Chapter 03

1677 Words
Pag ka-uwi namin ni nanay galing sa simbahan nag-grocery na rin kami kaya ginabi kami nang- uwi at sa labas na rin kami kumain ng hapunan. I sighed before I lay down on my bed matapos kong mag-half bath, as usual hindi ulit ako maka-tulog kaya na pag-pasyahan kong mag-drawing na lang. Ilang minuto na ang naka-lipas nang mag-simula akong gumuhit nang kumatok si nanay. *Knock! Knock! * "Bukas yan, nay." "Ito oh," abot niya sa'kin ng cookies nang maka-pasok siya. "Ano yang iginuguhit mo, Tin?" tanong ni nanay "Yung lalaki pong na sa panaginip ko lagi nay, kaso mata pa lang ang malinaw na nakita ko sa kanya pati rin pala ang kulay abo nitong buhok." paliwanag ko bago kumagat sa cookies na dala niya. "Kulay dilaw nga po ang mata niya nay, at ang ganda nitong pag masdan." dugtong ko pa habang pinag-papatuloy ang pag-guhit. "O' sya pag tapos mo d'yan mag-pahinga ka na." ani ni nanay bago lumabas sa kwarto ko. Hindi rin nag-tagal na tapos ko na 'yong drawing ko kaya nahiga na ulit ako sa kama, ang kaso hindi ako makatulog. Masyadong mahirap hulihin ang antok ko n'ung mga nakaraang araw pa. Na hihirapan akong maka-tulog simula no'ng nag-loko si papa, lagi ko kasing ini-isip bakit kailangan niya pang mag-hanap nang iba kung kailang malaki na ako? Saan ba nag-kulang si nanay para mag-kaganun siya? Tapos bakit parang biglaan naman? Parang kailan lang ay ma-ayos naman ang lahat sa'min. I've been asking those questions on myself pero wala akong makuhang sagot at i-iiyak ko na lang hanggang sa maka-tulugan ko ang pag-iyak. --------- Hindi ko alam kong anong oras ako naka-tulog, siguro naka-tulugan ko ang pag-iyak. Pero parang may mali, pakiramdam ko may humahaplos sa ulo ko at uma-awit siya ng mahina o baka naman panaginip ko lang ulit. "Nay, papasok na po ako." paalam ko kay nanay bago umalis. 'Siguro nga panaginip ko yun?' pag kumbinsi ko sa sarili ko habang nag-lalakad sa hallway papunta sa room ko nang may humawak sa braso ko, si Maureen lang pala. "Good morning!" nakangiting bati niya. "Morning," nakangiting sagot ko rin. Sabay kaming nag-lakad ni Maureen habang nag ku-kwentuhan nang kung anu-ano. "Sabay ulit tayo kumain ah," ani nito nang makarating kami sa room namin at ma-upo na siya sa upuan niya, tumango ako bilang sagot at dumeretsyo na sa upuan ko. Himala! Wala pa ata si Craed kung dati lang ay lagi siya ang na u-unang dumating kaysa sa'kin ito ata ang unang beses na na-unahan ko siya. May sampung minuto pang natitira bago mag simula ang first subject, wala naman akong magawa kundi ang tumunganga kaya na isipan ko na lang na ituloy ang pag-kukulay sa matang drawing ko. 'Hindi ko alam kong bakit ikaw ang nasa panaginip ko lagi pero pakiramdam ko ay mag kaibigan na tayo' 'Sana balang araw makita ko ng buo ang mukha mo at makilala pa kita nang lubusan' kausap ko sa drawing ko. "Woah, natapos ko rin!" "It's nice." "Ahh, palaka!" sigaw ko dahil sa pag kaka-gulat nang biglang may mag-salita, si Craed lang pala. Hindi ko man lang na pansin na nakarating na siya. "Bat' ka ba nang gugulat!" irap ko sa kanya at niyakap 'yong drawing ko para itago yun mula sa kanya. "Sorry," naka-ngiting sambit nito. "Tss." iring ko at pasimpling isinara ang drawing ko para itago ito nang biglang mawala sa kamay ko 'yun, hindi ko man lang na pansin kung pa'no na punta sa kanya 'yun nang ganun kabilis. "Eh?" takang tanong ko at pilit na binawi sa kanya ng itaas niya ito dahilan para hindi ko mabawi iyon. "Akina "yan!" sigaw ko sa kanya at napatayo na. "Easy, titignan ko lang naman." asar pa niya at tumayo rin para buklatin yun. "Isa! Subukan mong buksan yan..." pag babanta ko at pilit na binabawi yun ng mawalan ako ng balanse at mapa-subsob sa dibdib niya. "Ayieeeee!" sigawan ng mga classmates namin kaya agad akong lumayo sa kanya at padabog na umupo. Pangisi-ngisi naman ang loko bago umupo sa tabi ko at isa-isang tinignan ang mga iginuhit ko. "Kainis!" ani ko bago yumuko. "Who's this?" tanong niya. "Hindi ko kilala." maikling sagot ko habang naka-yuko parin. "Then, why did you draw him?" tanong niya ulit habang ang paningin ay na sa drawing ko pa rin. "Ewan, basta lagi ko na lang siyang na papanaginipan." paliwanag ko bago mag-angat ng tingin sa kanya at kunin ang drawing ko sa kanya. "Ilang linggo ko na siyang napapaginipan, tapos ang cool kamo kasi parang mag kaka-dugtong pa ang lahat. Ang kaso lang hindi ko makita ang mukha niya nang buo ang tanging klaro lang ay ang mga mata niya lang." pag ku-kwento ko sa kanya. "Okay," maikling sagot niya na para bang hindi naniniwala sa kwento ko kaya inirapan ko na lang siya. "Na sayang lang ang laway ko sayo." reklamo ko sa kan'ya pero ngumiti lang ito, sasagot pa sana ako kaso dumating na ang teacher. ------------ Matapos ang klase namin na-iwan kaming mga cleaners lahat nang na sa row-one kabilang na si Craed na wala namang ginagawa kundi naka-upo lang. "Marami talagang tamad sa bansa natin," pa-rinig ko habang nag-bubura ng naka-sulat sa board. Sana ka-row ko na lang si Maureen para may kasama ako, ang kaso pag ganitong oras may practice sila ng volleyball. Hala i-text ko mo na nga si nanay na cleaners ako. [Nay, baka po ma-huli ako nang uwi kasi po cleaners po ako. ] text ko kay nanay. "Ehem!" singit ni Craed mula sa tabi ko, sa gulat ko na biwatan ko ang cellphone ko mabuti at nasalo niya. "Mushroom ka ba?" tanong ko sa kanya. "Huh?" takang tanong niya. "Bigla ka na lang kasing sumusulpot sa tabi ko, kung may sakit lang ako sa puso baka matagal na akong coma sa ospital." sermon ko sa kan'ya bago kunin ang cellphone ko sa kamay niya at ibulsa. "I didn't mean it." tumatawang ani nito at kinuha sa'kin ang erasers at siya ang nag-bura sa may bandang itaas. "Bat' tumatawa?" na a-asar na tanong ko sa kanya habang naka-pamewang. "Nothing," nakatinging sagot pa rin ito. "Nothing," pang-gagaya ko sa tono niya. "Cute," ani nito kaya pinang liitan ko siya ng mata. "Height mo." pang a-asar niya kaya hinampas ko siya sa braso. "Baliw, tapusin mo yan, mag-wawalis lang ako." --------- Matapos naming mag-linis inayos ko na ang gamit ko para maka-uwi na ako nang sumulpot ulit sa harapan ko 'yong kabute. "Ano na naman?" tanong ko. "Hatid na kita." alok niya. "Hindi na baka ano isipin ni nanay." sagot ko. "I can explaine it to her," pangugnulit niya. "Hindi na," sagot ko at naunang lumabas sa kanya. I switched my cellphone at sinalpak ang earphones ko para makinig ng music nang biglang umulan. Eh? Tirik ang araw tapos saktong pag labas ko umulan? For real? "Hmm?" sulpot ulit ni Craed habang ibinubuka ang payong niya pero hindi ko siya pinansin instead I texted may mom. [Nay, umulan po baka hindi po agad ako maka-uwi] [Susunduin na lang kita, ] she text back [Wag na po, alam kong pagod kayo. ] I replied. "So, can i give you a ride?" singit ni Craed hindi pa pala uma-alis ang ka-bute. Tumango na lang ako, no choice na tayo mga kaibigan wala rin akong payong. He opened the door for me sa front seat pag-tapos ay agad siyang umikot para makaupo sa driver seat. I remain silent habang na sa biyahe kami, tahimik kong pinag-mamasdan ang bawat pag-patak ng ulan. "Salamat sayo, Ijo." Napabalikwas ako nang tayo at agad iginala ang mata sa buong paligid. Naka-uwi na ako? Naka-tulog ba ako? "Wala po yun," rinig kong pag sagot ni Craed mula sa pinto kaya agad akong tumakbo papunta sa pinto. "Nakatulog ako?" tanong ko ng maka-lapit ako sa pinto. "Mu'kang hindi, nak." pilosopong sagot ni nanay kaya na pa kamot na lang ako ng ulo. "Sige po, una na ako." singit ni Craed kaya hinarap namin siya ni nanay. "Sigurado ka bang ayaw mong mag kape?" tanong ni nanay kay Craed. "Hindi na po baka hinahanap na rin po ako sa'min. Sige po tita, Tin, una na ako." paalam niya sa'min tumango lang ako si nanay naman hinatid siya hanggang sa harap nang sasakyan nito. "Ingat ka sa pag mamaneho, ijo." rinig kong sabi ni nanay, tumango naman ang binata. "Hindi ba siya yung gwapong binata sa simbahan?" tanong ni nanay sa'kin ng maka-pasok siya sa loob. "Opo, classmate nga po kami." sagot ko bago ulit na higa sa sofa. "Ang gwapong bata talaga n'un lalo na sa malapitan. " puri pa ni nanay habang naka-tingin sa kawalan. "Ewan ko sayo nay, by the way nay.... Ikaw nag-buhat sakin papasok dito?" tanong ko, hindi ko kasi alam kong pa'no ako naka-pasok sa bahay kong naka-tulog ako habang na sa biyahe. "Tanga! Sa tanda kong ito? Tingin mo kaya pa kitang buhatin, Tin?" na tatawang sabi ni nanay. "LUH! So si Craed ang bumuhat sa'kin?" "Ay hindi, lumutang ka papasok dito, nak." biro pa ni nanay bago ako pitikin sa noo. "Aray naman, nay!" iring ko habang hinihimas ang noo ko. "Sige na kumain kana d'yan at nang maka-pag pahinga kana." ani ni nanay bago ako iwan sa sala mag-isa para mag re-pack ulit ng mga sili at kalamse para bukas. ----- Pag tapos kong kumain umakyat na ako sa kwarto ko para makapag palit na nang pantulog, pero bago ako matulog sinilip ko ulit isa-isa ang drawing ko. 'Bakit ka ba laging nasa panaginip ko?' tanong ko sa drawing ko na para bang may makukuha akong sagot mula rito. Sinara ko na lang ulit ang drawing ko at humiga na lang. Ikaw sa aking panaginip, hindi ka na wawaglit Kahit kailan, pag mamahal para sayo'y hanggang langit At ang aking pag-ibig ay hindi--- "Tin!" suway sakin ni nanay na pa lakas ata ang pag kanta ko "Sorry po, nag papa-antok lang po!" sagot ko bago nag talukbong ng kumot at pinikit ang mata ko para makuha ang antok ko. "Sleep well, Tin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD