Chapter 17
After naming mag-lunch ay tumambay muna kami sa bench malapit sa room para mag pahinga. Si Maureen ay hindi na tumigil kaka-nood ng mga video ng Treasure, sil ang inistan kong boygroup. I really like them lalo na at mag kakalapit kami ng age. I'm not that die hard fan but i really admire them.
I started admiring them since ygtb era.
Kanina pa may ibinubulong si Craed sa tabi ko na parang bubuyog ang naririning ko lang ay mas gwapo naman daw siya sa mga 'yon.
Kung sa totoo lang mapakag kakamalan ding koreano itong si Craed. Pogi e. Pero akin lang 'yan! Chos!
"Para kang bubuyog, Craed," puna ko. Naka-tingin naman saken ang naka-simangot niyang mukha.
"Hindi niyo kasi ako pinapansin dito" aba umirap pa. Taray.
Natawa naman ako sabay kurot sa pisngi niya.
"Para kang bata, mas pogi ka padin diyan!"
Ngumiti naman agad siya na parang kinikilig, gosh! This boy.
"Ehem! Andito ako baka nakakalimutan niyo?" Napatingin naman kami kay Maureen na tapos na palang manood.
"Tapos ka na? May next episode pa nood ka pa" sabi ko
"Che! Gusto mo lang mag moment kayo ni Fafa Craed e" inirapan ko naman siya bago humarap kay Craed na kanina pa pala naka-titig saakin
Kaya naman inirapan ko din siya, biglang uminit ulo ko siguro mag-kakaroon na ko hmp.
Nang magsimula na ang klase ay nakinig naman akong mabuti.
"Class magkakaroon tayo ng fieldtrip ngayong month" announce ng teacher. Hindi naman ako sasama d'yan dahil bukod sa ise-save ko na lang ang pambayad ay para may kasama din si Nanay.
"Sasama ka?" Napatingin naman ako kay Craed. Agad naman akong umiling.
"Sama ka na, first time ko din sumali e" pagpipilit niya.
"Sige basta libre mo bayad ko" pagbibiro ko. Napatingi naman ako sa kan'ya ng itaas niya ang kamay nya.
"Ma'am, sasama po kami ni Tin" sa gulat ko ay na hampas ko siya sa braso.
"Hoy! Joke lang ano ka ba!" Jusko, hindi ko naman alam na seseryosohin niya
"Ako na, may pera ako. Libre na kita para may kasama ako" Naka-ngiti pa ang gago. Wala na akong magawa dahil nalista na ni Ma'am. Si Ma'am pa naman kapag may binawi ka ay mabilis magalit.
Papaalam na lang siguro ako kay Mama. Siguro naman ay sasali rin si Maureen para tatlo kami.
Nang lumabas na si Ma'am ay agad akong pumunta sa pwesto ni Maureen para tanungin siya.
"Sasama ka ba?" Bungad ko.
"Of course! Hindi pwedeng wala ako sa trip na 'yan." Naka-hinga ako ng maluwag nang malaman kong sasama din siya. Atleast diba tatlo kami hehe.
"Sige girl ha! Una na ako need ko pang mag update kay Pudra e"
"Hoy may klase pa ah?" Pigil ko sa kan'ya. Ang alam ko may klase pa kami.
"Gaga! May meeting nga para sa fieldtrip. Hindi ka kasi nakikinig" What? Bakit hindi ko alam? Siguro ay tulala ako kanina kay Craed. Hmp! Buti naman para maagang umuwi.
Pumunta na ako sa upuan ko na katabi ng upuan ni Craed kaya agad nag-tama ang tingin namin
"Tara, bili na tayo ng babaunin natin for trip"
"Wala 'kong pera" hindi naman sa wala pero kasi nag titipid ako.
"Sino may sabing ikaw gagastos? Syempre ako" Wala na akong choice nang hilain na niya ang kamay ko palabas ng room.
Andito kami ngayon sa parking lot ng mall kararating lang namin. Nang makababa kami ay pinag-titinginan kami ng mga tao sa parking lot, hindi pala kami— siya lang ang tinitignan. Imagine kasama mo ang nag iisang Craed.
Una nag-punta muna kami sa shop ng mga hoodies, baka daw kasi malamig. Kinuha ko para saakin ay color pink sa kan'ya naman black as usual, boys.
Next naman ay sa bilihan ng mga snack, siya ang tumutulak ng cart habang ako ang pumipili ng kakainin namin. Pinag-titinginan pa din siya hanggang dito or kahit saan man kami mapadpad.
Onting chichirya lang dahil masama 'yon, next naman ay sa chocolates section. Hmm heaven.
Kumuha ako kada klase mayaman naman siya kaya niya 'tong bayaran. Kumuha din ako para may kakainin ako sa bahay. Tumingin naman ako sa kan'ya ay wala namang bakas na pag-rereklamo sa mukha niya kaya naman hindi na ako nahiyang dumampot.
Sa drinks section naman ay kumuha na lang din ako tig dalawa kada klase hindi ko naman kasi alam ang gusto netong lalakeng ito.
"Ayan lang?" Tanong niya nang mapansing tumigil na ako. Lang? Eh halos mapuno na naming ang cart 'lang' lang?
Tumango naman ako, siya na ang pumila para mag-bayad. Ako? Andito sa mga upuan nag-aantay ayaw niya ko pasamahin e baka daw mapagod lang ako.
Nang matanaw ko na siya agad ko namang nilapitan.
"Do you want to eat muna?" Dahan dahan naman akon tumango dahil nakakaramdam na din ako ng gutom.
"J-jollibee na lang siguro" sabi ko kasi yun ang nakita kong malapit dito sa pwesto namin. Tumango naman siya ay nag&simula na kaming mag-lakad papunta doon.
"Ako na o-order, hanap kana lang ng upuan" sabi niya. Napili kong upuan sa pinaka-gilid para maging komportable din kaming dalawa.
Nang dumating siya dala ang mga pag-kain na inorder ay umayos na ako ng upo.
Chicken at rice lang ang sinabi ko. Pero may kasama naman ngayong burger at fries. Jusko tigas talaga ng bungo netong lalake na 'to.
"Eat." Sabi niya sabay inalis ang pag-kakatakip ng rice at inayos yun sa plate ko. Gulat naman akong napa-tingin sa kan'ya naninibago ako kay Craed today ha.
Bumalik na siya sa pwesto niya at nag-simulang lantakan ang pag-kain, kaya naman ginawa ko na din tutal gutom na gutom na ako.
Andito kami ngayon sa parking lot may dadaanan daw muna kami bago niya ako ihatid kaya naman pumayag ako.
Medyo matagal ang byahe pero worth it naman kasi nung nakarating kami sa place ay sobrang ganda ng view, sabi niya siya daw may ari ng lupa na ito. Ang yaman naman pala talaga niya. Ang view ay kitang kita ang mga matatayog na buildings. Siguro maganda dito tuwing gabi, city lights. Mayaya nga siya dito next time tutal sa kanila naman ‘to.
“Anong balak mo dito?” Tanong ko. Tinutukoy kong anong gagawin niya sa lupa na ‘to.
“Siguro patayuan ko ng bahay in the future or benta” sabi niya sabay kibit balikat.
Kong ako may ari neto mas pipiliin kong mag-patayo ng bahay, bukod sa ganda ng view mukhang mas maganda dito mamuhay. Tahimik lang at malayo sa mga tao.
Umupo ako sa damuhan habang naka-tanaw sa baba kong saan andun ang syudad. Naramdaman ko naman siyang umupo sa gilid ko.
“Nung bata ako hindi ko naranasan ang family day” pag-kikwento ko. Naramdaman ko namang tumitig siya sa'kin kaya nag-patuloy ako.
“Bata pa lang kasi ako wala na si Papa. Hindi ko man lang siya nakita or nayakap man lang, nung nag kaisip ako si Nanay na ang kumakayod para may pang kain kami araw araw” na pa yuko ako. Lungkot lang. Kasi yung iba may magulang at buo pa.
“Kaya ikaw, Craed. Habang maaga pa wag mong papabayaan ang mga magulang mo. Kong nasaan man sila or kahit malayo man sila sayo iparamdam mo pa din na mahal na mahal mo sila” Sabi ko at tumingin sa mga malalamig niyang mata. Nakikita ko sa mga mata ni Craed ang pangungulila hindi ko alam kong namamalik mata lang ba ako sa nakita ko.
Hinawakan ko ang pisngi niya at ngumiti.
“Dahil pag wala na sila wala ng mag- aalaga saatin” ngumiti ako ng matamis. Naramdaman ko naman ang pag-tango niya. Atleast mababawasan ang nararamdaman niyang tampo sa magulang niya. Kahit hindi naman niya sabihin na nag-tatampo siya alam ko naman dahil simula nung nakilala ko siya ay si Lolo Leo lang ang nag-aalaga sa kan'ya. Siguro sobrang busy talaga ng parents niya na kahit konting time lang hindi nila mabigay kay Craed.
Kung oras ang kailangan ni Craed kaya kong ibigay yun.
“I’ll t-try,” Gulat akong napatingin sa kanya.
“I’ll try to visit them” bulong niya.
“Bakit ikaw pa ang bibisita?” Tanong ko.
“Long story. Soon you’ll know” sabi niya sabay gulo sa buhok ko. I respect his privacy naman kapag ready na siyang mag-kwento andito lang naman ako para makinig.
“Pwedeng stay muna tayo dito hanggang mamaya?” Request ko.
“Sure, maaga pa naman”
Kahit saglit gusto ko man lang mag-relax. Nahiga ako sa d**o habang naka-tingin sa kalangitan, ramdam ko rin ng titig ni Craed sa gilid ko kaya ti-nap ko ang tabi ko para sabihin na humiga din siya. Mukha namang naintindihan niya dahil humiga din siya.
“Ikaw? Wala ka man lang childhood story dyan?” Nag babakasakali baka mag-kwento.
“Nung bata ako, nasa loob lang ako lagi ng pala- i mean ng house namin. Nahihiya kasi ako makipag laro sa ibang bata . Hindi ko din alam tuwing lalapit ako sa kanila lumalayo sila na akala mo’y may sakit akong nakakahawa.” He chuckled na akala mo naman may Nakakatawa
Saklap. Yung ginagawa mo na laha’t lahat para mag-karoon ng kaibigan pero sila mismo ayaw sayo. Hindi ko ramdam pero alam kong nakaka-lungkot kapag walang gustong makipag kaibigan sa’yo.
Nung bata ako ay madami akong kalaro kahit anak mayaman pa ‘yan ay gustong maki pag-laro saakin. Kasi palangiti daw akong bata kaya gusto nila makipaglaro. Kasi kapag laging nakasimangot ayaw ka nilang lapitan
“Dapat kasi ngumiti ka para tunganga sila” pagbibiro ko.
“Lagi kaya akong naka ngiti nung bata ako”
“May baby picture ka ba?” Tanong ko.
“None.” Bulong niya ule.
Napanguso naman ako saklap naman ng childhood days ng lalaking ‘to. Ni picture wala.
Siguro di uso camera noon. Charrr!
Gumilid ako paharap sa kan'ya na naka-pikit.
Napatitig ako sa mukha niya, sa labi niya. Mapula.
“Ano hulog na ba?” Nagulat ako ng mag-salita siya.
“Hulog mo mukha mo” sabi ko habang namumula ang pisngi. Narinig ko naman ang mga halakhak niya sa tabi ko. Hmp! Matagal na kahit hindi mo itanong. Chos!
“Bakit ang ganda mo?” Napaseryoso naman ako at humarap sa kan'ya.
“H-ha?”
“Wala! Bingi.” Mapapalo ko na talaga ‘to. Daig pa babaeng may dalaw, bilis ng mood swing eh.
Inirapan ko naman siya nag isip-isip, kapag ba naging successful ako in the future ano mga una kong gagawin? Siguro papaayos ko muna yung tirahan namin at bilhan si Mama ng mga damit at mag-tatrabaho pa ding mabuti.
Lahat naman ng ito ginagawa ko para saamin ni Mama, para mabili namin ang mga gusto namin sa future.
Na pangiti ako habang iniisip ‘yon, can’t wait to be successful.
“Ba’t ka na ka ngiti?” Nawala ang ngiti ko ng mapag-tantong nasa tabi ko pala si Craed.
“Masama?” Pambabara ko.
“Why so hot-headed?” Natatawang tanong niya kaya inirapan ko lang siya. Sino ba naman di mag-iinit ang ulo panira ng moment. ampota.
Tumayo na ako at pinagpag ang damit ko kaya tumayo na din si Craed at ginaya ang ginawa ko.
“Tara na uwi na tayo” pag-aaya ko. Dahil mag-didilim na din.
“Yeah, let’s go” aya niya sabay unang nag-lakad kaya naman hinabok ko siya. Ambilis naman mag-lakad neto anlalaki kasi ng biyas.
Pinag-buksan niya ko ng kotse which is palagi niyang ginagawa pumasok naman ako at sumandal.
Medyo malayo din byahe kasi malayo sa syudad ‘tong lupain ni Craed na kasing lawak pa sa malawak. Kaibigan ko ‘to tapos makikihati ako sa lupa. Choss!
Inistart na niya ang makina habang ako ay naka-tingin sa labas. Maganda kasi ang view sayang lowbat kasi cellphone ko hindi tuloy ako nakapag- picture. Next time talaga sasama uli ako kay Craed dito.
Medyo malayo pa ang byahe kaya naman pinakialaman ko ang mga nasa harap, nag pasounds ako hindi naman siya nag-reklamo na Kpop songs ang music, nag-hehead bang pa nga siya dahil sa beat.
“Naiintindihan mo ba?” Tanong niya bigla.
“Ang alin?”
“Yung lyrics ng songs, ako kasi hindi” natawa naman ako. Ako din naman, beat lang habol ko sa kanta pati na rin ang mga kumanta.
“Hindi, idol lang kaya ganun”
Tumango tango naman siya. Malapit na kami sa bahay kaya naman umayos na ako ng upo at tumingin sa labas. Nang makarating na ay tumingin muna ako sa kan'ya na naka-titig na pala saakin.
Nung bumaba ako ay bumaba din siya.
“U-uh thanks. Ingat ka sa byahe, Craed” pag-papaalala ko ng tumalikod na ako ay hinawakan niya ang braso ko kaya naman napaharap ako.
“Tin”
“Hmm?”
“I like you…”