PHEN'S POV

290 Words
Hindi ko talaga malilimutan na kinuntsaba ko pa mga kaibigan ko nang nakita kita sa tindahan ni Mang Anor. Bugnot na bugnot ka na noon, kita kasi sa mukha mo, at nagkukuyakoy. Kumakain pa ng pandesal na panay tingin sa paligid, at nagdadaanang traysikel. May inaabangan ka siguro? Sabi ko sa mga kaibigan ko pumunta kami sa p'westo mo para sana magpapansin sa'yo. Kaso lumayo ka naman noon nagkunwari na lang ako na akala ko kaibigan kita, nung natapik ko ang kamay mo pero alam kong ikaw 'yun. Napansin mo naman siguro ako kahit papaano. Nakaputi kang damit noon, pareho tayo. Akala ko nga noon aalis ka na, tinapik ako nang dahan-dahan kaibigan ko dahil malungkot daw ako. Bigla akong napangiti noong tumawid ka lang. May inaabangan ka nga. Mga limang minuto tumawid ka na pabalik may kasamang babae. Nilingon mo ang grupo namin mukhang narinig mo 'ata na binanggit ang pangalan mo. Chen daw ang pangalan mo. Ang cute ng pangalan mo, ang cute mo rin. Naalala ko rin 'yung dalawa mong pinsan na parang hinahalughog buong pagkatao ko. Umamin sila sa'kin na gusto mo raw ako? Grabe yung tuwa ko noon hindi ko maipaliwanag pero itananong nila ako kung gusto ba raw kita. Hindi ako sumagot, at sinabi sa kanilang baka hinihintay mo na sila, nauutal pa nga ako noon. Balita ko nagalit ka raw dahil sa ginawa nila, ayos lang naman sa'kin gusto ko rin naman malaman mo. Chen, ito ang isa sa pinag-aalala ko, palagi kang tumingin sa daan, focus mo ang sarili mo sa daan. Huwag masiyadong malalim ang iniisip. Buti nung panahon na nangyari 'yung aksidente na 'yun nakatawid na 'ko, nahila ang beywang mo papalapit sa'kin. Ang ganda mo pala talaga sa malapitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD