Chapter 15
Monday. As usual School day, andito ako sa bleachers nakaupo habang nagbabasa na paborito kong w*****d story. Akala niyo pang school na libro no? Luh asa.
Biglang nalaglag ang librong hawak ko ng may humawak sa balikat ko.
"AH PALAKA KA!" Gulat akong napatingin kay Craed ng biglang sumulpot sa gilid ko. Wow fresh ha. Halatang bagong ligo lang dahil basa pa ang buhok at maayos din ang uniform niya.
Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina, bakit napapansin ko sa lalakeng 'to napapadalas ang pagtawa. Happy ba s'ya?
"Ang aga mo namang pumasok" sabi niya ng makaupo siya sa tabi ko as in dikit na dikit parang linta.
"Maaga kasi akong nagising" pambabara ko. Tumawa nanaman ang loko.
"Teka lang ha, napapadalas ata ang pag tawa mo?" Di ko na mapigilang magtanong. Napatingin naman siya saken ng nakangiti. Oh tignan mo talaga 'to.
"Yeah? Thanks to you." Nag-init naman bigla ang pisngi sa sinabi niya. Hmp, kapag ako nahulog sa'yo Craed sinasabi mo sagot ko na ulam mo araw araw, chos! Landot.
Nagpatuloy ako sa pagbabasa habang nasa gilid ko siya nag kikibit ng cellphone. Sa totoo lang para kaming magjowa sa ayos namen ngayon.
"What's that?" Tanong niya. Tapos na atang magcellphone.
"Story, gusto mo basahin?" Tanong ko at inabot sa kanya.
"'Nah, mas gusto ko kapag ikinwento mo na lang saakin" hmm sabagay mas exciting kapag ikekwento.
Tumango naman ako at tumingin sa orasan. Medyo matagal pa naman e masyado kasi kaming maaga.
"Sa story na binabasa ko yung leading man ay witch" paguumpisa nakita ko naman siyang umupo ng maayos at napalunok. Tingin ko naman mukhang interesado siya kaya itinuloy ko.
"Tapos yung babae isang normal lang na namumuhay ng payapa. Isang araw bigla niyang nakilala yung lalaki which is yung witch nga. Hindi alam ng babae na hindi tao ang lalaki kaya nafall siya. Hindi nila alam na may consequences pala kapag nahulog siya sa lalaking 'yon. Madaming pagsubok ang ginawa nila para lang maisalba ang relasyon pero sa huli hindi nila naisalba at dahil 'yon sa mga masasamang witches yun ang kalaban ng lalake, hindi ko pa tapos basahin so hindi ko alam kong happy ending ba" pagtatapos ko at tumingin sa kanya at ngumiti.
"Ikaw? Naniniwala ka ba sa mga witch?" Tanong ko, para kasing sobrang interesado niya.
"Maybe yes. Maybe no." Kumunot naman ang tingin ko sa kanya.
"Ako naman, hindi. Kong totoo man na meron parang malabo pa ding mangyari yung nasa kwento." Naalala ko 'yong ikinweto aken ni Mau na may iba't ibang katangian sila. Pero hindi ko na binanggit kay Craed.
"I have to go" biglang sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya at dahan dahang tumango. Anyare dun? Weird.
"WOWWWWWW WHAT IS THE MEANING OF THISSSSSS!!!?" Nagulat ako sa pagsigaw ni Maureen na nasa gilid ko. Andito kami ngayon sa canteen dahil breaktime.
"Ano? Ba't ka naman nasigaw dyan" sabi ko habang napakamot sa tenga ko.
"Look! Ikaw ha! Harought lang teh?" Napatingin naman ako sa ipinakita niya. Ig story ni Craed na ako ang laman habang nagbabasa. Ito yung kanina ah! Kaya pala busy sa pag cecellphone.
"May pacaption paaa!! My fave story daw. Waaaah winner si bakla!" Sabi ni Maureen sabay sabunot saken. Huhu aray hindi ko naman alam na ganun e. Pero ba't nga ba niya ginagawa 'yon. Hindi kaya may gusto saakin si Craed? What? Self are you out of your mind?! Asa! No no baka bet lang niya dahil first time niya sa ig world. Tama tama kalma self si Craed lang yun ang kaibigan nyo.
Nag-patuloy kami ni Maureen sa pag-kain ng biglang may tumigil sa gilid namin na tatlong babae. Sila Kelly. Kilala silang bully dito sa school kaya nakakapgtaka na nilapitan nila kami.
"Dinig kong nilalandi mo raw si Craed?" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Ha?"
"Maang maangan. Akala mo kong sinong mahinhin may itinatago ka palang harot" napayuko ako sa sinabi niya. Hindi ako sanay na may umaaway saakin. Naramdaman ko namang tumayo si Maureen sa gilid ko.
"Hoy! Excuse me lang ha. Pero kayo ba ni Craed para sumugod dito na akala mo girlfriend ka?" Na pahawak ako sa balikat ni Maureen para pigilan siya.
"Ha! So? Magiging kami rin in the future. Mga ilosyunada kayo!" Sigaw niya sa mukha mismo ni Maureen. "At sabihin mo d'yan sa kaibigan mo lumayo layo ng konti dahil nagugulo relasyon namin ni Cra—"
"Excuse me, Miss? What did you just say?" Na pa-tingin ako sa bagong dating na si Craed.
"Relasyon? Wala tayong relasyon. Sino ka ba?" Narinig kong sabi ni Craed. Dinig ko naman ang tawanan ng mga studyanteng naka-rinig.
Na pa-tingin ako kay Kelly na namumula halatang napahiya.
"Umalis na kayo. Ilosyunada pala ha! L-O-S-E-R, loser!" Sabi ni Maureen sabay tulak sa noo ni Kelly.
Sana ganun din ako kalakas sa kan'ya na kaya silang sagot sagotin. Na pa-yuko naman ako. Naramdaman ko namang may humawak saakin, si Craed.
"Are you okay?" Marahan ang pag-kakasabi niya.
"Ha? Oo naman!" Ngumiti ako sa kan'ya pero naka6titig pa din siya saakin.
"Bakit?" Tanong ko ng naka-titig pa din siya.
"Tsk, hindi kana nila uli ibubully. Isa pa andito kami ni Craed pag-tatanggol ka teh!" Biglang sabat ni Maureen habang sumusubo ng fries.
Thankful ako kasi andito sila sa tabi ko. Tumango naman ako sa kanila at ngumiti. Umusog ako para makaupo si Craed sa tabi ko para na din makakain siya.
"Kain ka oh, madami naman kaming binili ni Mau" abot ko sa kan'ya ng ibang pag-kain.
"Mamaya makaka-sama na ako sainyo, fishball tayo?" Napa-tingin naman kami pareho kay Maureen ng biglang mag-aya. Bumaling naman ako kay Craed na napa-lunok. Hmm.
"Mau siguro mag ice cream na lang tayo" sabi ko halata namang ayaw ni Craed ng fishball nung last na kumain kasi kami ay bigla siyang nawala.
"Sigeee! Sa ice cream house tayo" tumango naman ako.
Mabilis naming tinapos ang pag-kain namin at sabay sabay din kaming pumasok para sa next na klase namin. Nasa loob kami ng classroom pero nag- announce ang president namin na wala daw ang prof kaya early dismissal kami. Nag-tatalon naman na parang bata ang mga kaklase ko napa-face palm na lang ako dahil sa hiya.
"LEZGAW MGA BESHY KO" sigaw ni Maureen. Halatang excited si gaga. Syempre pagkain kaya palaging excited itong si Maureen
Tumayo na ako para ayusin ang mga gamit ko ng biglang mag-lahad si Craed ng kamay.
"Bag" nag-taka naman ako kong anong bag ba.
"Your bag" napa-tingin ako sa bag ko. Okay gets. Ini-abot ko sa kan'ya ang bag ko dahil tinatamad nman ako mag-bitbit. Lumabas na kami at nag- aantay na si Maureen sa labas.
"Wow may pabuhat ng bag. when kaya?" Na patawa na lang kami ni Craed sa kan'ya.
"Reto ko sayo si Lolo Leo" natatawang sabi ko. Napatingin naman saken ang gulat na mukha ni Maureen.
"Hoy sugar daddy ko na si Lolo Leo kapag siya jinowa ko!" Tawang tawa kami ni Craed sa likod nya.
Sabagay malay naman natin pogi pala si Lolo Leo nun kabataan niya diba?
Naka-rating kami sa Ice cream house ay pinag-buksan kami ni Craed ng pinto. Napa-kabait naman ng bebe na yan.
"Ano sayo Tin?" Tanong ni Maureen habang nag-titingin sa mga flavor.
"Chocolate." Hindi ako kumakain ng ibang flavor ni ice cream. Chocolate lang talaga.
"Eh sayo Fafa Craed?" Tanong naman ni Maureen.
"Kong ano kay Tin yun na lang din" sagot ni Craed.
"Wow pati sa flavor same kayo, k payn. My treat wag na kayo mag labas ng pera" sabi ni Maureen habang kunwari pinapaypayan ang sarili e aircon naman dito. Shunga.
Mag-katabi kami ni Craed habang inaantay si Maureen na umo-order ng ice cream. Naramdaman kong umusog siya papalapit saakin sabay nilaro ang buhok ko.
"Inggit ka?" Nag-bibirong tanong ko habang nilalaro padin niya buhok ko.
"Nah, i'm bored." Napa-tingin ako sa kan'ya habang naka-nguso. Cute.
"Oh mga mahal na prinsepe at prinsesa" napa-tingin kami kay Maureen ng inilapag niya ang ice cream harapan namin.
"Pic' muna guys" sabi ni Mau sabay taas ng cam. Ngumiti naman kami sa cam may wacky ren.
"Ikaw Craed, followback naman sa IG. Pashowbiz ka ha" sabi ni Maureen kay Craed habang sumusubo ng ice cream.
"Yeah, i'll follow you later" sabi ni Craed at sinimulang kumain. Hmm sarap..
ng ice cream.
“Why later pa? Now na!” Pangungulit ni Maureen kay Craed. Bumuntong hininga naman si Craed sabay dukot ng kanyang phone sa pocket niya.
“Para kang bata Mau” puna ko.
“Hmp! Gusto mo ikaw lang i-follow e.” Kunwaring nag-tatampong sabi ni Maureen.
“Done.”
Nang matapos na kami ay napag pasyahan na naming umuwi. Hindi daw muna makikitulong si Maureen dahil may lakad daw siya. Weird talaga netong babae na’to. Sa gabi pa talaga siya may lakad. Baka mamaya e mapano pero ayoko naman siyang pangunahan dahil mukhang importante naman ang pupuntahan niya.
“Hatid na kita Tin” napa-tingin naman ako kay Craed ng mag-salita. Andito kami ngayon sa parking lot ng school. Kakahatid lang namin kay Maureen dahil sinundo na siya ng sundo niya.
“Ha? S-sige” pumayag naman ako tutal mag didilim naman na at wala na akong masasakyan ng gantong oras.
Pinagbuksan niya ko ng kotse at nag-lahad pa ng kamay na akala mo ay isa akong prinsesa. Sus! Style ng mga lalake lang yan, Tin.
Napa-tingin ako sa daanan dahil sobrang traffic pa ngayon. Bumaling naman ako kay Craed na nakahawak ang kamay sa manobela at ang isa naman ay nilalaro- laro ang labi niya. Hot. Ipinilig ko kaagad ang ulo ko dahil sa naiisip.
“Bakit mo iniiling ulo mo?” Napansin ata ni Craed ang sobrang pag iling ko. Huhuness
“Wala! Exercise yan” pag sisinungaling ko. Narinig ko naman siyang nag “tsk” bago iniandar ang kotse.
“Ganyan na pala exercise ngayon?” Pambabara naman niya saakin.
“Oo, gusto mo gayahin mo din hmp” aba sinusubok talaga ako netong lalake na ‘to ha!
Narinig ko naman siyang marahan na tumawa at inabot ang kamay ko para hawakan.
“Hoy chansing ka alam mo ba ‘yon?” Nakangiti naman siya habang nakatingin sa kalsada.
“Ha?” kunwari’y hindi niya nadinig.
“Ang sabi ko—“
“Hakdog” sabi niya sabay hagalpak ng tawa. Agad naman akong lumapit sa kan'ya para hampasin siya sa balikat, habang ako ay inis na inis siya naman ay tawa ng tawa para kaming tanga sa loob ng sasakyan niya.
“Joke lang” sabi niya habang tumatawa at hinawakan ule ang kamay ko. Joke joke niya mukha niya.
“Relaxing kasi pag hawak ko kamay mo” sumeryoso naman siya. Jusko! Ang t***k nanaman ng puso ko parang may nag kakarerahang kabayo sa lakas.
“Edi putulin mo pala kamay ko para palagi mo ng kasama” pambabara ko. Inirapan ba naman ako. Attitude na siya ha.
Kinuha ko naman ang cellphone niya sa dashboard at sinimulang pakealaman.
“Pahiram ako ha?” Sabi ko.
“Nag-paalam ka pa eh hawak mo na nga”
“Hindi na nga!” Sigaw ko na naman.
“Eto naman, joke lang. Init ng ulo natin ngayon ah”
Umirap naman ako ay kinibit ang cellphone niya.
Pumunta ako ng IG at nag boomerang sabay diretso post sa ig story niya. May isa pang nakaharap saamin, ako nakangiti sa cam siya naman ay seryosong nag-dadrive nilagyan ko ng caption na “my driver”. Mangingialam na nga lang ako hindi ko pa lulubusin kaya nilubos ko na. Bigla namang nag ingay ang notif niya andaming nagreply hala!
Karamihan ay schoolmates namin at isa naman ay si Maureen. Kaya inopen ko kay Maureen.
‘Fokfok ng taon!”
Napatawa naman ako kaya nireplayan ko.
‘Inggit pikit” base sa reply ko alam na niyang ako ‘yun.
Patawa patawa ako habang binabalik ang cellphone niya sa dashboard.
“What’s funny?”
“Yang mukha mo funny hmp” sabi ko sabay irap sa kan'ya.
Nang makarating kami sa bahay ay hindi na daw siya papasok dahil baka hinahanap na daw siya ni Lolo Leo kaya dito na lang kami sa gate.
“Sige na. Ingat ka sa pag-drive” sabi ko habang nakahawak sa lace ng ID ko.
“No. Mauna ka muna” pag-pupumilit niya kanina pa kami ganito para kaming tanga. Kaya sumuko na lang ako.
“Okay. Ingat ka sa pagmamaneho” sabi ko sabay talikod.
“Tin” tawag niya saken kaya biglang akong humarap.
“Good night” dag dag niya.
“Good night din” sabi ko sabay karipas ng takbo papuntang bahay habang namumula pisngi. Jusko ginoo ko! Iba na ‘