Part 10: Sticky note

299 Words
Nang sabihin ni Phen ang salitang, "I miss you," kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin. Hindi na rin nagpaalam na babalik na 'to sa room nila. Bigla na lamang siyang umalis na parang wala ang existence ko. Naiwan akong nakatulala sa kinatatayuan ko. Ang tanging nagbalik ng wisyo ko ng nabitawan ko ang cream-o nahawak ko. Dinampot ko ito sa sahig, tinignan ko ang sticky notes na narito. Hindi ko talaga makita ang nakasulat. Pumasok na 'ko ng room, umupo ako sa p'westo ko. Maliwanag na kaya maaari ko ng basahin ang nakasulat sa sticky notes. "Chen, Matagal na kitang gusto, Chen. Alam ko ring gusto mo 'ko. Natutuwa ako nung malaman kong gusto mo 'ko pero hindi ko kayang naghihintay ka sa wala. Nahihirapan ako, sorry, Chen. Palagi kang mag-iingat. Ayokong paglaruan ang nararamdaman mo kaya lalayo na rin ako. Phen." Pinilit ko ang sarili ko sa buong araw para makinig ng lessons, magtake down notes, at kumain sa recess. Ang hirap ng ganito pinipilit ko ang lahat. Ang hirap din magsalita o kumausap ng ibang tao, tipong naiinis na sila sa'kin dahil hindi ako nakikinig. Nagtraysikel na rin ako nung uwian para makauwi agad. Baka maabutan ko pa si Phen kung naglakad ako. Inisip ko na rin ang maaaring ibang rota na lalakarin ko para hindi ko na siya makita. Ayoko na. Nakakulong lang ako sa'king k'watro punong-puno ng mga luha ang mga mata ko na kanina pang pinipigilan. Basang-basa na rin ang unan ko sa kasasalo rito. Pagod na ang mata ko. Hindi ko magawang maitapon ang cream-o na binigay ni Phen kaya binigay ko na lang 'to sa pinsan ko. Kinuha ko muna rito ang sticky notes na nakadikit. Ilang beses ko na rin itong paulit-ulit binabasa baka sakaling magbago ang mga letra, at salitang nakasulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD