang hingahang pag-sasalita ni nanay.
"May tinulungan lang po ako, 'yong classmate namin na binubully." paliwanag ko kay mama bago lumapit sa kanya para humalik sa pisnge niya.
"Oh sige, mag palit ka na ng damit dun at ka-kain na tayo." nakangiting sabi ni mama bago ako talikuran.
Agad akong umakyat sa kwarto ko at nag-palit ng pambahay na damit, ilang segundo akong nakatitig sa salamin at sinusuri ang pisngi ko hindi man lang kasi ito namula.
'Teka! OMG may basag ang salamin ko' agad kong hinubad ang salamin ko at makitang may basag nga ito ng maliit.
Hindi ko na lang pinansin at isunuot nalang ulit hindi naman kasi halata, hindi nga rin napansin ni nanay.
---
Matapos namin mag-hapunan ni nanay agad akong umakyat sa kwarto ko para iguhit ulit 'yong lalaking nasa panaginip ko kahit hindi ko pa lubusang nakikita ang buong mukha ng lalaking iyon.
Pasado 11 ng gabi ako natapos gumuhit bago pag pasyahang humiga na at matulog nang marinig ko ang pag hikbi ni mama. Dahan-dahan akong bumababa para silipin si nanay pero patuloy lang ito sa pag iyak kaya nilapitan ko na siya.
"Nay," mahinahong pag tawag ko.
"Tin!" gulat nitong tawag sa'kin at agad na pinunasan ang mga mata nitong may luha at nag- panggap na ayos lang ang lahat.
"May problema po ba?" tanong ko kay nanay at tinabihan siya sa sofa.
"Wala." pag sisi-nungaling niya.
"Wag kana mag sinungaling nay. Nakita kitang umiiyak." malungkot na sabi ko kay nanay bago siya yakapin.
"Yung papa mo," panimula ni nanay at nag umpisang umiyak ulit.
"Yung papa mo, matagal nang hindi nag papadala satin, Tin." pag-papatuloy ni nanay pero na- natili akong tahimik at nakikinig lang kay nanay.
"Tinawagan ko siya pero babae ang sumagot." habol niya at tuluyang napa-hagugol sa pag iyak. I sighed and bit my lower lip para pigilan ang luha ko.
"Kaya naman natin nay, kahit wala siya." bulong ko kay nanay kahit sa totoo ay hindi ko alam kong pano kami pag-wala si papa.
"May babae ang papa mo, Tin." pahikbing sabi ni nanay. "Hindi niya na tayo na a-alala." duntong niya pa.
"Nay," pahikbing sabi ko bago siya yakapin ng mahigpit.
"Nay siya ang nang-iwan satin hindi tayo! Kaya dapat maging malakas tayo, nay." pag a-alo ko kay nanay.
"Tahan na po, isang taon na lang po tapos na ako at makakatulong na rin po ako sa inyo." pag pa-patuloy ko, tumahan naman si nanay at humarap sakin.
"Mag-aral ka lang mabuti okay na ako, anak." nakangiting sabi ni nanay kaya napangiti rin ako bago ulit siya yakapin.
Pangako nay. Pag-bubutihan ko ang pag aaral ko. Si papa ang nawalan nay, hindi tayo. Makikita niya ang sinayang niya.
"Mahal kita, nay." bulong ko sa gitna ng pag yaya-kapan namin.
"Mahal rin kita, Tin. Sige na matulog kana may pasok ka pa." ani ni nanay bago bumitaw sa pag- kakayap sa'kin.
"Sige na, akyat na at matulog kana." nakangiting ani ni nanay kaya umakyat na ako at muling humiga sa kama ko.
Ilang minuto na akong naka-tulala sa kisame namin pero hindi ko parin mahuli ang antok ko kaya tumayo ulit ako, umupo at humiga pero ganun parin hindi parin ako makatulog.
'Ahh! Ipikit mo mga mata mo Tin! Wag kang mag isip ng kung anu-ano.' kausap ko sa sarili ko. Hindi rin nag-tagal naging mabigat ang mga talukap ko at tuluyang nakatulog.