'Ano kaya masarap kainin ngayon? ' tanong ko sa sarili ko habang pinag mamasdan ang mga pagkain. Lunch time ngayon kaya mag kasabay kaming kakain ni Maureen.
"Anong sayo, Tin? " she asked.
"Ikaw ba? " balik tanong ko sa kanya kaya naman napa isip ang gaga.
"Adobo na lang siguro, pang-bansang ulam. " sagot niya bago umorder ng kanya.
"Yun din sakin, sabay mo na. " habol sa kanya bago i-abot ang pera ko sa kanya.
"Ate, dalawang order na. " habol niya sa tindera bago humarap sakin.
"Ano drinks mo? " tanong niya.
"Coke nalang, " sagot ko kaya bumili narin siya ng coke at sabay kaming nag hanap ng bakateng upuan.
"Balita ko hinatid ka raw ni Craed? " biglang niyang tanong kaya nakagat ko ang sarili kong dila.
"Oo, na abutan kasi ako ng ulan nun. "paliwanag ko bago uminom ng tubig.
"By the way, tin... " ani nito.
"What? "
"Naniniwala ka ba sa mga witches? " she asked, ang layo naman ng tanong nito sa pinag u-usapan kanina.
"Yung mga matatandang gurang na panget tapos sira sira ngipin? " i asked bago sumubo ulit ng kanin.
"Ayy we, maka gurang ka naman ateng." iring nito.
"Oh bakit? Lahat ng napapanuod ko na fairytale about witch ganun ang mukha ang panget tapos masasama pa. " Paliwang ko.
"I don't think so, " malungkot na sabi niya.
"Bat' ka sad? Totoo naman yun, syaka hindi naman talaga nag e-exist ang mga iyon. " dungtong ko pa.
"Ewan, pero kwento ko rin sayo yung ikinuwento ni lola sakin dati. " excited na sabi ni Maureen.
"Ayy we, may iba pang kwento ang mga witches? " gulat na tanong ko.
"Yup, so sabi ng lola ko maraming klase daw ang mga witches. " panimula niya.
"Wow! Nakaka excite naman yan, sige tuloy mo lang mahaba pa ang time. "
"Una, ang mga 'Omni Witch' sila yong mga witch na curious sa lahat ng bagay, gustong gusto nila mag aral ng ibat ibat klase ng magic at pina-practice ito ng mabuti tapos madadaldal daw ang mga ito like ang friendly nilang mga witch. " ani nito bago uminom ng coke niya ako naman nakikinig lang at hinihintay ang kasunod niyang kwento.
"Pangalawa naman ang mga 'Kitchen Witch' sila yung mga witch na magaling sa pag gawa ng kahit anong potions like love potion, medicine potion basta kahit anong klaseng postion basta kaya ng mga magic nila go lang sila, and then sila rin yong mga witch na food is life. " pigil tawang pag papatuloy niya.
"Tuloy mo pa ang exciting naman, ngayon ko lang nalaman na may mga ganyan palang witches. " masayang sabi ko.
"The third is 'Cottage Witch ' they are the homemaker of all the witches like sila yung taga desenyo ng mga bahay ng kapwa nila witches, sila rin yong mga witch na sensitive sa tao like hindi sila lumalapit at nakikipag kaibigan sa mga tao. " pag papatuloy niya
"Pang apat naman ay ang mga "Green Witch' take note hindi porket green witch sila ay kulay green na. " saad ni Maureen at umaayos ng upo.
"Ang mga Green Witches ang taga pag alaga ng bundok, kagubatan, karagatan , lake, river, at ng mga halaman in short mapag mahal sila kay mother earth. Sila rin yong mga witch na magaling gumawa ng mga herbal medicine tulad ng omni witch mahilig kasing mag aral ang mga green witch sa larangan ng medisina." pag papatuloy niya.
"Next is "Hag Witches" hag or hagathan ang tawag sa kanila, they are shamans ,sila yong tinutukoy mo na mga gurang like sira sira ngipin na matanda. Hindi sa paninira pero ang Hag witches ang pinaka kalaban ng lahat witches. They are evil at pag dating sa mga magic power ay gahaman sila, gagawin nila ang lahat para maka sakanila ang nais nila. " ani ni Maureen mula sa galit na tono.
"Nakaka- takot naman sila, tapos na ba? " tanong ko dahil ilang minuto nalang ay time na parang gusto ko tuloy mag escaped sa class ayaw kong mabitiin sa kwento ni Maureen.
"Meron pa, ang mga crystal witch, energy witch and hedge witch. Bukas syaka ko nalang ulit ipag papatuloy ang kwento malapit na ang time," nakangiting ani ni Maureen.
"Aww sad, sige bukas nalang." i said while pouting my lips.
"Duck ka girl? " natatawang asar niya sakin.
"Nabitin ako sa kwento mo, ngayon ko lang kasi nalaman na marami palang klase ang mga witches. "
"Marami naman talaga and hindi lahat ng witches ay puro black magic lang ang gamit may mga white magic tulad ng ginagamit ng mga good witches laban sa mga bad witches. " paliwanag niya bago tumayo sa pag kaka-upo kaya tumayo na rin ako.
" May hari at reyna rin ang mga witches wag ka. " pag mamalaking ani ni Maureen.
"Wow! Ang cool so my Prince and Princess rin?"
"Of course, basta tanda mo hindi lahat ng witches gurang and hindi lahat ng witch ay black magic ang gamit may mga ibat ibang witchcraft na ginagamit ang bawat witches na nabanggit ko. " ani ni nito habang nag lalakad kami papunta sa room namin.
"Pero hindi sila nag e-exist, kwento lang sila. " dismeyadong ani ko.
"Malay natin diba? " sagot niya
Kung sa bagay tama rin si Maureen, malay ba natin kong na e-exist nga ba ang mga witches or kong totoo pa sila? Pero para sakin sa fairytale lang merong witch.
---------
Maagang natapos nag afternoon class namin dahil may meeting ang mga teacher kaya agad kong niligpit ang lahat ng gamit ko para makauwi na ng maaga.
"Uuwi kana agad? " biglang tanong ni Craed na nag pagulat sakin.
"Oo, wala naman na akong gagawin pa dito at hindi tayo cleaners ngayon. " paliwanag ko bago lingunin si Maureen sa pwesto nito dahil nag papaalam siyang mauuna dahil may practice sila.
"Bye! " sigaw niya mula sa pinto tumango naman ako bilang sagot sa kanya bago ibalik ang atensyon ko kay Craed.
"Sige una na ako. " paalam ko sa kanya bago kunin ang bag ko at handa ng umalis ng hawakan niya ang kamay ko,
I gulped bago siya lingunin.
"Problema mo? " naiilang tanong ko bago bawiin ang kamay ko sa kanya.
"Let's eat, my treat. " ani nito bago ako igiya palabas kahit hindi naman ako pumapayag, wala akong nagawa kundi ang mag pahila sa kanya.
"Baka hanapin na ako ni nanay, " saad ko sa gitna ng pag lalakad namin.
"May kalahating oras pa bago talagaag uwian, so we have a half hour to eat. " sagot nito habang wala nasa daan ang paningin.
"What do you want? " tanong niya ng makarating kami sa isang mukang mamahalin na restaurant malapit lang sa school namin.
" Ang mahal dito, dun na lang tayo " bulong ko kanya at itinuro ang isang maliit na karinderya.
"Huh? Ako bahala. " sagot niya bago ako hilain paupo sa pero nag matigad ako.
"Mahal nga kasi, " bulong ulit sa kanya.
"I can pay, okay?" nakangising sagot niya bago ako sapilitang i-upo at pag katapos ay naupo siya sa harapan ko.
Ina-abot niya sakin ang menu dahan dahan ko yong binuksan napatakip ako sa bibig ko ng makita ang mga presyo ng mga pagkian.
Ang mamahal kahit itaya ko ang pang isang linggong baon ko hindi ko parin afford bumili ng kahit ano dito.
"What? " tanong niya ng makita niyang isinara ko ang menu at ibalik sa kanya.
"Tubig na lang sakin. " sagot ko, lakas ng tama mang libre sa school nga hindi ko siya nakikitang kumain ,baka kaya hindi siya nag rerecess dahil inipun niya lahat ng pera niya para makapasok dito? Tanong ko sa sarili ko
"Tubig? " ulit niya..
"Oo, busog ako e. " pag sisinungaling ko. Nakakahiya naman mag libre sa ganitong ka mahal na resto baka pinag hirapan niya kitain ang pera niya.
"Tss. " pag susungit niya bago sumenyas sa waiter.
Ng makapalit ang waiter ang daming niyang inorder kaya napatayo ako hiawakan ang kamay niya at pilit isinasara ang menu,
"Ang dami nun hindi na natin mau-ubos tapos ang mamahal pa. " bulong ko sa kanya.
"Tin, I can pay okay. " sagot niya bago bumitaw sa kamay ko at nag patuloy sa pag order.
Shems! Ang dami bahala siya dyan.
We waited for a minutes at ni-serve na ang mga pag kain.
'Wow! Ang sasarap! ' i gulped at isa isang tinignan ang mga pagkain ihinahanda ng waiter. Sana kasama ko rin si nanay para matikman niya rin mga ganitong pag kain.
"Enjoy your meal, Ma'am ,Sir. " ani ng waiter bago kami iwan.
Matagal kong tinitigan ang mga pag kain dahil hindi ko alam kong alin ang u-unahin ko sobrang dami.
"Eat, " singit ni Craed.
Hindi ko alam ang tawag sa mga pagkain ito basta kinain ko na lang kong ano ang nasa harap ko.
'Shems! Ang sarap nito!' puri sa isip ko bago ulit sumubo ng ibat ibang klaseng pagkain.
Hindi ko man lang na pansin na naparami na pala ang kain ko kaya nahiya ako at bitawan ang ng kutsa ko tumawa naman ang kabute.
"Eat up, wag kang mahiya. " ani nito tinignan ko lang siya bago ulit sumubo ng nakayuko.
-------
Pag tapos naming kumain ihinatid niya ako pauwi at may ini-abot na regalo bago tuluyang umalis.