Part 11: Finale

279 Words
Hinila ako ng kaibigan ko palabas nang room, panoorin daw namin 'yung praktis ng mga grade 9 sa baba. Tumangi ako sa gusto nito, mapilit, at sinuhulan pa 'ko ng pagkain para sumama sa kaniya. Ewan ko pero hindi ako makatanggi kapag pagkain ang usapan. Mahaba pa naman ang oras ng breaktime kaya makanonood pa kami. Hindi talaga ako interesado sa mga ganito pero kaibigan ko may sinisilayan lang 'ata. Kanina pa nga ako hinahampas dahil praktis palang daw ang angas na daw ng grade 9. Kanina nakatuon ang pansin ko sa pagkain na binigay ng kaibigan ko, ngayon ay sa mga sumasayaw na may kapares. Para mayroon silang choreography na isa-isa silang tatayo kasama ang partner nila, magpapakitang gilas. Nagulat ako nang unang tumayo ay si Phen. Hawak nito ang kamay ng partner niya sa sayaw. Siguro'y nakita na rin ako nito pero hindi ko lang napansin dahil sa pagkain. Antagal na rin pala halos limang buwan na. Limang buwan nagmove-on sa hindi naging sila. Napatawa na lang ako, salamat dahil sa mga aktibidad, at pagsali ko sa art club ay halos nakalimutan na kita. Oo, halos kung limot na talaga kita hindi ko na maaalala ang pangalan mo. Naalala ko pa 'yung huli kita natin, ang awkward kasi kung humalakhak ako sa daan, dinig na dinig sa kabilang kanto na sana hindi mo narinig. Nang tatawid na sa may pedestrian lane bigla tayong nagtapo, nagkatinginan pa nga tayo pero hinilis mo ang tingin. Pinakamalala pa ay nagpatintero tayo sa daan pareho tayong tumigil para makadaan. Hindi na kita tatanungin kung kumusta ka, mukhang masaya ka naman na. Tanging masasabi ko na lang ay mag-iingat ka palagi, Phen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD