Chapter 11
Pagkauwi ko ay nakita ko sila Mama at Maureen na nanonood ng palabas sa TV.
"Oh bruha ka ano balita sa moment nyo ni fafa Craed?" biglang dada ni Maureen ng umupo ako sa tabi niya.
Kahit kailan talaga nakapachimosa netong babae na 'to.
"Anong moment pinagsasabi mo? Hinatid ko lang 'yon lang" ngumuso ako ng batukan nya ako. Aray ko buti na lang hindi humiwalay utak ko sa sobrang lakas.
"Tanga mo! Grab the chance na sana 'yon girl noh."
Inirapan ko lang siya at itinutok na ang mata sa panonood ng TV. Hours have passed napagod na din sila kakanood kaya nag decide na kami matulog dahil maaga pa bukas for school. Andito na kami ngayon ni Maureen sa kwarto ko sabay na naglalagay ng skin care na dala n'ya.
"Girl serious question dapat serious answer din, hindi na tayo magbibiruan napakagwapo talaga ni fafa Craed no?" Pag uumpisa ni Maureen ng usapan. Well, hindi naman maipagkakaila na napakagwapo talaga ni Craed.
"O-oo gwapo naman" Gago! Nautal pa 'ko.
Bigla namang tumili na parang bulate 'tong si Maureen.
"Sabi na eh! Ihhh i ship Craedley!!" Nagsisigaw sa kilig ang hayop na 'to. Ako naman dito sa gilid namumula ang mukha.
"Alam mo matulog na lang tayo, Maureen. Maaga pa tayo bukas" Ani ko sabay higa na namumula padin ang mukha. Bakit ko na kasi inaming pogi 'yun? Kasalanan 'to ni Cread hmpk!
Kinabukasan alas singko pa lang ng umaga mulat na ang mata ko. As usual napanaginipan ko nanaman ang the man of my dreams si Alaric. Sa mga nag daang gabi ay nasanay na din ako na siya laman ng panaginip ko. Pero isa lang ang tanong ko ba't sya palagi ang laman ng panaginip ko?
Napatingin ako sa katabi kong si Maureen ni nakanganga pa din sa pagtulog. Kahit kelan talaga paano na lang kapag jowa na kaya nya katabi niya? Nakakahiya!
Kinuha ko ang unan sa gilid sabay bwelo at hinampas sa mukha n'ya.
"ASAN ANG SUNOG?!?!" Sigaw nya sabay tayo halatang gulat, ako naman sa gilid ay sobrang pagpipigil ang tawa na ginawa ko.
Nung narealize nyang wala ay bigla syang lumingon saakin sabay tingin ng masama.
"Hmm pillow fight pala nais mo ha" napatili ako ng hinampas nya 'ko ng unan kaya nakihampas na din ako. Ang saya! Ang saya kapag may totoo kang kaibigan 'yong walang tinatago sayo.
"Ano ba kayong dalawa dyan bumaba na kayo at kakain na" napatigil kami ng pumasok si Mama sa kwarto ko. Mukha kaming sabog ni Maureen dahil gulo gulo ang buhok namin.
"Hay nako Tita! Ako bahala dito kay Tin sinisigurado kong si Craed ang magiging jowa neto" sinamaan ko ng tingin si Maureen ng banggitin nanaman nya ang pangalan ni Craed.
"Aba dapat lang gwapong bata at mukhang mabait" napa facepalm na lang ako sa kanilang dalawa! Umagang umaga pinapasakit nila ulo ko.
"Alam nyo ang mabuti pa pumasok na tayo Maureen at ikaw Mama pahinga ka lang dito, Okay?" Hinila ko si Maureen palabas ng bahay para magtigil na kakasatsat.
Pagkarating namin sa School usap usapan padin ang mga experience nila kahapon. Weird nga eh feeling ko talaga totoo yung nangyari kagabi pero sabi naman nila ay panaginip lang at isa pa wala ang mga sakit ng katawan ko. Hays focus na lang sa pag aaral.
"Hey" napatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot 'tong si Craed. Umpo siya sa tabi habang nakatingin pa din saakin. Jusko! Gabayan nyo 'ko.
"Hey" I greeted him back. Syempre girl alangan snob ko ganda ba 'ko syempre oo!
"Care to share what's on your mind?"
"Ha? W-wala naman di kapa nasanay palagi kaya akong lutang"
Kumunot noon naman ang noo n'ya na parang hindi naniniwala saakin, minsan talaga parang si Maureen din 'to e. Kakalkalin talaga nila kong anong nasa isip ko.
"By the way Craed dala ko pala jacket mo. Teka" sabay kalkal ko sa bag nakakahiya naman kasi kapag hindi ko ibalik mukhan mamahalin. Siguro mas mahal pa 'to sa bag ko e.
"No need. Sayo na lang" parang walang interest na sabi niya. Whew! Ganoon ba siya kayaman ng ipamigay na lang niya mga gamit niya. Narinig ko naman syang ngumisi sa gilid ko.
Napatitig naman ako sa kanya gwapo talaga neto kapag nakangiti. I mean gwapo naman siya kapag hindi nakangiti pero mas gumwapo nung ngumiti. Gosh! Mahabangin ang panty ikalma!
"Why are you staring?" Sabay tingin saken nasalubong ko naman ang mga malalamig niyang mata.
Ang mga mata ni Craed at ang Mata ni Alaric ang the man of my dreams ay magkapareho, kaso pinagkaiba lang ay ang kulay nila. Ipinilig ko ang ulo ko para tigilan ang pag iisip. Boba ka talaga Tin! Imposibleng si Craed at Alaric or whatsoever ay iisa.
"W-wala!" Namumula naman ang mukha ko ng iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Rinig mo naman ang munting halakhak nya sa tabi ko.
Siguro happy pill ako nito tawang tawa saakin. First time siguro n'yang makakita ng dyosa like me? Yes? Yes!
"EHEM! WHAT IS THE MEANING OF THIS?!" napatingin naman ako sa pinto ng bagong datin na si Maureen babaerang 'to sabi eh lalabas lang pero napakatagal.
"Sinasabi mo naman? Issue ka teh" sabat ko habang nakatingin saakin ng mapang asar.
"Sus! Fafa Craed alam mo ba cru-shdbekc" agad kong tinakpan ang bibig ng bruhang Maureen na 'to. Hala! Sinabi ko lang naman sa kanya na gwapo si Craed 'di ko sinabing crush ko.
"What?" Kunot noong tanong ni Craed habang nakatingin saamin.
"A-no sabi nya sabay ka daw saami ng lunch he-he" pekeng tawa ko sabay kurot sa tagiliran ni Maureen.
"Ouch! Enebe sheket he" inirapan ko naman sya dahil nag iinarte sya sa gilid.
Natigil ang pag harutan namin ni Maureen ng dumating ang prof. I really hate math subject like girl dahil lang sa mansanas magkakamatayan pa kami kakasolve. Problema ni Math yun bakit kami mag sosolve hmpk! I really hate Math.
Napairap ako sa kawalan habang nagwawala mathematicians sa room. Napatingin naman ako sa gilid ko kung saan nakaupo si Craed at ang mokong busy din kakasolve.
Napatingin ako sa papel ko na di sigurado sa nasolve ko pero atleast diba i did my best hihi.
"OMYGOSHHHH BREAK TIME YOHOOO!" napatakip ako ng tenga ng sumigaw bigla si Maureen sa gilid ko. Nahihiya akong tumingin kay Craed dahil sa kaingayan ng kaibigan ko. Yes kay Craed dahil nangako kaming isasabay namin siya maglunch.
Naupo kami sa may gilid kong saan malapit ang aircon dahil sobrang init sa Pinas. Umorder si Craed ng kakainin dahil hindi naman daw nagluto ang Lolo Leo niya. Nalaman din namin na hindi pa pala siya nakakatikim ng mga lutong Pinoy. Hays mga mayayaman talaga. Kaya sa huli nag share kaming tatlo sa ulam tutal madami namang niluto si Mama na ulam para saamin ni Maureen.
Napatitig ako kay Craed na nakakunot ang noo habang sinusubo ang sisig minsan nakikita ko ang pag ngiwi nya. Ang cute lang! Parang gusto ko tulot syang iexplore sa mga iba pang pagkain. Pustahan hindi pa 'to nakakatikim ng street foods.
"Craed, nakakain kana ba ng street foods?" Tanong ko. Napatigil naman sya sa pagkain at tumingin saakin ng nakakunot ang noo.
"Street food? What is that?" See?! Hindi pa sya nakakatikim!
"Yeah, mga benta sa gilid ng kalsad ganun. Gusto mo ba samahan kita? Para naman 'di ka mahuli laki laki mo na di kapa nakakatikim nun" paliwanag ko sa kanya habang nagkatitigan kami.
"Ehem, excuse me ha andito pa ako oh" naputol ang titigan namin ng biglang sumabat si Maureen. Nahihiya tuloy ako masyado ata akong nacarried away sa kagwapuhan nito.
Excited na 'ko para mamaya. May part saakin bigla na gusto ko siyang samahan sa mga bagay na di pa n'ya nagagawa, parang ang saya lang kasi kapag 'yong tao ikaw ang kasama sa mga una nila. Para kasing napakainosente ni Craed sa mga bagay bagay, i don't know kong para saakin lang or ako lang nakakapansin pero ng oobserba kasi ako. Siguro ganun talaga kapag mayaman. Hays kong sino pa may mga malaking bahay at marangya ang buhay sila pa ang hindi masyadong nakakaranas ng mga masasayang bagay na pwedeng gawin dito sa mundo.
Mabilis na natapos ang pagkain namin ay bumalik na kaagad kami sa room. Mahirap ng malate. Nakaupo kami ngayon dito sa loob ng room habang parang nakabilog as usual Maureen at kakapalan ng mukha puro tanong kay Craed.
"Ilan kayong magkapapatid Craed?" Tanong ni Maureen napatingin naman ako kay Craed. Curious din ako.
"None, i'm only child." Napatango naman kami ni Maureen. Only child dami netong mamanahin siguro 'no. Kaibigan ko na kaya 'to?
"Nasaan parents mo?" siguro bagay kay Maureen maging reporter sa dami ng tanong.
Craed heavily sighed bago sumagot,
"Work" oh! 'Yan mahirap.
"Si Lolo Leo taga bantay nyo talaga?" Tanong ni Maureen.
"Actually yeah. Pero tinuring na din namin syang Lolo. Tagal na ni Lolo Leo saamin simula ng bata pa lang ako ay kasama ko na siya." Nagulat naman ako sa biglang pagtagalog ng diretso ni Craed. Owshiii! Akala ko englishero 'to forever. Kaya naman palang magtagalog.
Naubusan siguro si Maureen ng tanong kaya tinigil na mabuti rin dahil dumating na ang prof para matapos agad ang klase. Kakain pa kami ng street food eh yum!
The class ended smoothly, excited akong tumayo ang i-nayos ang gamit. Tumingin naman ako kay Craed na abala sa pag ta-type sa phone.
“Craed ano g ka?” Kumunot naman ang noo n'ya. “Kakain tayo street food, right?” I asked him again and he nodded.
“Great! Let’s go” i grab his hands at pumunta sa upuan ni Maureen.
“Ano Mau?” Napatingin naman saakin si Maureen sabay peace sign.
“I’m sorry girl may emergency sa house kayo na lang muna bawi ako next time ha” bumeso siya saakin sabay takbo palabas ng room.
Tumingin naman ako kay Craed na kanina pa pala nakatitig saakin bigla naman akong nailang.
“Tara tayo na lang” sabi ko.
“Yeah?” Napatingin ako sa kanya tsaka narealize ang sinabi ko. Nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig. Ngumisi naman ang loko.
“I mean tayo na lang kakain hmpk!” Tinalikuran ko siya at naririnig ko naman ang yabag nya sa likod ko kaya alam kong nakasundo siya.
Una tumigil kami sa nag-bebenta ng fishball.
“Fishball tawag dito” turo ko sa fishball. “Kuya dalawa nga pong 20” sabi ko kay manog vendor.
Inabot mo naman kay Craed ang fishball sabay turo sa dalawang sauce.
“Ito naman ay suka in english vinegar. Ito naman ay matamis na sauce. You can choose kong saan ang gusto mo dyan.” Sabi ko sabay lagay sa sarili kong baso ng suka at matamis. Pinaghalo ko kasi mas better sya.
Napa-ngiti naman ako ng ginaya ako ni Craed, pinaghalo din n’ya ang dalawang sauce.
“Go taste it. Tapos rate mo 1/10” sabi ko. Sumubo naman ako fishball is the best talaga lalo na kapag uwian ng hapon.
Sumubo siya ang nginuya base sa facial expression niya mukhang nagustuhan naman nya.
“I’ll give this fishball 8/10” pang rerate n'ya. Tumango naman ako at hinila siya sa ihawan. Mapapa-subo kami neto pero why not.
“Ito naman ay betamax at ito isaw” puro naman s'ya tango. Kumuha ako ng tig- dalawa bago inabot sa tindera.
“Masarap yan i-ihawin pa nila kaya kailangan nating mag antay ng konti” sabi ko sa kanya habang naka-tingin naman s'ya sa samalamig.
“Ayan naman ay juice lang yan na nilagyan ng ice pero masarap yan. Wait bili ako. Ate isa nga po dito” turo ko sa pineapple juice. Inabot ko naman sa kanya ang juice. Relate ba kayo? Mas masarap ang street food lalo na kapag uwian ng hapon.
Nang maluto na ay inilagay na ni ateng tindera sa baso ang lahat. Inabot ko naman kay Craed ang betamax at isaw.
“Rate mo din ito 1/10 tapos bukas na ule iba he-he puno na tiyan ko” sumubo naman sya sabay tango na parang mas gusto nya ‘yon kesa sa fishball.
“10/10, maybe dalhan ko ng ganto si Lolo Leo. What do you think?” Ang cute n'ya talaga. Tumango naman ako.
“Yeah pasa-lubong ganun” napatingin naman ako sa kalangitan ng nakita kong mag didilim na.
“Craed una na ako ha? Baka hinahanap na ako ni nanay” paalam ko sa kanya. Sinabi ko lang yun para di na ako ihatid. Tumango naman siya wala s'yang choice kasi iniihaw pa lang yung pagive away nya kay lolo Leo.
Today is the best day of my life. Ang saya niyang panoorin habang tini-tikman mga pag-kain na sa gilid ng kalsada lang na-bibili at hindi kasing sosyal tulad ng kina-kain n'ya. Oh no! Iba na ‘to.