Chapter 1 Dalampasigan
Sa Dalampasigan
Takip silim at full moon naman, magandang mag lakad lakad sa tabi ng dagat, sumagi sa aking isipan na lumakad lakad kana dali...at sinunod ko nman ito, wala namang masamang mangyayari kasi kakatapos lang ng bagyo, kalmado na ang tubig sa dagat. Kaya nag pa alam ako sa aking ama't ina na umalis muna saglit, sama ako ate,... sambit ng bunso namin, sabi ko wag na! dahil malamig baka magka sipon kapa. At pinayagan naman ako ng aking magulang dahil matanda naman daw ako at alam ko naman ang pasikot sikot dito sa Isla ng Moonlight. Walo kaming magkakapatid at ang bunso namin nag aaral pa sa elementarya. Dahil sa hirap ng buhay hindi kami naka pagtapos ng pag aaral, apat na lalaki at apat din na babae, pang anim ako at wala pang asawa at yong sunod sa akin nag aaral pa, gusto ko silang makatapos sa pag-aaral balang araw, yan ang sumasagi sa aking isapan habang lumalakad sa tabi ng dagat.
Ang sarap sa pakiramdam, na bawat hampas ng hangin sa aking mahahabang buhok at ang tunog ng hampas ng tubig sa dalampasigan ay tila nangungusap at nag sasabi ang ganda ganda mo,...sumabay pa ang bilog na buwan na humahalik sa aking makikinis na mukha. Sabi ko, sa aking sarili..., Kung my kasintahan lang sana ako ngayon, sigurado ang romantic namin sa ganitong oras..., Hindi naman ako pangit Lord, 25years old na ako NBSB (No Boyfriend Since Birth) padin ako, mabait naman ako,...masipag, magalang sa mga magulang, at higit sa lahat mabuting tao. Hindi nga lang ako nakatapos ng pag-aaral, at Hanggang highschool lang ang natapos ko, at tumulong na ako sa aking mga magulang para magka pera, tour guide ang aking trabaho at malaking tulong din yon sa aking pamilya, pambaon sa aking mga Kapatid, at pandagdag sa gastusin sa bahay, mangingisda ang aking ama at ang aking ina ay tindera ng isda sa palengke...wala na kasing tumutulong sa aking ama at ina kasi lahat ng aking kuya at ate my sariling pamilya na din. Tumulo' ang aking luha sa aking naisip, ngunit dito nahubog ng husto ang aking puso't, isipan na maging matibay at handa kahit ano pang bagyo ang dumaan sa aming buhay ay hindi hindi ako susuko.
"Sa kalaunan ng aking paglalakad ay inabot ko na ang kalagitnaan ng isla, naka ramdam na din ako ng pagod, kaya naghanap ako ng pwede kong maupoan...sa di kalauyuan my nakita akong puno ng niyog natumba. Kaya nilapitan ko ito agad, marahan akong upo; at dinaramdam ko ang pag hampas ng hangin sa aking mahabang buhok at pinakikinggan ko ang magandang tunog ng tubig na humahampas sa gilid ng dagat, na tila ba musika ito sa aking pakiramdam.
"Pampalipas oras at naaaliw ako; kahit papano mawawala ang aking mga problema pansamantala."
Yan ang sumagi sa aking isipan habang naka upo.
Makalipas ang dalawang minuto, naka ramdam ako ng antok kaya naisipan ko na sanang bumalik na sa bahay. Kaya lang sa aking pagtayo napalingon ako sa bandang kaliwa, at my naaninag akong hulma ng tao dahil maliwanag ang buwan, hindi naman ako nakaramdam ng takot.
Hindi ako nag atubili na puntahan ang aking nakita; my limang metro lang naman ang layo sa akin...kaya dali-dali akong pumunta, my tumatakbo sa aking isip, "baka nagpapalipas din ito ng oras at nagpapalamig kaya humiga sa tabi ng dagat." Ng makalapit na ako, lalaki pala, sambit ko agad,
Hi...!!ako pala si Christine, tour guide ako dito sa Isla, baka gusto mo ng my makaka usap?... Wala paring imik ang lalaking nakahiga, nakaramdam na ako ng kunting kaba, ""baka inanod ito ng kasagsagan ng bagyo" oh di kaya, na salvage ""...bagkos hindi ako nagpatalo sa aking kaba, kumalma ako.
Tiningnan kong mabuti ang kanyang mukha, gwapo ito, matatangos ang ilong my magandang hugis ang mukha, mamula mula ang mga labi na nag babadyang gustong gusto kong halikan.
"Matipono ang pangangatawan, mataas na tao, estimate ko nasa 6'11" ang taas nito magkasing taas sila ng aking kuya na my asawa na ngayon at matitigas na dibdib dahil nakabukas ang butones ng kanyang pulo na kulay itim, tanaw na tanaw ko ang kanyang muscle." Kinikilig ako ng bahagya, kaya hinawakan ko ng dahan dahan ang kanyang dibdib para hanapin ang pulse ng kanyang puso at tumitibok naman ito...doon palang ako nabuhayan ng loob, na buhay pa ito."
"Ramdam na ramdam ko ang tigas ng kanyang dibdib kaya tinanggal ko na ang aking kamay; at marahan kong inilapit ang aking mukha sa kanyang mukha para titigan lang sana, kaya lang nadala ako sa aking bugso ng damdamin na halikan ito. "Sambit ko sa aking isip kung hahalikan ko ito, wala namang my maka kita dahil malayo layo na ito sa mga taong bakasyonista, ang dalang na my pumunta pa dito. At isa pa wala pa naman siyang malay, kaya okay lang naman dahil hindi niya ito malalaman."
Ng makalapit na ang aming mga mukha, marahan kong idinikit ang aking mga labi sa kanyang mga labi at diniin ko pa ng bahagya,."marunong naman pala ako siguro sa kakanuod ko ito ng mga kdrama pag wala akong trabaho sa isla." At napangiti nalang ako sa aking naisip.
Ngunit makalipas ang sampong sigundo siya ay biglang huminga at dumilat ang kanyang mapupungay na mata. At ang unang salita na sinambit niya...nasa langit na ba ako?,...at ako'y ngumiti na para bang walang alam sa mga nangyari kanina lang.
Pina upo ko siya at sinabing nandito ka sa isla, dito ka napadpad noong kasagsagan ng bagyo. Di niya lubosang maalala ang lahat kahit pangalan niya...siya ay natulala at marahang umiyak at sumigaw ng sino ako?, saan ako nagmula?, sino ang pamilya ko?, sino, sino ako???
"Marahan ko siyang niyakap at hinimas ang kanyang likuran at pinatahan". Sabi ko, wag kang mag alala habang wala kapang my ma alala, dito ka muna sa aming bahay,... ipapaalam kita sa aking mga magulang mababait naman yon, sigurado akong papayag din yon agad. Ako ang bahala sa iyo, simula ngayon tatawagin nalang kitang Luky kasi napaka lucky ko ngayon dahil natagapuan kita at sa aking palagay hulog ka ng Panginoon sa akin...
Napaka tahimik mo naman, ano ba ang nasa isip mo ngayon Lucky? Wag mo nga akong tawaging lucky!!!.... dahil di naman yan ang pangalan ko, hindi ko nga maalala',.kung saan ako galing?...
Hindi ko alam kong papano kita tutulungan, pero handa akong tumulong kahit walang kapalit. Wala naman akong intensions na masama sa iyo, mabuti akong tao Lucky, my takot ako sa Panginoon na lumikha sa atin."
At pagsambit ko sa mga salitang iyon, ay nakuha ko ang kanyang loob...tinitigan nya ako deretso sa mata, kaya sinabi ko sa kanya... halos matunaw na ako niyan sa mga titig' mo...tama na, dahil hindi ako sanay, at bahagya akong ngumiti, at ngumiti din siya.
"Lucky: okay payag na ako na tawagin mo akong Lucky at payag na din ako na tulungan mo ako, dahil alam ko sa aking sarili na kailangan ko ngayon ang gaya mo para magsimula ako muli...pangako pag maalala ko na ang lahat, babayaran kita or babawi ako sayo, pangako yan., Christine...? Christine Torres Legaspi yan ang buo kong pangalan
..okay, nakuha mo na ang loob ko Christine."
Ngayong panatag na ang iyong loob sa akin, pwede na tayong umuwi sa bahay namin?...doon kana din uuwi pansamantala."
At ako'y tumayo na dahil aalis na kaming dalawa, ngunit siya parang hirap na hirap siya makatayo ng tuwid..kaya inalalayan ko nalang siya, pasencya kana nasugatan kasi ang aking kanang binti kaya hirap ako tumayo",
Okay lang yon"...naintindihan ko naman kaya nga nandito ako para tulungan ka."
Nilagay ko ang kanyang matitigas na braso sa aking balikat at inalalayan ko siya sa paglalakad,...ang lapit lapit na ng katawan namin sa isa't isa, para akong kinukuryente at kinikilig...ganito pala ang pakiramdam kapag masaya ang puso mo siguro nga inlove na ako, natatawa nalang ako sa aking naisip."
Sabi niya, bakit ka tahimik Christine, mabigat ba ako,? Okay lang na hawakan mo nalang ang aking kamay para hindi ka masyadong mailang sa akin,...Nako hindi naman ako naiilang saiyo, dahil gustong gusto ko naman ito at masaya ang puso ko...sambit ko". Sabi nya, ano yon, paki ulit nga hindi ko masyadong narinig kasi malakas masyado ang hampas ng alon sa tabi ng dagat.
Ah, sabi ko Lucky, gustong gusto ko naman tumulong sa iyo at nais din ng puso ko na gumaling kana ng tuluyan."
Ahhh...okay ganon pala yon,"mali talaga ang dinig ko kanina Christine buti nalang inulit mo,
Tawang tawa ako at my halong kaba, na baka malaman niya ang totoo kong nararamdaman sa kanya. Baka kasi isipin nya na nag take advantage ako sa kanyang sitwasyon.