Chapter 02

1673 Words
"Tin!" sigaw ni nanay at halata ang gulat sa mga mata nito. Ito kasi ang unang beses na na-gising ako nang maaga at ng hindi niya ginigising. "Sabado ngayon bat' ang aga mo ata?" ani ni nanay at napa-tayo pa para salatin ang noo ko kung may sinat ba ako at maaga akong nagising. "Nay, wag kang OA. Mag ba-bagong buhay na ako simula ngayon." taas noong sagot ko kay nanay bago kumuha ng tubig sa ref. "Syaka nga pala nay, samahan na kita mag tinda ngayon." presinta ko kay nanay. "O, sige ba. Kumain ka na at nang maaga tayo maka-alis." naka-ngiting sabi ni nanay bago umupo sa tapat ko at sabayan akong kumain. 'Nay, ito ang bagong simula natin nang tayong dalawa na lang," ka-usap ko sa sarili ko. --------- Masaya kong tinulungan si nanay mag-ayos ng gulay na i-titinda niya at nag-simula na rin ako mag-repack ng kalamansi. "Hinay-hinay lang, Tin. Masyado ka naman atang masipag." biro ni nanay pero ngiti lang ang isinigot ko dahil may bibili. "Ano ang 'atin, madam?" masayang bati ko sa ginang. "Isang kilong talong, Ija." sagot nito. "Ito po," abot ko sa pinamili niya. "Salamat po, balik po kayo." ani ko bago i-abot ang sukli niya. Nag-patuloy ang pag-lalako namin ni nanay at sinabayan pa nang pag ku-kwentuhan namin ng kung anu-ano habang walang bumibili. "Tin," pag-tawag sa'kin ni nanay habang ina-ayos ko ang mga repolyo. "Po?" sagot ko habang hindi ina-alis ang paningin sa ginagawa ko. "Ihatid mo muna ang gulay na 'to," panimula ni nanay. "Huh? Saan po? Kailan pa kayo nag ka-free delivery, nay?" takang tanong ko kay nanay. "N'ung nakaraan lang, na a-alala mo 'yong binatang na daan dito, noong nakarang sumama ka sakin?" tanong niya. "Hindi na, nay. Sa tingin niyo po kaya kong kabisaduhin lahat ng taong bibili sa'tin? Grabe naman nay." na-tatawang sagot ko kay nanay. "Ahh, basta simula no'n naging suki na ang batang yun dito, ihatid mo na lang 'to sa may malaking bahay na di' kalayuan dito." "Maraming bahay nay," pilosopong sagot ko kay nanay. "Yung may kulang gintong gate yung may pinaka-malaking bahay, makikita mo rin yun dahil agaw pansin sa laki." paliwang ni nanay at ini-abot ang i-hahatid ko daw dun sa malaking bahay. "Sige po," sagot ko bago tuluyang umalis. May VIP pala kaming customer di' man lang ako na inform. "Tao po?" Sigaw ko nang makarating sa tapat ng gate na sinasabi ni nanay. Ay gagi! May doorbell pala hindi ko na pansin. Pipindutin ko pa lang sana ang doorbell ng automatic itong bumukas, sa gulat ko napahawak ako sa may bandang dib-dib ko bago tuluyang pumasok. Dahan-dahan akong nag-lakad para hanapin ang main door, grabe sobrang laki ng bahay nila lalo na pala sa loob. *Knock! Knock! * Katok ko nag maka-rating ako sa main door, hindi na ako nag-taka ng automatic din itong bumukas. "Wow!" kulang ang salitang maganda para ipaliwanag ang ganda nang loob ng bahay nila, para itong isang palasyo sa sobrang laki. Yung hagdan nila kulay ginto na nahahaluan ng abo halos lahat nang gamit nila nahahawig sa kulay ng abo na may pag ka-silver kong ti-titigan. "Tao po?" sigaw ko dahil parang walang tao. "Ihahatid ko lang po sana yung gulay niyo!" sigaw ko pa ulit, tila walang na kaka-rinig sa'kin. "Yohooooo!" sigaw ko ng may biglang mag-salita mula sa likod. "Maganda umaga po," bati ko sa matandang lalaki. "Ito na po pala 'yong gulay," na i-ilang na sabi ko bago i-abot ang gulay sa kan'ya. "Salamat, ija. Mag-kano ang lahat?" naka-ngiting sagot niya dahilan para mawala ang kabang nararamdaman ko akala ko kasi masungit si lolo. "Ma-upo ka muna, nga pala kanina ka pa ba dito, Ija?" tanong niya sakin "Hindi naman po, lo." magalang kong sagot bago umupo sa malambot nilang sofa. "Ganun ba, ang akala ko ay andito sa loob si sir kaya matagal akong pumasok kaso walang tigil ang pag tawag mo kaya napilitan akong pumasok." paliwanag niya habang kumukuha ng pera sa wallet niya. Sir? So nag ta-trabaho lang siya dito? Sino naman ang amo niya ang bongga pa sa bongga ang bahay nito. Malaki siguro mag-pasahod ang amo ni lolo sa laki ba naman ng bahay nila este palasyong bahay nila it means super rich ang may- ari nito. "Ayos lang po," sagot ko. "Ito oh," abot niya sakin ng bayad. "Salamat po, Lo." pag-papasalamat ko bago tumayo sa sofa para lumabas na. ------- "Nay!" hiningal kong pag tawag kay nanay dahil patakbo akong bumalik sa pwesto ni nanay. "Oh bakit? Anong nangyari?" aligagang tanong ni nanay. "Nay, ang bongga ng bahay nila." panimula ko kay nanay habang hinihingal. "Parang palasyo siya, nay. Mag trabaho rin kaya ako dun?" pag papa-tuloy ko pero pinitik ni nanay ang noo ko. "Aray naman nay!" iring ko kay nanay habang hinihimas ang noo ko. "Sira-ulo kang bata ka, mag-aral ka na lang kung anu-ano ang inisip mo." ani ni nanay at tinalikuran ako para pag-bentahan ang bibili. "Nay, baka malaki mag-pasahod doon." pa-ngungulit ko pa kay nanay habang hinahaplos ang kamay niya. "Nako Tin, tigilan mo'ko." ani ni nanay. "Ayaw niyo talaga nay?" ulit ko pa. "Isa pa, Tin." may pag-babantang ani ni nanay kaya tumahimik nalang ako. ------ Agad kong isinandal ang katawan ko sa sofa nang maka-uwi kami ni nanay. Sakit sa likod kumita ng pera. "Mag-pahinga ka muna bago maligo." pa-alala ni nanay kaya tumango na lang ako sa kanya bago i-pikit ang mga mata ko. "Tin!" Isang tinig ng lalaki ang tumawag sa'kin subalit hindi ko alam kong saan ito nang gagaling. "Tin!" ulit nito. "Na saan ka?" "Mag pa kita ka!" sigaw ko "Sundan mo ang tinig ko, Tin." saad nito at tila nag e-echo ang tinig ng lalaki. Walang pag-aalinlangan kong sinundan ang tinig ng lalaki hanggang sa makarating ako sa lugar na puro bulalak. Iginala ko ang mata ko sa buong paligid, ang lugar na 'to. Katulad ito ng hardin dun sa malaking bahay. "Tin!" pag tawag niya mula sa likod ko. Dahan-dahan kong nilingon ang lalaki ngunit masyadong maliwanag kaya napa-takip ako sa mata ko. "Na sisilaw ako," ani ko habang sinasarahan ang mata ko gamit ang mga palad ko. "Look at me," ani nito mula sa malamig na tono kaya dahan-dahan kong inalis ang naka-takip na palad ko sa mga mata ko at derestyong tumigin sa kanya. Ngunit hindi ko ma-aninag nang mabuti ang mukha niya bukod tanging mata niya lang ang malinaw sakin at na sisiguro kong kulay dilaw ito. "Come with me," lahad niya ng palad niya sakin pero na natili akong nakatitig sa dilaw nitong mga mata. "Tin!" "Tin!' "Ahh!" sigaw ko nang hampasin ako ni nanay sa braso hindi ko man lang na pansin na naka-idlip pala ako. "Tin ako ng Tin ayaw mong magising!" sermon ni nanay. "Sorry nay, sige po half bath lang po ako." paalam ko kay nanay bago umakyat sa kwarto ko. ------- As usual ma-aga ulit akong na-gising kahit wala ulit pasok dahil linggo. "Nay?" pag tawag ko kay nanay nang makababa at natagpuan ko si nanay sa salamin na bihis na bihis. "Nay! Sa'n lakad natin?" "Baliw! Mag sisimba tayo, dali maligo kana." sagot ni nanay at tininulak ako papasok sa banyo.. Matapos kong maligo agad akong nag hanap ng damit na ma-isusuot para sa simbahan. Hindi naman ako nahirapan dahil marami akong dress pinili ko ang simpleng white dress na hanggang tuhod ko bago nag-suklay at nag-pulbos. "Nay tara na po!" yaya ko kay nanay matapos kong ayusan ang sarili ko hindi naman kasi ako makupad pag dating sa pag-aayos ng sarili ko dahil. Pulbos lang sapat na sakin. "Bilis ah, o'sya halika na para hindi tayo mahuli sa misa." sagot ni nanay bago hawakan ang kamay ko at mag-kasabay kaming lumabas nang bahay. ---------- The mass was ended peacefully kaya na pag-pasyahan namin ni nanay na kumain sa labas. "Teka, nay. Bibili lang akong fish ball." paalam ko kay nanay bago bumitaw sa kanya at patakbong pumunta kay kuyang nag-titinda ng fish ball nang matapilok ako at masalo ng kung sino. Na na-tili akong naka-pikit dahil ang akala ko ay sa sahig ang bagsak ko pero mukang mabait ang anghel ko at may taong naka salo sa'kin at kasalukuyang nakahawak sa bewang ko. "Tin," tawag niya kaya napabalikwas ako nang tayo mula sa pag kaka-hapit niya sa bewang ko. "Craed?" gulat na tanong ko. "Are you okay?" tanong niya, agad naman akong tumango na parang tanga. "Salamat, sige una na ako." naiilang na ani ko bago siya talikuran at bumili ng fish ball ngunit ramdam ko parin ang presenya niya mula sa likod ko kaya nilingon ko siya. "Gusto mo? Sagot ko na." alok ko sa kanya pero na natili siyang naka-titig sa'kin. "Hoy!" gulat ko sa kanya. "Anong sayo? Libre na kita." tanong ko ulit. "Kung ano 'yong sayo." sagot nito habang naka-ngiti sakin. "Kuya, isa nito." kausap ko sa tindero. "Oh." abot ko sa kanya ng fish ball. "Thanks," maikling sagot nito bago sumubo ng fish ball. "Sige puntahan ko muna si nanay---" "Tin!" sigaw ni nanay dahilan nang matigil ako sa pag-sasalita. "Ang tagal mo naman," sermon niya. "Sorry naman nay," pag-lalambing ko kay nanay bago humawak sa braso niya ngunit wala sakin ang paningin niya. "Ang gwapo mo naman, Ijo." puri ni nanay kay Craed. "Nay!" suway ko kay nanay at pilit na hinatak siya pa-palayo kay Craed. "Thank you po," magalang na sagot ni Craed bago humarap sakin. "See you tomorrow, Tin." sabi nito bago kami talikuran nang pigilan ito ni nanay. "Teka! Ano mo ang anak ko?" tanong ni nanay, takte naman nay. "Nay," suway ko "She's my classmates po," sagot ni Craed bago ngumuti kay nanay. "Ahh ganun ba, hindi man lang nasabi ni Tin na may classmate pala siyang gwapo." kinikilig pa sabi ni nanay, "Nay, ano kaba? Halika na." na-hihiyang pag tawag ko kay nanay. "Sige una na kami," paalam ko kay Craed bago tuluyang hilain si nanay palayo at umalis na agad, baka ano pang kaharutan ang magawa ni nanay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD