Magandang hapon anak, my bisita kang dumating...tugon ni inay
Sinong pong bisita Inay?
Ako Christine, magandang hapon sa iyo, kamusta kana matagal tagal din na hindi tayo nagkita. Saad ni Edward
Oh, siya iwan ko muna kayo dito sa balcony para makapag luto ako ng hapunan natin.
Sigi inay, para makapag usap kami na masinsinan ni Edward po.
At umalis na si inay.
Hmmp...nagbuntong hininga, Christine, pwede bang mag usap tayo?
Yes Edward, pwede tayong mag-usap ngayon.
Ano bang pag usapan natin Edward?
I'm sorry Christine, labis ko ng pinag sisihan ang aking nagawang kasalanan sayo, hindi ko man maibabalik ang dati mong tiwala sa akin, ngunit kahit papaano mapapatawad mo ako Christine.
Inaamin ko Christine na malaki ang aking kasalanan sayo, dahil sinira ko yong tiwalang binigay mo sa akin.
Alam ko din Christine na maling pinatulan ko yong tukso, dahil napaka hina ko sa time na yon.
Maniwala ka man o hindi Christine, mahal na mahal parin kita hanggang ngayon.
Wala parin imik si Christine.
Ano ba ang gusto mong gawin ko Christine? Para mapatawad mo lang ako. Lahat gagawin ko para lang makamit ko lang yong kapatawaran mo Christine.
Alam mo ba Edward, noong umalis ako sa bahay nyo, gulong-gulo ang aking isipan sa mga oras na iyon. Tinatanong ko ang aking sarili kung mayroon ba akong nagawang mali saiyo Edward. Kung kaya mo nagawa iyon sa akin...ngunit anong isip ko Edward wala parin akong nakuhang sagot. Na alam kong ikaw lang din naman ang makaka sagot sa mga tanong ko.
Sa mga sandaling iniisip kita, nadudurog ang aking puso, at bawat pangakong binitiwan mo sa akin Edward parang bang tinangay na ito ng malakas na hangin. Naiwan ako sa gitna ng kawalan, na hindi ko alam aking pupuntahan, parang naligaw ako sa aking kabigu.an.
That was me 3 months ago, ang tagal din bago ko naunawaan ang aking damdamin, buti nalang talaga hindi ako pinabayaan ng aking Ama't Ina patuloy silang naka alalay sa akin sa gitna ng aking kasawian.
Alam mo ba Edward kung ano yong natutunan ko dito sa ating relasyon?
Ano yon Christine?
Ang natutunan ko Edward, ay huwag ubusin ang lahat ng pagmamahal mo sa isang tao, mag tira ka ng kalahati para sa sarili mo,...kung iiwan ka man niya or my 3rd party involved...hindi guguho yong mundo mo. Kasi my tinira akong pagmamahal sa aking sarili, knowing my value and also knowing my worth.
Ito yong pagkakamali ko na ayaw ko ng maulit pa muli kung sakaling magkabalikan tayo or magkakaroon man ako muli ng karelasyon.
Cguro nga Edward ganito talaga pag wala pang karanasan sa pagibig. Kapag masaktan ka, labis mo itong damdamin.
Hindi ko lang talaga maisip Edward kung bakit mo nagawa sa akin yon?
Wala naman akong kakulangan sayo, lahat naman ibinigay ko sayo bakit ba, parang my kulang?
Alam ko din na wala kang naalala Edward, pero bakit yon yong paraan mo para mabalik yong ala-ala mo...parang ang unfair naman yon para sa akin Edward.
Ipaliwanag mo ngayon Edward, bakit mo nagawa yon sa akin? Hindi isang bisis, inulit nyo pa talaga, mga wala kayong hiya, ang kakapal ng pagmumukha nyong dalawa. Sabay sampal,
Oh ito pa ang kaliwa pisngi ko Christine, smpalin mo narin.
At sinampal ko nga, at sinuntok sa magkabilang braso at saka sinampal muli.
Habang tumulo ang aking luha...
At niyakap ako ni Edward,
Christine patawarin mo na ako, kahit ano gagawin ko para lang mapatawad mo ako Christine.
I'm begging you Christine, I'm very much sorry...hindi na ako mangako Christine gagawin ko nalang...para mapatawad mo ako.
Nagawa ko lang man yon lahat dahil inakit ako ni Nathalie yong X-girlfriend ko...she convince me to do that, even if I won't...nadala lang talaga ako sa tukso Christine. Maniwala ka sana sa akin, hindi ko siya mahal, ikaw yong mahal ko talaga.
Wow, Edward talaga ba? Ako yong mahal mo???
Eh di sana, naisip mo yan bago ka gumawa ng milagro!!! Gigil mo ako.
Kaya nga, pinagsisihan ko na ang nagawa kong kamalian sa iyo Christine, I admit na mali yong pamamaraan ko at inaamin ko din na naging mahina ako sa mga oras na iyon.
Malayo man ang aking nilakbay para puntahan ka Christine, pero lahat ng yon ay baliwala para lang makita kita muli at maka usap. Para hingin ang kapatawaran mo at humingi din ng 2nd chance para magkabalikan tayo muli.
Wow, ang dami mo namang hinihingi Edward, pwede ba pa isa isa lang muna!!! Madali lang para sayo na sabihin at hingin yan ano? Kasi ikaw yong nanloko! Hindi mo ba naisip, kung ano ang mararamdam ko!!!
Kaya nga Christine kung Hindi mo man ako mapatawad ngayon, pero hangad ko parin ang iyong kapatawaran Christine. Alam ng diyos na tapat akong humihingi ng kapatawaran sayo.
Huwag mo nga isali ang diyos sa kalukuhan mo na dimonyo ka...bakit, noong ginawa mo bang pagtataksil sa akin, sinama mo ba siya??? Sagot!!!
Ginigigil mo talaga ako.
Umiyak si Edward, rason para lumubas si Inay...
Ano ba anak, mahal mo pa ba si Edward? Oh, hindi na?
Tama ang inay mo anak, kung mahal mo pa naman yang tao bakit pahahabain mo ang pag aaway nyo anak?
Maiski lang buhay natin anak, kaya huwag mo nalang sayangin sa mga ganyang bagay.
Alam namin anak ni Inay mo kung gaano ka nasaktan...tandaan mo anak na tao lang tayo, minsan nagkakamali talaga anak. Ang kailangan lang natin gawin ay umunawa at magpatawad para gumaan ang ating naramdaman.
Kung kaya pa naman anak na bigyan mo pa si Edward ng 2nd chance, ibigay mo na sa kanya anak.
Hindi naman ganoon kadali inay ang magpatawad at mag bigay ng 2nd chance.
Ano ba ang nasa puso mo ngayon anak? Galit parin ba?
Sana anak, huwag mo hayaang lamunin ng galit ang pagmamahal mo para sa kanya.
Tama ang Inay mo anak, napakahirap mabuhay kapag punong-puno ng galit ang puso mo anak. Ikaw din ang mag suffered non.
Edward tumahan kana, pag pacnsyahan mo na itong si Christine dahil mula ng sinaktan mo siya naging masungit na siya at mabilis uminit ang ulo, hindi kagaya ng dati kabaliktaran lahat ngayon ang ugali nya.
Okay lang po tita Cecile, kasalanan ko naman po ito lahat.
Oh siya iho, dito kana lang muna mag stay sa bahay Edward, para naman magkasama kayo madalas ni Christine.
I agree, wika ni itay
I disagree...bakit naman dito siya titara? eh, kaya naman niyang mag stay sa resort marami naman siyang pera para check-in sa resort. Basta ayaw ko na dito siya titira.
Wala kang magagawa Christine, pumayag kami ng itay mo na dito siya titira.
At tumalikod na ako para pumunta sa aking silid.
Anak saan ka pupunta? Maghahapunan na tayo.
Sa bedroom ko po inay, matutulog na ako...na wala na ang aking appetite. Hindi na ako kakain.
At padabog akong umalis...